chapter 28

1.2K 27 0
                                    

Vivienne's POV

*tok*tok*tok

Napatingin kami pareho sa pinto ng bumukas ito. Kumatok pa bubuksan rin pala ni manang. Tss.

"Kain na kayo mga bata"

"Sige manang susunod na kame" sabi ni yabang.

"Paano kapag hindi ka nya pinatawad?" Sabi ko. Naiisip ko lang. Paano diba? Edi baliwala ang paghahanap ko dun sa babae.

"Hindi naman mangyayari yun" natawa naman ako.

"Ang lakas ng confidence mo noh?" Natatawang sabi ko.

"Haha. Gwapo lang. Tsaka sya mismo ang mag sabi na deserve ng lahat ang second chance malala man ang nagawa" sabi nya. Eh yun naman pala eh! Bakit pag hahandaan nya pa?

"Himala ata at hindi mo ako sinisigawan?" Natatawang tanong nya. Natawa rin ako. Ewan. Nadala kasi ako sa kwento nya. Ang saklap ng nangyari sa kanya haha.😂😂

"Hehe. Hindi ko rin alam"

"Haha. Tara na nga! Kain tayo sa baba" sabi nya at tumayo. Pumunta ajo sa likod nya. Sya yung nagbukas ng pinto pero...

Bakit ganon?! Ako kang ang makukuryente kapag hinawakan ko yan? Ang daya naman! Palibhasa mayaman kaya ganyan ang mga gamit. Kapag pinakeelaman mo eh makukuryente ka. Haha.

Bumaba kami sa malawak nilang hagdan. Grabe parang hagdan ng castle eh.

May pinasukan kaming pinto at nakita ko ang groundfloor pa nilang hapag kainan. Yung lupa ang ganda! Hindi naka tiles tapos ang green nunf damo. Pinag tsinelas pa ako ni yabang

"Upo ka dyan" sabi nya. Umupo naman ako. Grabe para akong nasa palasyo.

Nangintab ang mata ko nung nakita ko yung pagkain! Ang sarap tingnan! Tingin palang masarap na! Paano pa kaya kapag tikim!

"Haha. Kain na tayo" sabi nya. Nagtaka naman ako. Kami lang dalawa ang kakain?

"Wala ka bang ibang kasama dito?" Ang laki laki tapos sya lang yung tao?

"Nasa ibang bansa sila" tumango nalang ako at kumain. Grabe ang sarap iuwi ng pagkain!

Hindi ko alam ang kinakain ko pero masarap talaga sya. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong pagkain. Grabe pala dito. Parang ang sarap dito tumira. Kaso baka hindi kami magkita kita kapag nakatira na kami dito. Sa laki pa naman!

"Viv paano kapag may taong may kasalanan sayo na sobrang laki. Papatawarin mo ba sya kung hihingi sya ng tawad?"

Napatingin naman ako sya kanya. Bigla akong may naalala. Actualy meron taong may kasalanan sakin na malaki. At hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sya ngayon. Masisisi nyo ba ako? Nasaktan kasi ako kaya hindi ko alam kung mapapatawad ko sya dahil baka ulitin nya yung pagkakamaling ginawa nya.

"Hahaha. Wag mo nalang sagutin" sabi nya at pinagpatuloy ang pagkain. Ako naman naweirduhan lang sa kanya tapos kumain ulit.😊😊

*

Hay! Busog na busog ako grabe! Hindi ako makahinga sa sobrang busog! Ang dami kong nakain. Buti nga hindi nagreklamo si yabang eh.

May bait din pala syan tinatago no? Akala ko forever mayabang na manyakis na sya eh. Mabait pala sya kung makikilala mo yung other side nya.

"Pogi ba?"

O____O!

Kumindat pa ang loko! Yak!

"Hinde!" Sabi ko.

"Eh bakit nakatitig ka sakin? Haha" sabi nya. Hala? Sa kanya ba ako nakatingin? Hindi ko namalayan. Masyadong malayo ang narating ng imaginations ko hehehe.

The NERDY BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon