Evia's POV
"evia, bilisan mo na jan at baka ma late kana sa school anak!" rinig ko ang sigaw ni mama habang nakaupo sa sala at nanonood tinignan ko kung anong oras na at halos madapa ako sa kakamadali ng makita kung anong oras na at malalate na ako, shoot.
"mama, mag babaon na lang po ako ng sandwich. late na late na po ako" i yelled back habang nag susuot ng socks na hindi ko na maayos dahil sa pag p-panic na mag suot nito
laking gulat ko nang nasa harapan ko na si mama habang naka pamewang at hawak ang paburito niyang stuff toy. hindi ko napansin na nag lakad si mama sa harap ko, weird.
"ikaw kasi, wattapad ka nang wattapad! kung ano ano ang binabasa mong kalokohan, pati tuloy 'yang pag aaral mo ay nasisira na dahil sa wattapad nayan." rinig kong sermon sakin ni mama, kaya yumuko ako ng halos tatlong segundo at pagka angat ko ay nakaupo na ulit si mama at pinapa nood ang panorito niyang k-drama.
uh? ang bilis ng pangyayari. hindi ko nalang iyon pinansin dahil late na ako. tumayo ako at kinuha ang bag, kinuha na rin ang sandwich ko na ginawa ni mama. ginawaran ko ng isang halik sa pisngi si mama at nag good bye wave ako.
"bye mama!" muling paalam ko habang kumakain ng sandwich na gawa ni mama, tumakbo na din ako kasi late na late na ako, oh god. buti nalang at walking distance lang ang school ko kaya 3 minutes lang nakadating na ako doon.
nasa harap ako ng isang building na halos kasing laki ng simbahan. nag ngangalan itong Lillian National Highschool. School ito para sa mga JHS at SHS. nakita ako ng guard kaya sumama na naman ang timpla ng mukha nito at tsaka siya nag salita, sorry po kuya guard hehe.
"late ka na naman? sa susunod na malate ka hindi na kita papapasukin, at ipapatawag nalang ang 'yong magulang" agad akong nanghingi ng paumanhin at tumakbo na sa classroom na sa 2nd floor. huminga ako ng malalim ng mapagtantong sarado ang pinto, ibig sabihin ay andyan na si Ms. Jeana.
siya ang first subject namin, half day lang kami pero pwede kaming umuwi pag mag lulunch na at bumalik na lang after 30mins sa school. kakabalik ko lang din after kong umuwi ng bahay. nag bilang ako ng dahan dahan hanggang tatlo, tsaka ko bubuksan ang pinto.
"one, two" pumikit ako at "three" binuksan ko ang room namin na naka sara, agad akong yumuko habang nakapikit. i was in the middle of apologizing pero wala pa pala ito.
"Ms. Jeana, i apologize for being late. i didn't mean to b---" naputol ang aking sinasabi ng sumulpot ang kaklase kong si nico, without any expression in his face.
"wala pa si Ms. Jeana." he said. nakapamulsa siyang bumalik sa designated seat niya na halos tabi lang ng uupuan ko. nakahinga naman ako ng maluwag ng mapagtantong wala pa si Ms. Jeana. sa loob ng 3 weeks na pag pasok namin ay halos 6 na beses lamang akong hindi na late kaya naman hindi ko din masisisi si kuya guard na ganon ang naging reaksyon niya.
i silently walked towards my seat. dito kasi sa loob ng room ay wala ako masyadong kaibigan, unlike sa mga kaklase ko na may sari-sariling circle of friends. i don't mind naman to be honest. maya maya ay pumasok na si Ms. Jeana at tumanday sa gilid ng pintuan na akala mo isang tambay lang. nilibot libot niya ang kaniyang tingin na tila may hinahanap at bahagyang bumuntong hininga.
"attention, students. reminding you all that we will have a faculty meeting mamaya, you can leave at 1:30 pm mag didiscuss lang ako ng kaunti. president do your thing na mag collect ng contribution nila today for your section's fund. that's all" sambit nito habang taimtim na naka tingin samin. pag kasabing pag kasabi ni Ms. Jeana ay sandaling nag karoon ng katahimikan ang buong classroom. ang classroom na parang palengke kanina na ngayon ay tahimik, tsaka sila nag diwang.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy : The Last Legacy 1-2 [COMPLETED]
FantasyYou can't change the prophecy . You can't stop the darkness. You only have to face the fact of reality. That's the rule behind the magical world.