Magic 98 : Tired

1.8K 40 0
                                    

Nagising ako ng madaling araw dahil sa lakas ng ulan, sobrang nilalamig na tuloy ako, sumilong kami ni drake sa isang malaking puno.

ito lang daw pala ang pinakamalapit na isla kaya possibleng dito din bumagsak ang iba kong kasama, siguro ay iiba lang ng parte

kaya pag tumila ang ulan ay hahanapin namin sila, para makauwi na kami ng Enchanted Academy, masyado na kase kaming nag tatagal dito

kanina nung tinanong ko si drake kung bakit niya ako hinalikan, eh may girlfriend naman siya, hindi niya ako sinagot at nag iwas lang ng tingin, sabi niya 'you will know soon'

umaasa akong may malalim lang siyang dahilan kaya siya nakipag break, pero may part sakin na naguiguilty dahil sa ginawa namin kanina ,hindi ko man lang inisip na may girlfriend siya, but he kissed me first.

tama na ,kakalimutan ko nalang ito, madami pang bagay na dapat kong problemahin, hindi lang ito

baka kinakailangan na nila ang black pearl, kaya dapat talaga makauwi na kami asap

nang tumila ang ulan ay siyang pag lalakbay namin upang hanapin ang iba pa naming kasamahan "nagugutom na ako. "angil ko habang naglalakad, may inihagis naman sakin si drake

isa itong saging, hindi nako nakapag pasalamat at agad itong kinain, sobrang gutom nadin talaga ako, parang ilang linggo akong hindi kumain dahil kulang pa ang ibinigay ni drake

pero kahit papaano ay naalis ang kaunting pag ka gutom ko.

sa ilang minutong pag lalakad namin ay may natagpuan kaming tatlong katawan ng tao, agad agad namin itong pinuntahan

sa pagkakakita ko, si cassandra, rieda at sky ito, asan naman si noreen at calvin? ,lahat sila ay kapwa mga walang malay at sugatan, pero hindi katulaf ng kay drake ay mga gasgas lang ang sakanila at sugat

agad agad akong pumunta sa direksyon nila at iniyugyog sila para gisingin "rieda, cassandra at sky, gumising kayo, kailangan na nating makaalis dito, hindi tayo pwedeng matrapped dito, madami pa tayong kailangan gawin. "unang nagising ay si cassandra, agad niya akong niyakap at umiyak, hinagod hagod ko ang likod niya

"Tangina nung mga piratang yon! traydor, sinugod ba naman kami at binomba"umiiyak na sabi ni cassandra ,kita sa mukha niya na nabomba sila, dahil sa gulo gulong buhok at wasak wasak na damit nito, buti nalang hindi masyadong wasak

"shh. okay na, tapos na 'yon, hayaan nalang natin, kailangan na natin mag madali para makauwi na tayo, hahanapin pa natin si noreen at calvin. "sambit ko sa umiiyak na si cassandra, tumigil naman na siya sa pag iyak at pinunasan ang kaniyang mga tumulong luha


"noreen at calvin?  nakita kong banda dun sila tumilapon"rinig ko sa kakagising na si sky, umunat unat pa ito na parang napakasarap ng pagtulog niya sa kakahuyan.


"outch. "pag inda ni rieda sa likuran niya, tinulungan ko itong tumayo


"omg, yung black pearl!? "tarantang tanong sakin ni rieda, pinakita ko naman 'yon sakaniya at ngumiti

"i won't missed this black pearl. "nakangitig sabi ko, ngumiti din si rieda at niyakap ako, bumitaw na kami sa pagyayakap at nagpatuloy sa pag lalakad



Enchanted Academy : The Last Legacy 1-2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon