Vivienne's POV
Waaaaaahhh!!! Late nanaman ako!! Ke-first day eh late ako!! Bakit kasi hindi ako ginising ni Mikko?!
Nagmadali akong bumangon at nagpunta sa banyo and do my thing.
***
"Tara na Mikko!!" Hila ko sa kanya.
"Ang bagal bagal mo kasi eh! Pati tuloy ako nadamay!!" Waaaa. 5 minutes nalang start na ng class. Nasa bahay pa kami.
Agad akong sumakay sa kotse. Pati narin sya. Bakit kasi ang malas ko? Pati panaginip ko malas. Nagkabf daw ako tapos iniwan daw ako. Dare lang daw yung nangyari. Tsk.
Nang makarating sa school ay bumaba agad ako. Tsk. May ceremony pa nga pala! Pumunta ako sa building ng course ko.
BTW. Hindi nga pala kami pareho ng school ni Mikko. Ayaw nya dito eh.
Agad akong kumatok pagtapat ko kung saan ang pinto ng magiging room ko. Huminga ako ng malalim at...
*tok*tok*tok*
Kumatok ako. Biglang may nagbukas na lalaki? Naka uniform din to kaya ibig sabihin ay hindi ito yung teacher.
Pumasok ako dahil mukang wala syang balak magsalita. Nakatingin lahat sa akin kaya nailang ako. Bakit ba sila nakatingin? Ganito ba kapag may iba kang kaklase? Tss. Hindi ko sila pinansin at umupo nalang.
Bakit kasi hindi kami magkaklase ni Claire?! Sana may kausap ako ngayon. Masarap pa namang kausap ang lukang yun! Miss ko rin yun eh! Tagal na naming hindi nagkita.
****
Haay. Ang boring. Walang kadaldalan. Paano ba naman. Nasa dulo ako. Sa tabi ng pader tapos tong katabi ko nerd. Gulo yung buhok nya tapos ang salamin nya medyo tabingi tapos ang laki ng polo nya. Ano naman klaseng lalaki to?
Nang matapos ang klase ay tumayo na ako. Haay. Hindi pa naman labasan nina Claire kaya hindi ko pa sya makikita.
Naglakad na ako papunta sa parking lot.
"Hindi ka nararapat dito!"
"Oo nga! Basura ka lang!"
"Bumalik ka na sa pinanggalingan mo!"
Bigla akong nakarinig ng sigawan. Kaya bilang babaeng curious ay tiningnan ko agad ito.
O____O!!
"Hoy!! Tigilan nyo nga sya!!"
Paano ba naman kasi! Pinagtutulungan nila yung nerd na katabi ko sa upuan.
Agad naman silang nagtakbuhan. Ako naman lumapit sa nerd. Nakita kong dumudugo ang labi nya. Tsk. Kawawa naman sya.
"Okay ka lang ba?" Sabi ko. Nakatingin lang sya sa akin. Singkit pala sya? Infairness ang ganda ng mata nya. Ihhhh. Ano bang sinasabi ko??!
Nang matauhan sya ay tumango lang sya. Hindi man lang nag thank you oh ngumiti. Nerd ba talaga to?
Tumayo sya at kinuha yung gamit nya. Tumingin sya sa akin at tumango tapos umalis? Tsk!! Hindi ba aya marunong magpasalamat??
Naglakad nalang ako papunta sa parking. Tsk. Nagmuka tuloy akong napahiya kasi nilapitan ko sya pero hindi naman nya ako kinausap. Nagmuka akong papansin
-___-
*****
"Musta school?" Pagkadating ko sa bahay ay yan ang bungad ni Mikko.
"K lang" kahit napahiya ako kanina. Tss. Nakakainis. Ikaw na nga tinulungan pinahiya ka pa?! Nakakainit ng ulo yung nerd na yun!
"Eh bakit muka kang natatae dyan? Hahaha" hindi ko nalang sya pinansin. Hinalikan ko lang sa pisngi si Mia bago ako pumunta sa kwarto ko. Nagbihis lang ako ng pang araw araw.
Bumaba ako syempre. Pero simalubong ako ni Mikko. Hinila nya ako papunta sa sala sa second floor. Oo. Ganun sya kayaman. Sya lang. Biruin mo! May sala pa sa taas.
"Bakit?" Sabi ko. Nasasaktan ako sa hila nya. Ang higpit eh.
"Nag hire na kasi ako ng maid"
"Ha? Pero wala tayong pambayad. Alam mo naman na hindi pa tayo naunlad eh..." Ano ba yan. Dagdag bayarin nanaman yang maid na yan.
"Sabi kasi ni mom. Kaya na naman daw nyang mag bayad dahil umuunlad na yung negosyo. Ayaw daw nya tayong mahirapan lalo na at magiging busy tayo dahil college na tayo"
Tumango nalang ako. Ano pang magagawa ko? Nakapag hire na eh. Okay lang naman sa akin pero gusto kong makatipid hanggat kaya eh. Pero si mom na ang may sabi kaya agree na ako.
"Bakit? Ayaw mo ba ng may maid?" Sabi nya.
"Tss. If I know pinilit mo lang si mom dahil ang tamad tamad mo!" Sabi ko. Hindi nya ako maloloko! Dati nga nung nandito pa si mom at dad ay asa nya lahat sa kanila. Ni pagkuha ng isang basong tubig hindi nya magawa noon. Buti nalang at pinagalitan sya ni dad. Para daw madesiplina dahil masyado daw tamad. Naiintindihan naman ni Mikko.
"Hahaha! Tumpak ka dyan!" Sabi nya at ginulo yung buhok ko. Tsk!!!
"Hoy!! Ano ba!! Yung buhok ko!!" Sabi ko.
"Hahaha. Muka ka talagang teddy beaaaarrr" tapos bigla nya akong pinisil sa pisngi. Yuck! Nakakaloko to!
"Ano ba! Mashakit!" Tsk. Inalis ko ang kamay nya. Kahit kelan nakakairita sya.
"Kuyaaa..." Napatingin kami kay Mia.
"Bakit baby?" Kinandong nya ito.
Napangiti ako. Hindi sya nagbabago. Ang sweet sweet nya sa kapatid. Ni hindi nga nya mapagalitan si Mia eh. Tunuturo nalang nya yung tama kasi napepressure daw kapag pinapagalitan.
"Kasi may nagbigay ng flowers---"
"May nanliligaw na agad sayo?! Tsk!! Sino yan?!! Wala pa dapat manligaw sayo kasi bata ka pa!!! Sino ba yan at maabangan sa kanto!--"
Hindi natapos ni Mia ang sasabihin dahil nag react agad si Mikko. Oo..ganyan sya ka protective sa kapatid nya. Pati sa akin.ganyan sya. Dati kasi may sumubok manligaw sa akin. Sabi nya wag ko daw sasagutin dahil may gang daw yun kaya sinunid ko sya. Hanggang sa kinidnap ako nung manliligaw ko. Papatayin daw nya ako kapag hindi ko sya sinagot. Sobra ang takot kong naramdaman dahil may hawak syang patalim. Bigla nalang bumulas ang pinto at sa isang iglap ay bagsak ang lalaki at may nakayakap sa akin. Si Mikko pala. Sinabihan nya ako na wag magpapaligaw sa iba dahil baka maulit ang nangyari. Ang gusto nya sya daw muna ang kikilatis. Kaya mahal ko sya hindi lang bilanh pinsan eh... Kundi bilang kuya. Napakasweet nyang kapatid samin eh.
"Hindi naman to akin kuya eh" parang iiyak na si Mia. Haha. Cute.
"Kanino ba yan?" Sabi ni Mikko
"Kay ate" tapos binigay nya sa akin. Kaya kinuha ko. Nakita ko ang matalim na tingin ni Mikko. Alam ko ang iniisip nya. Iniisip nya na may manliligaw ako.
"Dun ka muna Mia sa kwarto mo" umalis naman agad si Mia.
"San naman galing yan Viv?"
"Aba ewan ko! Si Mia yung kumuha diba? Malamang hindi ko alam!" Sabi ko. Sinamaan lang nya ako ng tingin at kinuha yung bulaklak.
"Hahahaha! Ang corny naman! From your future pa yung nakalagay!"
O____O??
Yun nanaman? Yun rin yung nakalagay eh nung may nagpadala sa akin ng kwintas.
"Pipili ka nalang ng manliligaw, corny pa! Wala ka talagang taste! Haha" tsk. Ito namang katabi ko tawa ng tawa.
"Hindi ko nga yan manliligaw! Ni hindi ko nga kilala eh!" Pero tuloy parin ang pagtawa nya kaya umalis na ako at iniwan syang natawa na parang baliw dun. Well. Baliw talaga sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/135053178-288-k48210.jpg)
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Fiksi RemajaTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe