chapter21:intrams(day3)continuation

1.2K 50 13
                                    

Vivienne's POV

Tama si Dale! Si Joshua ang may kasalanan! Psh! Nakakainis na talaga sya! Manyakis na mayabang pa! Tss.

Papunta ako ngayon sa gym dahil may laro si Mikko. Syempre supportive sister ako! At tatagpuinko si Claire sa may pinto ng gym.

"Vivienne!"

"Claire!" Tawag ko sa kanya at saka lumapit sa kanya.

"Tara sa loob." Sabi ko. Nag text si Mikko. Sya daw bahala sa upuan namin.

"Pssst!" Napatingin kaming dalawa sa tumawag. Si Mikko. Naka jersey na sya dahil hinubad na nya yung warmer. Napatingin ako sa katabi ko. Hahaha! Nag mala linta nanaman kakadikit sakin.

"Dun kayo sa may base namin umupo" nanlaki naman ang mata ko.

"Pero puro player dun Mikko!"

"Okay lang naman daw kay coach"

Umupo na kami dun. Payag naman daw yung coach nila eh. Nasabi ko na bang partner yung section namim at section nila sa group games? Kumbaga magkakampi ang grupo namin at grupo nila.

"Ow. Hindi ko akalaing susuportahan mo ako" napatingin naman ako sa nagsalita. Si yabang. Akala nya sya pinunta ko dito?! Hah! Asa sya! Kakampi nga pala nya si Mikko kasi kaklase ko sya diba?

"Asa ka!" Sabi ko.

"Kung ganon eh bakit ka nandito?"

"Sinamahan ko si Claire! Diba?!" Nakatingin lang sa akin si Claire. Tapos napatingin sya sa mayabang na manyakis na yun tapos ngumisi.

"Hindi naman ako nagpapasama sayo, ikaw nga yung may gustong pumunta dito eh"

Argh!!! Nagsabwatan pa sila. Pinanlakihan ko ng mata si Claire. Nag peace sign lang sya. Napairap nalang ako sa kawalan.

"Prrrrrtt! Jump ball"

Ayan na. Magsisimula na. Tss. Nakita kong tumingin muna sakin si Joshua tapos kumindat. Manyakis na mayabang na playboy! Dami mong katangian!

Sya yung nakipagjumball at kundangan naman! Bakit pandak yung nilaban sa kanya? Ayan! Kahit hindi sya tumalon eh sa kanila ang bola. Ang bobo naman.

Nakuha ni Mikko yung bola pero hinarangan sya nung pandak kaya pinasa nya kay Joshua tapos shinoot nya at pasok! 3 points pa yun!

Ganun lang ang routine nila hanggang sa matapos ang first quarter. Nakita ko si Joshua na kinakausap yung coach nya.

Tapos pumunta sya dito.

"Hi Viv!" Nakangising bati nya. Oo. Nakangisi. Tss. Nang aasar nanaman.

"Maglaro ka na dun!" Mangungulit nanaman sya! Nakakasawa na ang pagmumuka nya!

"Sub muna ako. Medyo naliyo ako kanina eh. Lintek kasing pandak yun"

"Huh? Anong sinasabi mo?"

"Wala!" Kinuha nya yung towel nya at pinunasan yung buhok nya dahil sa sobrang pawis.

"Psst!" Napatingin nanaman ako sa kanya!

"Ano nanaman!"

"Punasan mo likod ko"

O____O!!

Aba't!!!

"Ano ka sineswerte?!" Inis na sabi ko! Ang lakas mag utos! Akala mo close kami!

"Tsk. Sige na, pagod na ako eh" parang hinang hinang sabi nya. At dumali nanaman yung kintek kong konsensya!

"Akina nga!"

The NERDY BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon