Vivienne's POV
Napaiwas nalang ako ng tingin. Bat ba kung ano anong sinasabi nya?
Tumingin nalang ako sa bintana. Nakakailang ang atmosphere. Tapos wala pang signal sa eroplano.
"Uy..."
"Ano?!" Napalakas ata sabi ko.
"Galit?"
"Tss" hindi ko alam kung bakit ako sumigaw.
"Bat ba lagi ka atang galit sakin?" Natatawang tanong nya.
"Edi tanong mo sa sarili mo!" Galit na bulong ko. Magtatanong pa sya? Pero maski ako hindi ko alam kung bakit ako galit sa kanya eh.
"Wala pa nga akong ginagawa mainit na agad ulo mo"
Tss. Makatulog na nga lang ulit. Kesa kausapin ko tong lalaking to. Wala namang kwenta yung mga pinagsasasabi nya.
Zzzzzzzzzzz
**
"Uyy..."
"Viv..."
"Hmmm?" Unti unti kong minulat anf mata ako at naaninag ko si Mikko.
"Tara na. Nandito na tayo." Tumango ako at tumayo na. Sumunod ako sa kanya papalabas ng eroplano.
"San tayo sunod?" Tanong ko.
"Sasakay tayo ng Van papunta sa hotel kung saan tayo titigil ng isang linggo. Tumango tango naman ako.
Nakita kong nasa labas na silang lahat ng eroplano. Naiwan pala ako. Agad akong tumabi kay Claire.
"Nakatulog ka?" Tanong nya.
"Oo eh..."
"Edi napanaginipan mo yung yabang mo? Haha"
"Oo haha— Ano?! Hindi ah!" Tss.
"Hahaha!"
"Tsaka anong yabang ko—"
"Inaangkin mo na pala ako ngayon queen KO"
O_____O!!
What the?!
"Hoy! Hindi kita inaangkin!" Sigaw ko sa kanya.
"Hahaha sabagay hindi mo na ako kailangang angkinin dahil sayo na ako! Haha"
"Yuck! Mandiri ka ngang mayabang ka!".
"Rinig ko kaya sinabi mo! Sabi mo 'yabang ko'" ginaya nya pa boses ko.
"Gggrrrrr!!! Umalis ka dito!!!!" Tatawa tawa syang lumayo samin at lumapit kena Dale.
"Hahaha nakakatuwa kayong dalawa" sabi ni Claire.
"Ano namang nakakatuwa dun?! Nakakainis kamo!"
"Hahaha. Bagay kayo. Hindi na ako magtataka kapag kayo nagkatuluyan..."
O_____O!
"Hah! At ang masasabi ko lang ay bagay talaga kayo ni Mikko! Palagi nyo akong tinutukso sa mayabang na yun! Tsaka anong magkatuluyan kami?! Magpapamisa ako kapag nangyari yun!"
"Edi magpamisa ka na"
O_____O!!
"Wag kang sumabat sa usapan namin yabang!" Tinulak ko sya. Isa syang dakilang epal!
"Hahaha. Claire dun ka na kay Mikko! Akin si Viv! Haha!" Nagulat ako ng umalis nga si Claire na natatawa pa!
"Ano nanaman ba yabang?!"
BINABASA MO ANG
The NERDY Boy
Teen FictionTungkol ito sa storyang--- basta basahin nyo! Tinatamad ako mag kwento. Hehehehe