Magic 92 : Surprised

1.7K 44 0
                                    

Evia's POV

anim na araw nadin ang nakalipas, pero ganun padin eh, walang napansin sakin, iisang dorm lang kami nila cassandra, noreen at rieda pero pag kinakausap ko sila para lang akong hangin sakanila.

hindi nila ako kinakausap at madalas nilalampasan lang ako nila, kahit sila citrin, napakacold tumingin sakin, ang mga professor namin, halos hindi nadin ako pansinin at hindi nadin ako pinaparecite kase hindi naman ako pinapansin.

yung mga bumabati sakin na estudyante araw araw ay naglaho nalang bigla, palagi ng nakakunot noo, kahit sino sakanila hindi talaga ako pinapansin, wala nalang akong nagawa kundi mag walk out at pumunta sa liblib na lugar para mag labas ng sama ng loob

hindi ba nila alam na sobrang puyat ko dahil hindi ko maisip kung ano bang ginawa ko sakanila na masama?  hindi ba nila naisip na nasasaktan ako sa tuwing nilalampasan lang nila ako?  tangina ,masakit kaya, halos isang linggo akong walang ginawa kundi tumahimik sa isang tabi, dahil wala namang nakakapansin sakin eh.

ngayon naman madaling araw na, hindi ako natulog, halos sila rieda ay maagang umalis, hindi nanaman ako pinansin, ano naba ngayon? december 4 na nang madaling araw, at nakatulala lang ako sa kisame ng aking kwarto, hindi ko lubos maisip na wala talagang gustong pumansin sakin at lahat ay iwas.


nung isang araw may nakatapon ng mainit na kape sa uniform ko, andun sila rieda, akala ko tutulungan ako pero nilampasan lang ako, napangiti nalang ako nun ng mapait.

hindi ko napansin na may takas na luha na pala sa aking mata, kaya imbis na mag emote ako, tumayo nako para mag almusal, kumain at maligo.


saktong pagkatapos kong maligo,nag tapis ako ng tuwalya palabas ng cr , may nakita akong isang malaking box na sa pagkakaalam ko ay isang gown ang laman nito, palapit ako sa box na 'yon at binuksan, pagkakita ko ay isang napakagandang gown, kanino naman kaya ito?

nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko kaya napalingon ako "ms.vencaro, sainyo po nakalaan ang gown na 'yan, maari po bang paki suot napo ng masimulan ko nang ikaw ay ayusan. "magalang na sabi ng isang hindi pamilyar na babae

"bakit ko ito isusuot?  para saan po ito?  wala naman po akong event na pupuntahan"magalang na sabi ko, nginitian lang ako ng babae at iniaboy sakin ang blue gown, off shoulder ito at napakakinang niya, sa bandang itaas ng gown ay hapit nito ang aking katawan
 

makikita dito ang hubog ng aking katawan, pagkadating sa bandang bewang ay ang makikinang na design ng gown, talagang babagay 'to sakin dahil sa malaporselata kong kulay.

pero ang ipinagtataka ko ay bakit ko 'to isusuot "wala napo tayong oras ms. vencaro, pakisuot nalang po. "imbis na magtanong at makakuha ng walang sagot, wala akong nagawa kundi isuot ang magandang gown na para saakin daw.

pagkasuot na pagkasuot ko ay hindi ko mapigilan na mapahanga sa sarili ko, kahit wala pang kolorete sa aking mukha ay kapansinpansin ang kagandahan ko, napangiti nalang ako

lumabas na ako ng suiting area sa dorm at humarap sa babaeng mag aayos daw sa akin, nakita ko sa kaniyang mga mata ang pag hanga, nginitian ko siya ng kaunti

"tama nga ang sinabi nila na maganda ka, sobrang ganda. "manghang sabi nito sa akin, nahihiyang ngumiti ako, may inabot siya saking high heels, na parang kay Cinderella, nag ningning ang mata ko, akala ko ay hindi totoo ang ganitong heels

"ako nga po pala si sophia, pia nalang po for short, hali napo at aayusan ko na po kayo. "umupo ako sa malaking salamin, siya naman ay sinimulan ng ayusan ang aking buhok pati nadin ang aking mukha.

ilang minuto lang ay natapos na kami,hindi kona kailangan pang mag necklace, kase suot suot ko ang magandang necklace na ibinigay ni drake, ang kila mama naman, ay nakatago sa pocket ko, at least dala ko padin.

sinuotan ako ni pia ng mamahaling gold earrings na nakadagdag sa kagandahan ko, "tapos napo, ms. vencaro"nakangiting sabi sa akin ni pia, nang pagtingin ko sa salamin ay halos hindi kona makilala ang aking sarili

"ang ganda niyo po talaga. "sabi nito sa akin kaya napalingon ako ng may ngiti sa aking labi

"salamat pia, pero pwede ba akong mag tanong?  bakit kailangan ko mag ayos ng ganito?  may event ba ngayon?  saan ba ang punta natin? "sunod sunod kong tanong, napahagikgik nalang siya kaya napakunot ang noo ko

"wala po akong ideya, hindi kopo pwedeng sabihin, at ikaw lang po ang pupunta, hindi ako kasama, tara napo at naghihintay na ang nag susundo sainyo, mahaba haba pa ang lalakbayin mo. "dahil alam kong wala nanaman akong makukuhang sagot, sumunod nalang ako lalabas, at ang mas malaki kopang ipinagtataka, wala akong makitang tao kahit isa, tanging ang mga nag lilinis lang

"asan ang mga tao? "tanong ko, nagkibit balikat nalang siya kaya napairap ako, wala ba akong makukuhang matinong sagit dito kay pia?

"nandito napo ang sundo mo, enjoy and take care, ms. vencaro"kumaway kaway sakin si pia at nagsimulang tumakbo papasok sa loob ng Enchanted Academy

nang pagkalingon ko sa sasakyan ko ay halos madapa nako, isang pumpkin style na katulad nanaman kay Cinderella, tsaka kolang napansin na pang cinderella pala ang outfit ko, mas pinadark blue at mas pinakintab lang ang sa akin.

"Good morning ms. vencaro, tara napo. "sabi ng ano ba tawag dito?  tawagin ko nalang driver, sumakay na ako at nagsimula na itong umandar

----


ilang oras pa kaming tahimik ,bakit ang tagal?  malayo pa talaga ang pupuntahan namin?

"malapit napo ba tayo? "tanong ko kay kuyang driver, tumango lang ito, nang pagmasdan ko ang driver tsaka ko lang napansin na binata pa ito, siguro mga 3rd year?

"malapit napo tayo ms. vencaro, by the way, nice looks "nahihiyang sambit nung driver na binata, nahiya din ako

"s-salamat. "tanging sagot ko, kalaunan lang ay may natanaw nakong kingdom?

nakapunta naba ako dito?  familiar eh. "hanggang dito nalang po ang kaya ko, dire duretsuhin molang po 'yan, at makikita mona ang lagusan, enjoy. "tsaka umalis na siya, pagkalingon ko sa sinabi niyang diretsuhin ko, napakadilim dun, nakakakilabot

pero wala akong nagawa at dinere diretso ko lang ang hall way na sobrang dilim, na ramdaman kong dito na yung katapusan ng hall way madilim padin at wala akong makita

"hello?  may tao ba dito? "pag sigaw ko, wala akong narinig na sumagoy kaya sumigaw ulit ako.

"hello! "pero wala padin, tumalikod nako at akmang aalis na ay biglang nagbukas ang ilaw, nakatalikod padin ako.

nangilabot ako nung biglang may bumulong sa tenga ko, naramdaman ko ang hininga nito at ang init, kahit ang mabango niyang hininga ay naamoy ko, pamilyar na pamilyar ang scent nito, my first love, drake.


"happy birthday, evia. "

Enchanted Academy : The Last Legacy 1-2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon