Magic 95 : Black Pearl

1.6K 42 0
                                    

Tumango ang mga tagapagbantay ng aquaria, siguro'y nakuha na nila ang permiso ni reyna merliah.

"maari na kayong makapasok. "at hindi na nila kami hinarang pa, agad naman kaming lumangoy papasok, dito na namin nakita ang kabuuhan ng loob ng aquaria, ibang iba ito kumpara sa natural na karagatan, dito mo makikita ang mundo ng mga sirena, literal na mundo.

lumiko kami sa bandang kaliwa kung saan andoon ang isang malaking kweba, malayo pa lang ay kita mona ang kasilawan ng loob ng kweba.

walang sumisita na sirena samin, parang may kanya kanyang mundo ito, siguro'y hindi sila gumagawa ng hakbang kung wala namang pahintulot ang mahal na reyna.

walang hirap kaming nakapasok sa loob ng kweba, kahit may malalaking pating na nakabantay dito,hindi kami nito ginalaw.

pagkapasok namin ay siyang pagyuko namin upang magbigay galang sa mahal na reyna.

"good day po. "pag bati ni cassandra kay reyna merliah, nginitian lang kami nito, hindi nako nag padaloy daloy pa at tinanong na ang pakay namin.

"alam mo naman po siguro kung ano ang pakay namin dito, mahal na reyna. "magalang na sambit ko na nagpaseryoso sa pagmumukha ng reyna merliah, did i say something wrong?

"hindi mo manlang ba ako kakamustahin o kung anong pagbati? "tila hindi nito nagustuhan ang panimulang pagsabi ko.

"kamusta ka? "pangangamusta ko dito ,siniko pako ni rieda, nilingon ko lang siya at ibinalik na ang tingi sa walang reaksyong si reyna merliah.

sa pagkakaseryosong mukha ay bigla itong ngumiti "maayos naman, kunin niyo na ang kailangan niyo at maari na kayong umalis. "nakangiting wika nito, pero ramdam kong pilit ang ngiti ang pinapakita nito.

ngumiti padin ako at sinimulan ng kunin ang black pearl na nasa likod nito, nakakapagtakha na mabilis namin itong makukuha?  sabagay, may pahintulot naman sa head mistress at okay nadin 'yon para mas mapaaga ang uwi namin.

nang walang hirap ko na itong makuha, agad akong yumuko bilang pag galang na aalis na kame.

"salamat po,reyna merliah. "at tumalikod na tsaka umalis, wala kaming narinig na pag papaalam kaya napakunot ang noo ko ,pero itinuloy ko padin ang pag langoy ko paalis.

"mabait pala si reyna merliah  'ano? "sabi ni noreen habang lumalangoypalabas ng aquaria, tumango lang ang dalawa

"sus, only if i know, baka may pahabol pa na pahirap yun, haha. "biro ko sakanila, pilit silang tumawa na parang tanga kaya napairap ako, nasa labas nadin pala kami ng aquaria at paahon na, pero medyo malayo layo pa.

alam ko namang hindi nagustuhan ng reyna kung paano ako sumagot sakaniya, at alam kong may nagsabi sakin na may attitude daw ang reyna, pero buti nalang hindi kami ginantihan.
































Calvin's POV




"pag babae talaga ang kumikilos napaka tagal. "reklamo ni sky na iiling iling pa, nandito na kami sa itaas ng boat, dahil napagpasyahan namin na dito nalang mag stay kaysa sa ilalim ng tubig.

"edi sundan mo,maliit na problema, pinapalaki, utak talangka ka talaga sky eh. "banat naman ng kagwapuhan ko, naks naman.

Enchanted Academy : The Last Legacy 1-2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon