Evia's POV
Ilang araw nadin ang nakalipas since nung bumalik kame sa enchanted academy.
At ngayon 4th year nako! Gragraduate ako mga bes! Gra. Gra. Duate!!!! ,next year hehe
As of now nandito ako sa bagong bukas ng building ng enchanted academy, napatupad na kase yung hiwa hiwalay na year para mas maganda.
Hindi naman siya bagong bukas na building actually, yung mga building lang na hindi ginagamit, ay ginamit nanamen, maganda yun dahil may grade 11-12 panaman eh.
So ngayon nag dadasal ako, nag papasalamat kase sa isang katangahan ko, bumalik lahat ng alaala ko, yung mga alaala kong pinapahalagahan ko, that's why I'm really happy, at the same time, malungkot.
Simula kase nung kinuha ako ng mga dark magicians, nawala naden ang iba nameng kaibigan, tulad nalang ni vallen, bright at iba pa, si vallen pinasstay siya dito sa enchanted academy.
Pero hindi siya pumayag dahil malaking gulo ang kinasangkutan daw niya, umanib daw siya sa mga dark magicians, kaya bilang parusa daw niya sa sarili niya, aalis nalang daw siya at lumipat siya sa school na eclipsed:school of sorcerers
Pero iniwan niya ang kapatid niya dito, dahil alam niyang mas kaya nameng protektahan si vein, at alam niyang mas safe daw dito kaysa sa pupuntahan niya, bibisitahin niya nalang daw si vein at kame pag may oras.
Actually, si bright, naman nandito paden sa magical world, ang kaso nandun siya kay adeline, itranatraining din, at pinaparusahan at the same time, babalik nalang niya si bright pag matino na, wika iyan ni adeline.
Nako, grabe panaman mag paensayo yan, halos patayin nako nung nagtratraining ako eh
Pero, worth it naman, alam ko, syempre, natuto akong dipensahan ang sarili ko eh.Nga pala, magsisimula nang mag pasukan bukas, kaya ngayon ay sinusulit kona ang pagiging capt. Vencaro, as of now, nag gagala ako para tignan kung okay naba ang security ng academy.
Well, ngayon kase ay mas pinataasan pa namen ang seguridad ng paaralan para mas safe, kada mag eenroll na studyante at pag pumasok sa gate ng enchanted academy, matratrace neto kung maganda ang intensyon mo, o masama.
Habang nag lilibot ako ay nakita ko si vein na parang may hinahabol "hoy! Bumalik ka ditong flying ipis ka! Kundi papakainin kita ng apoy! "Wika ni vein habang na takbo, pinuntahan ko naman ang direksyon niya para mag tanong.
"Ohh, vein, sino hinahabol mo? "Wika ko sa pagod na pagod nasi vein, lumingon ito saken
"Grabe ate! Pinahabol ako ng flying rui nayon! Napakakulit! Parang takas sa mental! Ganun ba talaga yun!? "Iritableng tanong ni vein saken, nakahagikgik naman ako
"Ganon lang talaga yun, pero mabait yon"nakangiti kong wika, ate tawag niya dahil mas matanda ako ng buwan sakaniya, sabe ko evia nalang, sabe niya ate nalang daw, edi pinabayaan ko.
"Nga pala, bakit mo bayun hinahabol? "Tanong ko, bumuntong hininga siya
"Kase kanina, nasa cafeteria ako, bumili ako ng limang French fries kase favorite ko iyon, nang hingi siya nf isa, edi apat nalang, tas nung naubos niya na yung isang french fries, kinuha niya lahat ng pagkain ko! "Nanggigigil na wika ni vein, kaya napahalakhak ako, hindi ko man naging close si rui, pero alam kong may pagka pilyo yung lalakeng iyon
"Hayaan mo, mamaya, kakausapin ko siya, ha? "Napangiti naman ito sa sinabe ko at niyakap ako
"Wieee! Thank you, ate! Bawiin mo yung apat na fries ko ah? Babye! "At tumakbo na papalayo, sumunod yung mga goblins sakaniya, at nagtatatakbo rin.
Binigyan din namen ng space ang mga magical creatures dito, binigay namen sakanila yung lake, garden at iba pa na pwede nilang tirahan, nangako naman ang mga magical creatures na lagi nila itong lilinisin at papagandahin kapalit ng paninirahan nila sa loob ng enchanted academy.
Nasira ang pagiisip ko ng may yumakap sa likod ko--si boyfriend ."hi girlfriend, what are you doing? "Nakangiting wika ni drake habang kinikiss ako sa pisngi ko
"Ano ba drake, ang dameng tao oh, baka makita tayo. "Nahihiyang wika ko, ngumiti naman ito at kumalas sa pagkakayakap saken at umakbay nalang.
"So what kung may makakita saten? Your my girlfriend by the way, soon to be my wife, right ,wife? "Nakangiting wika nito, tumango naman ako
"Wife your face! "Wika ko at tinawanan siya, tumakbo ako papunta sa bago nameng dorm
"Wife? Where are you going!? "Sigaw nito, humalakhak ako na parang baliw, like wala namang nakakatawa, pero hindi masamang maging masaya
"Sa dorm lang! May kukunin! "At tuluyan ng pumunta sa elevator para pumunta sa dorm, well pang 28th floor kase kame ng dorm, grabe diba, taas? Pero okay lang.
Inabot ng 10 minutes bago ako makalabas sa elevator, room 2004 kase kame e, when i say 'kame' si, rieda, ako ,cassandra at noreen. Si jeana, lianna, vein at si deign naman sa katabi namen room 2005 ,bawal nadaw kase yung anim anim sa isang dorm, kaya apat apat nalang
Ngayon ay hiwa hiwalay kame ng section, kalungkot nga e, sa Class A ng 4th year, si jeana,vein, zionne at citron, dapat pati si drake sa class A pero nagpalipat siya sa class B, kung nasan si sky, rieda, noreen cassandra ,calvin at ako.
Si deign at lianna naman, 3rd year palang kaya hiwalay sila ng rooms, kame kame naman nila drake ay hiwalay kila citron, it means, bihira nalang kameng magkikita kita, well that's life .
Nung pumasok ako sa dorm ay nag plaplantsa si rieda ng mga uniform namen , nga pala, pati uniform namen pinalitan, mas pinasimple,plain maroon na palda, and plain white uniform pang taas then necktie na maroon at may logo ng EA.
Napalingon si rieda at ngumiti saken "ohh, kamusta pag aassist? Nga pala nandun si cassandra, nag luluto ng makakain naten, ang niluluto niya ay chicken carry, yummy right? " nagugutom na wika ni rieda at kunwari'y nanguya pa.
Napangiti naman ako"Ahh, e si Noreen nasan? "Tanong ko ulit, ininguso niya ang sala, and there, nakita ko si noreen na nag wawalis, habang nag mamap, himala hindi sila gumagamit ng mahika para makapag linis?
"Guys! Kain na!! The chicken carry of mine is doneeeee! "Malakas na sigaw ni cassandra, kaya agad kameng nag puntahan para tumulong mag lagay ng mga pinggang, habang nagaayos ng pinggan, nagkwentuhan kame.
"Girls, alam niyo ba?, iba nayung teacher naten sa math, sa combat ,science at history! My gath! Sa science at history napaka strict daw ng magiging professors naten,nagbabagsak daw yung mga yun, kaya girls, kailangan nateng mag ayos. "Nguminginig ang katawang wika ni cassandra, naworried naman din kame
"Cassie, ikaw lang naman ang bagsak e, duhh, wag kang mangdamay"wika ni noreen tinarayan nalamang ito ni cassandra, at nagsimula na kameng kumain
----
Author's Note
Hi there readers! Puputulin ko muna siya dito okay? Btw ,mas paparamihin kopa ang adventures nila evia!
At aasahan kong magugustuhan niyo ito :) anyways don't forget to click the stars! Thanks enchanties!
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy : The Last Legacy 1-2 [COMPLETED]
FantasyYou can't change the prophecy . You can't stop the darkness. You only have to face the fact of reality. That's the rule behind the magical world.