Magic 74: Broken heart

2.4K 61 0
                                    

Ngayon ay tuesday na, araw ng pagtratraining namen, parang ayaw kona ngang pasukan nung marinig ko ang pangalang 'harafumi ' e, unang pumapasok sa utak ko, stupidity, at pagpapahirap.

Ngunit sa huli, napagdesisyonan ko nalang pumasok dahil attendance din naman iyon, sayang naman kung papalagpasin ko ang araw na ito.

Kasalukuyan ako naglalakad sa hallway papunta sa battle field, napadesisyonan kase ng aming  guro na si sir harafumi na mas maganda daw dun kesa sa training room, makakasinghap daw kase kame ng sariwang hangin, pisikal na pag eensayo lang naman ang aming gagawin ,at pagpapalabas ng aming pakpak ,iba iba ang kulay by pakpak namen, ngunit ang iba ay magkakasinhawig ng kulay, mabuti nga't napaka unique ng pakpak ko dahil ako lang ang nay puting pakpak.

Ako lang din ang naglalakad mag isa dahil nauna ng umalis yung tatlo, may gagawin daw sila, kaya pinabayaan ko nalang.

Habang ako'y nag lalakad, nagulat ako ng may sumabay sa aking paglalakad---si freyo, si freyo ay aking kaklase kung kaya't pareho kame ng tinatahak na daan.

Ngumiti ito saken "magandang umaga binibini, napakaganda naman ng panahon, kasing ganda mo, gusto mo ng biscuit? " napatawa naman ako dahil sa sobrang pagkamakata niya, dinaig niya pa ang nabuhay noong nga panahon ng mga kastila, kung kaya't sinakyan ko nalang ang kanyang trip.

"Maraming salamat, ginoong freyo, ngunit busog pa ako ngayon kung kaya't kainin mo nalamang ito ng nabusog ka. "Nakangiting wika ko, he can't fool me, isa akong binibining puno ng pagpapahalaga sa historya ng pilipinas noong ako'y nasa mortal na mundo.

Napatawa naman siya, mabait naman siguri itong si freyo, nafefeel ko lang kaya wala naman sigurong masama kung kakaibiganin ko siya.

Sa gitna ng aming masayang pagkwekwentuhan ni freyo, parang may naramdaman akong sakit sa aking likudan kaya napahawak ako dito, hindi naman yata ako nirarayuma or arthritis diba?  I'm not that old yet naman.

"Binibini?  Okay kalang ba?  Gusto mong dalhin kita sa clinic? " nagaalalang sabe ni freyo, pero ngumiti lang ako para ipakita na ayos lang ang kalagayan ko kahit na mas tumitindi ang sakit ng likod ko.

"A-ahh hindi, ayos lang ako, na a-ano lang ito.... Ano... Na a-ano.... Na banat!  Oo tama na banat lang ang aking buto sa likod kaya siguro na sakit, h-hehe ayos lang ako"pinilit ko ang tumawa kahit na nas tumitindi ang sakit, sinusuri naman ni freyo kung nagsasabi ako ng tingin kaya ngumiti ako.

"Weh? Nagsasabe kaba ng katotohanan? " hindi naniniwalang sabr ni freyo, tumango naman ulit ako

"Ako si evia, magsasabe ako ng totoo at pawang makatotohanan lang"nakangiti kong wika, napabuntong hininga naman siya at tumango tsaka ngumiti, aalalayan niya dapat ako papunta sa battle field pero tumanggi ako dahil baka may makakita at ayoko din kaya tumanggi ako.

Ng nasa battle field na kame, agad akong nagpaalam kay freyo, dahil nagsisimula na silang mag ensayo, ng humiwalay na si freyo sa akin ay napatingin sa akin si sir harafumi at hindi napansin si freyo, nagbabatiin ko si sir ay bigla itong sumigaw sa harap ko, buti nalang at abala ang iba sa pag eensayo.

Enchanted Academy : The Last Legacy 1-2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon