Magic 23 : Her Power

6.2K 136 1
                                    


Gumising ako ng maaga, ay erase erase erase, ginising ako ng maaga, dahil mag sisimula nadaw ngayon ang pagpapalabas ng aking mahika, aba!  Buti naman, para malamang ko kung ano ba talaga ang mahika ko no!

Kasalukuyan akong naliligo, ako lang mag isa, malamang alangan naman isama ko sila rieda habang maliligo ako diba?  De joke.

Ako lang mag isa dahil pumasok na sila rieda, syempre alangan naman umabsent pa sila para saken diba?  ViP lang ang eksena?  Hahaha joke eto na..

Ng matapos kong maligo, nag suot lamang ako ng P.E uniform at sinuot ko ang binigay saken na gloves ni mama, nag PE ako kase baka bawal ang Sivillian .

Hindi na ako nag abalang kumain pa dahil baka ma appendix pako, alam niyo na. Sigurado akong magiging malikot ang labanan..

Lumabas na ako at pumunta sa training room, binilisan ko ang lakad ko, dahil baka mamaya ay nandun na si Drake, mamaya gawin pa akong abo non eh

At hindi nga ako nag kamale, nauna na si drake, nakabusangot sa isang tabe, ah!  Siya nga pala!, at dahil mageensayo na name ni Drake, este ieensayo na ako ni Drake, excuse name sa mga subjects na mamimiss namen hehehe. Share ko lang!

"What took you so long?! "Masungit na tanong saken ni Drake, napakamot naman ako sa sentido at ngumiti

"Ahh, nalate kase ako g gising eh. He he" sagot ko, umirap lang siya

"Simulan na naten. " at tumalikod siya saken, pumunta sa gitna, yung may barrier.

"Wait, pano naten sisimulan ilabas ang power ko? "Sambit ko, lumingon siya saken.

"Lumapit ka kaya dito, diba? "Kaya ayun, lumapit ako sakaniya, tinignan niya ako tska tinignan ang kamay kong nakabalot sa gloves

"Tanggalin mo nga 'yang gloves mo, pansin ko palagi mo 'yang suot, ano bang meron diyan?"masungit na tanong niya, kaya hinawakan ko ang kamay ko

"Ah, sabe kase ni mama palagi ko itong isuot at huwag hahayaang maidikit sa tao, kaya hindi ko tinatanggal. "Paliwanag ko sakaniya, lumapit siya saken at akmang tatanggalin ang gloves ko pero inihilig ko ang kamay ko kung kaya't hindi niya natanggal iyon

"A-ano bang ginagawa mo?!  Bakit mo kukunin gloves ko!? "Tanong ko sakaniya, tinignan niya lamang ako at sinimulan ulit tanggalin ang mga gloves sa kamay ko, kaya inihihilig ko ito

"Huwag lang malikot,baka andyan na ang kasagutan sa katanungan mo. "Sabe niya, kaya hinayaan ko nalamang siyang tanggalin iyon, hindi naman niya nahawakan ang kamay mo.

"Anong katanungan? "Bulong na tanong ko sa sarili ko.

"Diba tinatanong mo kung ano ang mahika mo?  Baka dito mona masagot yun. Tss"masungit na sambit niya

Tinignan ko ang kamay ko, wala namang kakaiba actually. "So....... Anong meron dito?? "Tanong ko sakaniya, nakatitig naman lang siya sa kamay ko

Enchanted Academy : The Last Legacy 1-2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon