mabilis lumipas ang araw at december 18 na, 6 days before the Christmas, lahat ay abala sa pag dedecorate ng kung ano anong pwedeng mag pakulay at magpasigla sa paparating na Christmas
sa mga nagdaang araw, sinabi nir mrs. naerra na naisagawa niya nadaw ang kailangan niyang gawin sa black pearl, ngayon ay nababalot nadaw ng black pearl ang buong enchanted academy, kaya pala napansin naming mas nag lamig dito, pag lumamig daw kase ang ibig sabihin nun ay naproprotektahan na ng black pearl ang buong enchanted academy
nagulat ako ng biglang sumulpot si azumi agad agad ako sakaniyang napayakap, sa ilang buwan na hindi na pakita sakin ang asong to "azumi! namiss kita, saan kaba nagpunta at napakatagal mong nawala? "agad agad kong tanong sakaniya
"nasa dymarsia nako ,isa nako sa mga tagapag bantay dun, namiss din kita, dumalaw ako dito para kamustahin ka, ayos ba ang buhay mo dito? "tanong nito sa akin, tumango lang ako sakaniya at ngumiti
"sige na, pupuntahan ko muna si naerra, may kailangan kaming pag usapan ngayon, asikasuhin mo nadin ang mga tauhan, tumulong tulong ka o ano. mauuna na ako"at agad tumakbo, ano bayan, kadadating palang niya ay umalis na agad ito, nakakatampo ha.
wala na akong nagawa kundi tumayo sa kinauupuan ko at naglibot libot, napunta ako sa abandoned museum nitong enchanted academy, kung saan kami na trapped ni drake
hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko ngunit parang may nagtutulak sa akin na pumasok dun
pagkapasok ko ay bumungad ang maalikabok at tahimik na museum, lalabas na sana ako ng may naramdaman akong itim na prisensya
"anak, ikinagagalak kong makita ka. "bumilis ang pag tibok ng puso ko nung malaman ko kung sino iyon, ang sinasabi ni mommy, ang necromancer ng enchanted academy, ang pinakamasamang mahikero sa buong magical world, ang papa ko.
dahan dahan akong lumingon sakaniya, nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya, pinagmasdan ko ang itsura niya, hindi ko maitatangging ama ko siya, nakuha ko ang mata at ngiti niya, hindi ko rin makakailang gwapo ang papa ko--wait? pinupuri ko ba siya?
"ano ang kailangan ko sakin?"seryoso ko siyang tinignan kahit na may kabang bumabalot sa aking puso, tila nadudurog din ang puso ko sa tuwing iniisip ko na ama ko ay masamang mahikero, infact, pinakamasama, nadudurog ang puso ko sa tuwing iniisip ko na maari ko siyang makalaban sa ano mang oras na mangyari na ang propesiya, maari kog makalaban si necro, ang aking sariling ama
kahit naman masama siya, kahit siya pa ang pinakamasamang mahikero sa buong mundo, wala padin akong magagawa dahil ama ko siya, kung walang siya, walang ako, pero papaano naman ang buoh magical world, kung sakaling mawasak ito ay mawawala ang mga taog umagapay sa aking sa hirap at ginhawa, mawawala ang mga taong mahal ko, mawawala ang lahat sakin
tinawanan ako ni necro "masyado kang seryoso, aking anak, hindi ba pwedeng dinadalaw ko lang ang aking unica hija? balang araw, makakasama din kita at ang balang araw na 'yon ay malalapit na, anak. "tumawa ito ng parang baliw na ikinakulo ng dugo ko, i hate how he laugh ,i hate everything about him, i hate him for being my father.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy : The Last Legacy 1-2 [COMPLETED]
FantasyYou can't change the prophecy . You can't stop the darkness. You only have to face the fact of reality. That's the rule behind the magical world.