Joshua's POV
"Iho gising na..."
"Hmm"
"Iho??.." I slowly opened my Eyes and I saw Manang.
"Po?" Antok pang sabi ko.
"Aba eh may pasok ka pa. Bumangon ka na at nagluto na ako ng agahan..." Ngumiti ako kay manang at bumangon na. Argh! Ang sakit ng ulo ko!!
After doing my thing I went outside. Tumingin ako sa orasan at...
"Shit late na ako!" Nagtatakbo ako pababa ng hagdan.
"Manang kayo nalang po kumain! Late na po ako!!" Sigaw ko. Tsk!
Kinuha ko ang motor ko. Kapag kasi kotse baka lalo akong malate!! Ang hirap humanap ng parking.
*BROOOOMMMM!!!*
Pagdating ko sa school eh nakita kong wala ng tao sa coridor! Shit naman! Sobrang late na ako!! Nagtatakbo na ako papunta sa room namin at dahang dahang kumatok! Pero natigilan ako pagtingin ko kung sino ang nagbukas. Si Viv.
Nakatitig lang ako sa kanya. Sya naman umiwas ng tingin. Paga yung mata nya. Hula umiyak yan kagabi. Alam kong maraming nagtatanong sa inyo kung ano ang reaksyon ko nung umanin sya
Syempre sobrang gulat ako!! Sa sobrang gulat ko eh nakatayo ako sa pwesto ko maghapon. Para akong manequin nun. Pumasok ako ng pinto ng hindi ULIT sya pinapansin.
Miss na miss ko na sya tangina!! Napatitig ako sa kanya. Ilaw araw ng paga ang mga mata nya. Ilang araw na rin akong nagtataka kung bakit namamaga ang mata nya. Pero tangina!! Kahit nag aalala ako sa kanya eh hindi ko makalapit! Bukod sa hindi pa ito ang tamang oras eh wala rin akong lakas ng loob. Alam kong nasasaktan sya sa inaasta ko. Araw nakikita nya akong may kasamang iba. At nakikita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya. Ang tanga tanga ko dahil ginagawa ki yun. Pero may part rin sakin na masaya. Kasi alam ko sa sarili ko na nagseselos sya. May sasabihin akong sikreto pero wag kayong maingay ha?
Una kagagawan ko yung magiging host kami sa Christmas party. Kitang kita ko sa muka nya na ayaw nya. Tumingin pa sya sakin kaya bago nya ako mahuling nakatingin sa kanya eh umiwas na ako. Dahil ayokong makita ang mga mata nyang may bakas na sakit. Ginawa ko yun dahil gusto ko syang makasama. Miss na miss ko na sya. At sasabog na ako kapag nagtagal pa to!! Tangina!!
Pangalawa! Sinadya kong sabihin sa Class president na sya ang utusan tapos pasamahan sakin dahil bawal pumasok sa faculty ang hindi officer. Ginawa ko yun dahil miss ko sya. Pero damn!! Hindi man lang sya nagsasalita!! Tinry kong kausapin sya pero she did'nt respond!! Actually hindi short cut yung dinaanan namin nun. Pampalayo yun. Hindi ko lang alam kung napansin nya. Tapos nung kinuha ko yung tets papers eh pasimple kong hinawakan ang kamay nya. May angal kayo?! Hindi ko napigilan ang sarili ko eh. Hindi ko lang alam kung napansin nya din yun. Tulala lang kasi sya.
Pangatlo!!! I Love Her... I really do!! Simula palang nung una gusto ko na sya! Nung nagpapanggap akong nerd eh hindi ko sya malapitan dahil ang panget ko pa nun! Acting lang naman lahat ng nangyari nun. Yung mga nambubully sakin eh pinaacting ko lang dahil mga tauhan ko yun. Kaya natuwa ako nung sya mismo ang lumapit sakin at tulungan ako!! Aaminin ko kaya ko sya hindi kinakausap dahik natameme ako. Tangina ang ganda nya kasi!! Tapos nung sa pageant. Tuwang tuwa ako nung nanalo kami. Kasi alam kong kami ang magiging Queen and King. Palagi ko syang kinukulit kasi komportable na talaga ako sa kanya. Natutuwa talaga ako kapag naiinis sya kasi ang cute nya. Yung tipong galit na galit na. Napangiti ako ng maalala ko yun. Haayyss. Hindi ako pwedeng magtapat. Mapapahamak lang sya.
Kaya ang saya saya ko nung malaman na gusto rin pala ako ng taong gusto ko. Alam kong bihira mangyari ang ganun. Sobrang saya ko dahil alam kong pwede ko syang angkinin kahit hindi pa kami. Pero ayaw kong gawin yun. Alam nyo kung bakit? Kasi para akong nagtatake advantage sa pagkagusto nya sakin. Kaya umiiwas muna ako sa kanya. Pero palagi ko syang sinusundan dahil alam kong kilala sya at pwede syang targetin ng kalaban. Sabi ko kay Mikko lagi syang samahan para kapag umatake ang kalaban eh may laban sya kahit mano mano. Bawal kaya ang baril dito pero may dala kami dahil against the rule kaming lahat.

BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Roman pour AdolescentsTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe