Vivienne's POV
Hindi ko alam pero parang tumigil ang mundo. Parang nagpaulit ulit ang salitang sinabi ni Dustin. Parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan.
Mafia boss? Boss?? Isa syang boss ng legal na grupo sa bansa? Napatingin ako kay yabang na nakatingin sakin. Hindi ko mabasa ang iniisip nya pero bakit hindi man lang nya depensahan ang sarili nya na hindi sya ganung tao??
"Totoo ba yun??" Yan nalang ang nasabi ko.
"Hahaha. Wag mo na syang tanungin Viv! Paniguradong hindi yan aamin! Alis na nga ako!" Nakita ko si Dustin na pumasok na ng gate nila.
Hindi ko alam pero nagtaka ulit ako. Paano nalaman ni Dustin na mafia boss si yabang? Ibig sabihin may koneksyon sila sa isa't isa??
"Totoo ba yun yabang?" Inulit ko ang tanong ko at this time nakita ko ang mga emosyon sa mata nya ng ititig nya yun sa mga mata ko.
Joshua's POV
"Totoo ba yun yabang?"
Tiningnan ko sya sa mata. Napakaepal talaga ni Casabal. Napangisi lang ako ng mapansin ko ang tapal sa may noo ni Casabal. Mukang naisahan ang gago.
"Huy! Sagutin mo yung tanong ko!" Kitang kita ko sa mga mata nya na gustong gusto nyang malaman ang sagot.
At para tumigil sya eh sumagot na ako ng...
"Oo! Totoo yun!" Sabi ko. Bahala na kung tatanggapin nya ako o hindi. Basta maging honest lang ako sa kanya. Tsaka hindi ako papayag na makawala sya sakin. Tandaan nyo, ang akin ay akin. Hindi ako mahilig mamigay.
"Niloko mo ako!! Isa ka rin pala sa kanila!! Kauri mo rin pala sila!! Isa ka rin palang mamamatay tao!! Tanggang ko sana kung myembro ka lang pero ano?!! Ikaw mismo yung boss!! Kauri mo rin yung mga taong unti unting umuubos sa pamilya ko!! Wala kang pinagkaiba sa kanila!!" Ngumiti sya ng mapakla. "Ilang tao na ba ang mga napatay mo?! Marami na ba?! H—"
*chup*
O_______O!!
O_________O!---sya!
5
4
3
2
1
I kissed her. To shut her up. Masyado na syang maingay. Kitang kita ko ang gulat sa muka nya. Napangiti ako. Nakita kong sumama ang tingin nya sakin at hahampasin sana ako pero hinawakan ko ang kamay nya.
"Bakit mo ginawa yon!!!" Pinaghahampas nya ako pero para lang akong pinipitik. -__-
"Masyado ka kasing maingay" nakangising sabi ko.
"Manyakis ka talaga! Dapat sayo nilalayuan!! Masama kang tao!!"
Biglang sumeryoso ang muka ko. Masyado syang diretso magsalita.
"Ikaw na mismo ang sumangayon diba? Na hindi lahat ang mafia eh masama. Kung masama akong tao, bakit ang gwapo ko? Tsaka kung masama akong tao edi sana pinatay na kita??" Dinaan ko nalang sa biro para hindi mag init ang ulo ko. Ayokong masigawan sya.
"Sorry..." Nakangusong sabi nya at yumuko na parang naagawan ng kendi. Napangiti ako. Tinap ko ang ulo nya.
"Okay lang..." Sabi ko at hinila na sua dahil umuulan na. Pumasok kami sa bahay nya. Napangiti ako. Alam ko na kung anong nangyari sayo. May tinatago ka talagang bangis Mikko.
"Yabang..." Napatingin ako kay Viv
"Hmmm?"
"Paano ka naging mafia boss??" Bahagya naman akong nagulat sa tanong nya. Interesado ba sya sakin?
"Dahil...." Dahil sayo.
"Dahil?"
Napailing nalang ako. Tama kayo ng nabasa. Dahil sa kanya kaya ako sumali.
Ako lang naman ang kababata nya. Oo. Ako si Jojo. Simula nung nakaalala ko eh pinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko sya at hihingi ako ng tawad sa kanya. At ngayon sinisimulan ko na ang plano ko.
Nung araw na hindi na sya tumatawag sakin. Nag ayos ako ng bag nun. Nakita ko yung kahon. At bigla nalang sa isang iglap eh nakaalala ako sa pamamagitan ng laman ng kahon. Hindi ko alam ang naramdaman ko nun. Agad akong magsisi sa mga ginawa ko sa kanya nung bata pa kami. Tumawag ako ng tumwag sa kanya pero wala nang sumasagot. Kinain ako ng guilt nung time na yun. Nagsisisi ako kung bakit ko sya tinaboy kahit alam ko sa loob loob ko na kilala ko sya nung may amnesia pa ako. Isang araw isinama ako nina mama at papa sa isang bahay, at ang bahay na yun eh yung bahay nila na nasa gitna ng palayan. Sobrang saya ko dahil alam kong makikita ko sya pero nabigo ako, lumipat na pala sila ng bahay at hindi ko alam kung saan. Pero sabi ni papa hindi daw yun ang pinunta namin. Pumunta kami sa isang underground. At bumungad sakin ang napakalawak na lugar. Puno ng baril. Puno ng mga lalaking naka itim. Nagtaka ako ng nag bow sila samin. Nagsalita nun si papa at sinabi ang katagang 'i want all of you to meet my son, your new boss...' Tandang tanda ko pa ang sinabi ni papa. Nagtaka ako nung una. Pinahawak nila ako ng baril. Tinanong ko kay papa kung bakit ganto. Sabi nya ay 'diba gusto mong maprotektahan si Viv at mahanap sya? Ito nalang ang tanging paraan...' Yan ang tumatak sa isip ko kaya pumayag ako. Desperado na talaga ako na makita sya. Simula nun palagi na nila akong iensayo. Hanggang sa paglaki ko eh nakilala ko sina Dale at Damon. Simula nun unti unting lumiit ang mundo namin.
Sumali saming grupo si Mikko. At sobrang gulat ko ng kapatid nya pala si Viv. Kaya ko sya tinaggap dahil para updated ako sa buhay nila. Pero hindi ko akalain na may ibubuga rin pala si Mikko. Hanggang sa naglaro kami ng korning laro. Pinilit lang ako ng tatlong ugok na sumali. Dahil ayoko talaga sumali. At nung nataya ako eh nag dare ako. Inutusan nila akong maging nerd sa loob ng school. Sabi ko pa nung una eh wala silang karapatan na utusan ako pero part pf the game daw yun. One month lang naman daw yun eh. Then nagtuloy tuloy na ang pangyayari.
"Tsk. Lets go..." Hindi muna ako aamin. Alam nyo kung bakit? Dahil may magbabalik. Aantayin ko muna ang pagbabalik nya bago ako umamin!
Vivienne's POV
Sa Friday na ang Christmas party namin. At ngayon pupunta ako kay Claire. Para sabihin ang nangyari kay Mikko. May karapatan naman syang malaman dahil girlfriend nya yu eh. Hindi ko lang alam ang magiging reaksyon nya.
Nag doorbell na ako. Nakita ko sya g nagtatatalon pa habang nakangiti na binuksan ang gate. Parang naawa naman ako kapag nalaman nya. Siguradong malulungkot sya. Hays. Bakit kasi kailangan pangangyari to??
"Hi Viv!" Linggo nga pala ngayon kaya walang pasok.
"Claire." Ngumiti ako ng peke..naaawa talaga ako sa kanya.
"Pasok ka..." Iginaya nya ako papasok sa loob. Kaya umupo na ako. Buti nalang walang tao ngayon sa bahay nila. Kasalubong kasi namim si Clyde kanina, may pupuntahan daw.
"Alam mo bang may problema ako Viv?"
Malungkot na sabi nya. Hala? Alam ma kaya nya?
"Ano yun?" Painosenteng sabi ko.
"Kasi hindi nagpaparamdam sakin si Mikko matagal na..."
Napayuko naman ako. Parang ayaw ko nang sabihin.
Claire's POV
"Claire wag kang mabibigla sa sasabihin ko ha?"
Napatingi ako sa kanya. Bakit parang ang lungkot nya? Anong problema? May nangyari ba?? Bakit ganyan sya?
"Ano yun? May nangyari ba?" Takang sabi ko dahil nagtataka na talaga ako sa mga kinikilos nya.
"Kasi si Mikko...."
Hindi ko alam pero kinabahan ako. Si Mikko? Anong nangyari sa kanya?
"Wala na si Mikko, Claire. Wala na. Patay na sya..."
O__________O!!
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Fiksi RemajaTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe