Magic 96 : Pirates

1.5K 48 0
                                    

Mag gagabi na at talagang malakas ang nagiging alon ng karagatan.

lahat kami ay nakajacket, buti nalang at nakapagdala kami ng extra jacket, alam naman naming gagabihin kami dito so yeah.


"delikado na ang dagat ngayon, nasa kalagitnaan pa tayo ng karagatan, ano na ang gagawin natin? "kinakabahan tanong ni cassandra habang yakap yakap ang kaniyang jacket. kahit ako ay kinakabahan na dahil madilim na ang karagatan isabay mopa ang malakas na alon

halos pagewang gewang nanga ang boat na sinasakyan namin eh, wala batong magic spell blah blah whatever it is na pwedeng makapag patigil ng lakas ng alon?

"i think this is just an ordinary boat, tch. we're doomed. "kalmadong sabi ni drake habang nakaupo sa isang upuan malapit sa pinto

ako naman ay tumayo para tignan kung may matatanaw kaming pwedeng tumulong samin, at nagtagumpay nga ako sa pag hanap.

tatawagin ko na sana nang biglang humampas ang alon sa boat namin ng pagkalakas lakas at nag sanhi ito ng pagtaob ng boat ,buti nalang at nakasealed na ang black pearl sakin.

 
nang paglubog namin ay siyang panginginig namin dahil sa lamig ng dagat, sinubukan kong sumigaw upang ipahiwatig na may nanghihingi ng tulong banda dito

"tulungan niyo kami! "hindi ko naman pwedeng ilabas ang pakpak ko dahil mababasa din ito at mahihirapan pa akong lumangoy, ubos pa ang enerhiya ko.

mawawalan na sana kami ng pagasa dahil kinakain ba kami ng tubig. bigla nalamang lumiko ang barko sa direksyon namin, kaya pinilit kong lumangoy pataas

"Dito po! "sigaw ko at kinakaway ang aking kamay, nang nandito na ang barko, isa isa nila kami binigyan ng rope para tumaas sa loob ng kanilang barko

unang umakyat si noreen, cassandra, rieda, sky, calvin, at drake ,ako na ang nagpahuli, pagkaakyat na pagkaakyat namin ay siyang kita ko na nakaposas na silang lahat

nanlalaki ang mata kong tumingin sa mga taong akala ko ay tumulong sa 'amin.

"Asan na ang itim na perlas? "biglang salita ng isang makisig at balbaserong lalaki na naka takip ang isang mata, isa siyang pirata!

at ang gusto nila ay ang black pearl, nagmaang maangan ako ng tingin sakaniya "hindi ko alam ang sinasabi mo, napagutusan lang kami ni reyna merliah na umahon mula sa ilalim ng dagat para kumuha ng.. ng mga bulaklak para sa--sa mga isda. "damn kung ano ano na yung sinasabi ko, nagsitawanan naman ang mga matatabang tauhan ng piratang nasa harapan ko.

"mang uto ka ng tanga hija, hindi ako tanga, ibibigay moba sa akin ang itim na perlas o papatayin ko ang iyong mga kaibigan? "pagkasabing pagkasabi ng pirata ay siyang pagtutok ng mga tauhan ng pirata ng kutsilyo sa leeg ng aking mga kaibigan, natigilan naman ako doon.

"t-teka!  wala naman talaga sa akin, nag sasabi ako ng totoo"kinakabahang sagot ko, isang maling kilos ko lang ay kapalit ng isang buhay ng kung sino man sa mga kaibigan ko.

mag isip ka ng magandang ideya evia, isip. inilibot ko ang aking paningin at may nakita akong mga malalagkit na kulay itim na kumikislap, hindi ko alam kung ano ito pero may naisip akong ideya.

naglakad lakad ako habang nagsasalita ng kung ano ano para ibaling ang atensyon nila sa akin, habang si drake naman ay sikretong inaapuyan ang kaniyang posas sa kamay, ganun din ang ginagawa ng iba, tama nga 'yan.

"hindi ko alam na totoong nag eexist ang itim na perlas, akala ko ay sabi sabi lang 'yon, pero nung hanapin mo 'yon samin parang naging interesado nadin ako dun. "kunwaring nahulog ang aking suklay sa isang malapot na kumikinang na itim, hindi ko alam kung ano ito, pero may plano ako.

kumuha ako ng kaunti non at pinahugis bola sa aking nakatagong palad, tumayo ulit ako at naglakad lakad ng parang wala lang.

"pero siguro ay tama ka, nasa akin nga ang itim na perlas, here. "nilabas ko ang black pearl tsaka ngumisi sakanila ng mapanloko

"Huwag kong ibibigay yan evia!"kunwari'y nagagalit na sabi ni sky at maypapiglas piglas pang nalalaman, tumingin ako kay sky at kumindat

"ibibigay ko 'to, sa isang kondisyon. "taas noo kong sabi habang nakatingin sa black pearl, kita ko sa mga mata nila ang paghanga sa black pearl na hawak ko.

"kahit anong kondisyon payan. "nakangiting sabi ni captain pirate, ngumisi ako, i hope this will work.

"give them a speed boat, palayuin mo sila, maiiwan ako dito kasama niyo, so it's a deal? "nakangiting sabi ko, natigilan siya ng ilang saglit at dahan dahan ding tumango

"ayan ang kasunduan, hija. ngayon, ilabas niyo ang pinakanagandang klase ng boat, paalisin niyo na ang mga walang kwentang 'yan. "

"No!  evia, are you crazy?  you'll come with us!  with or without that fvcking black pearl! "histerical na sabi ni drake habang pumipiglas kunwari sa tauhan ng pirata.

tumango lang ako sakaniya, isinakay na sila sa speed boat at inibaba sa dagat, tumingin muna sakin ng makahulugan si calvin na nagsasabing we'll-wait-for-you look.

ngumiti lang ako, tsaka na nila pinaandar ang speed boat, mabilis itong nakalayo sa barkong sinasakyan namin.

"pagkatapos kong ibigay sayo, aalis nako. "tamad na sabi ko, tumango lang ito sa akin, inilabas ko ang black pearl

"wala na kameng pake saiyo pagnasa amin na ang black pearl, madali akong kausap. "nakangiting sabi ng pirata, ngumiti din ako at pinalabas agad ang pakpak ko tsaka malakas na ipinagaspas sakanila na nagsanhi ng pagtalsik nila

lilipad na sana ako paalis ng magsalita ang pirata "may nakakalimutan ka yata, hija. "paglingon ko ay nasa kaniya na ang black pearl, kunwari ay nagulat ang mukha ko pero kalaunan ay naging ayos na

"kagaya ng kasunduan, sayo nayan at aalis nako. "agad akong lumipad pero napahinto at napadaing ako ng may naramdaman na hapdi sa bandang kaliwang pakpak ko, shit!  pinana ako.

"palatandaan na nagcross ang landas natin, hija. "nakangising sabi nito, sinamaan kolang ito ng tingin at pilit na lumipad papunta sa direksyon kung saan ang tagpuan namin nila noreen.

medyo nanghihina na ako ng makita ko ang hinintuan nila noreen, nangmakatapak ako sa isang island kung san huminto sila noreen ay napaluhod ako, masyado ng naabuso ang lakas ko.

asan na sila?  wala akong makita "noreen?  rieda?  cassandra?  asan na kayo!  sky?  calvin at d-drake! "nanghihinang sigaw ko, masyado ng gabi, ayokong mapagisa nanlalamig nako.

napapaiyak akong tumingin sa karagatan, ang usapan ay dito mag kikita, asan na sila?

naramdaman kong may biglang yumakap sa akin  "hush. don't cry, I'm here now. "tinignan ko ang hinang hina na si drake, nagulat ako ng may mga sugat siya at saksak sa binti,tiyan at balikat

"d-drake.. "

Enchanted Academy : The Last Legacy 1-2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon