Vivienne's POV
Nandito parin ako sa rooftop. At mag gagabi na. Hindi ko parin kayang bumalik. Ewan pero parang kapag makikita ko sya eh masasaktan ako.
Bakit kasi sya ang napili ng puso ko?! Nakakainis lang! Hindi ko gusto pero kontra ang puso ko!! Pwede bang alisin ang puso??
*riiiinnnnnggggg!*
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang natawag.
Mikko calling....
Shete! Nakalimutan kong may kasama ako! Shet siguradong kanina pa nila ako hinahanap!! Agad kong sinagot ang tawag!
"Hell—"
[Nasaan ka?!!] Nailayo ko ang cellphone ko dahil ang sakit sa tenga ng boses nya!
"Pabalik na ako..."
[Sige! Iintayin kita!! Kung saan saan ka nagpupupunta!!]
"Sorry..."
[Tsk. Geh na...]
Inend ko na ang call. Naglakad ako papunta sa elevator at sumakay dun. Tsk. No Choice. Haharapin ko sya.
Pinindot ko yung floor namin. Parang kinakabahan pa ako. Habang papalapit ako ng papalapit eh parang nag faflashgack ang nangyari kanina.
Kumatok ako pagdating ko sa harap ng pinto. Binuksan yun at bumungad si Mikko na halata ang pag aalala sa muka.
"Saan ka ba nagpupupunta?!" Yumuko lang ako at hindi sumagot. Alam kong kapag sinagot ko sya eh barado ako. Mas matanda sya eh!
"Tss. Yaan mo na Mikko. Pagpahingahin mo muna..." Napatingin ako kay Damon. Ngumiti sya sakin kaya ngumiti rin ako. Thanks to him.
Hinila ako ni Francine at Claire sa kwarto namin ni Mikko.
"Shocks! San ka ba nanggaling? Nag alala kami sayo..." Sabi ni Francine.
"Oo nga. San ka ba nagpunta?" Tanong ni Claire. Napabuntong hininga ako.
"Sa rooftop..."
O______O?—silang dalawa
-__-
"Ano namang ginawa mo dun?!" Sabay nilang tanong. Parehas ba sila ng isip?
"Nag isip isip..." Nabakik tuloy sa isip ko yung nangyari kanina. Ewan ko kung anong naratamdaman ko basta ang alam ko eh masakit. Hindi mentally kundi emotionally
"Tungkol san?" Tanong ni Claire.
"Haist! Secret lang natin to ha?!" Sabi ko. Tumango naman sila.
"Kasi kanina..."
"Anong meron sa kanina?"
-___- wala pa nga eh
"Kanina nakita ko si yabang..." Sasabihin ko ba??
"Tapos??" Sabay nilang sabi.
"May kasama syang iba..." Yumuko ako at hindi ko alam pero namasa ang mga mata ko!
O_____O?!—silang dalawa!!!
"Does it mean???"
Yumuko ako at parang maluluha! Ano bang nangyayari sakin! Bakit ako maluluha?!
"Shet!!! Silence means yesssss!!" Sabi ni Francine kaya mas lalo akong napayuko
"Shete may gusto ka na sa kanya!!" Sabay nilang sabi. Alam ko na yan. Ayaw ko lang aminin sa sarili ko dahil nga ayaw ko sa kanya. Pero sa halip na galit ang maramdaman ko eh bat parang ako yung nahulog sa kanya? Baliktad na ata ang mundo ko.
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Roman pour AdolescentsTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe