Air Amihan
"Kamusta ang mga apo ko?" niyakap kami ni lola Conchita. Kararating lang namin dito sa bahay niya. Hindi gaanong kalayuan ang bahay ni lola sa bahay namin.
"We're fine naman po kami lola." bibang sabi ni arueza sabay halik nito sa pisngi. Tahimik lang ako na nakamasid sa kanila. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay ni lola. Malaki ito na parang kasing laki ng bahay namin dito.
Medyo makaluma ang style ng bahay. Sabi ni daddy,noong panahon pa ng espanyol napatayo itong bahay. Isa daw guardia civil ang lolo niya na kastila at napangasawa niya si lola Florida at ipinanganak na nga si lola Conchita na nagkaasawa nang isang magsasaka at yun na si lolo."Marami akong ibibigay na halamang gamot sayo vitha para gumaling ka na." sabi ni lola habang nasa hapag-kainan kami. Mag-isa lang si lola dito. Simula noong namatay si lolo ay mag-isa na lang siya dito. Pero may care taker naman na kasama si lola minsan pero wala siya ngayon dahil day-off nito at nasa pamilya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nalang kami dito. Pero mas pipiliin ko ang sariling bahay namin kaysa dito. Parang maraming multo dito eh.
Sumabay kaming kumain nang tanghalian kay lola. Pinatikim niya sa'min ang specialty niyang menudo.
Mga bandang hapon ay umuwi nadin kami. Pumunta muna kami sa bayan para bumili ng gamit pangschool. I'm already grade 10. Hindi ko nga alam kung tatangapin pa ako sa school eh second grading na.
Pagdating sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto. Sabi ni mommy meron nang tubig kaya no need nang maligo sa batis. Salamat naman at di ko na makikita si air.
Gusto ko sanang mag-open ng facebook pero wala naman kaming internet at 2 bars lang ang connection ng phone ko. Malayo ang tindahan para magpaload. Ibang-iba talaga ang probinsya kaysa syudad.
"BLAG!" nagulat ako nang biglang umihip nang malakas ang hangin at sumara lahat nang bintana. Hindi naman gaanong madilim pero natakot parin ako.
Lumapit ako sa bintana at binuksan ito. Wala namang tao. Kulay green parin ang damo at maaliwalas ang paligid. Halos mapatalon ako nang makita ko na naman ang lalaking nakawhite blue polo. Nangatog ang tuhod ko at tumaas ang balahibo ko. Nasa same pwesto siya kung saan una ko siyang nakita. Di ko man makita ang mukha niya pero halatang sa'kin siya nakatingin. Bigla kong naisara ang bintana at hinarangan nang kurtina. Ang creepy niya. Siya ba ang may pakana nang malakas na hangin na yun? Pero imposible.
Bumaba ako sa sala para maibsan ang takot. Nakita ko si Arueza na nanood ng T.V. habang yakap ang teddy bear niyang si trevor. Mabuti nalang ay may cable kami kundi mamatay ako dahil sa kaboringan.
"Oh ate,why your so maputla?" untag sa'kin ni arueza. Hindi ko alam na nanginginig ako at namumutla.
"W-wala." sabi ko. Ayokong matakot pa siya 'pag sinabi ko yun. Di na niya ako pinansin at ibinaling ang tingin sa T.V na may palabas na Spongebob Squarepants. Nakinuod narin ako at naibsan narin ang takot ko.
Napansin ko na wala si mommy at daddy kaya kinalabit ko si Arueza.
"Where are them?"
"Hmm. I don't know. Lumabas lang sila earlier and they said na punta lang sila sa ating neighbor." tumango lang ako at pumunta sa kusina. Nandon yung mga halamang gamot na bigay ni lola at palabok na nasa tupper ware. Kumalam ang sikmura ko kaya kumuha ako nang pinggan at nagsalin ng palabok.
---It's already 7:00 at ang tahimik na ng buong lugar. Nagdinner kami kanina mga alas-sais at ngayon ay marahil ay tulog na sila.
Nakatingin lang ako sa kisame at nagbibilang ng tupa para makatulog.
"Isang daang tupa..." sa wakas ay natapos ko na ang pagbilang pero wala parin. Bumangon ako sa kama. Rinig na rinig ko ang mga kuliglig.
Naglaro nalang ako nang games sa phone ko at nakatulog naman ako bandang alas otso.

BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
FantasyHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...