Kabanata 20

1K 62 1
                                    

I love you...

"Na gusto kita...totoo yun." tiningnan ko siya na may pagtataka.

"Pinag-titripan mo rin ba ako Ice?" umiling siya at diretsong nakatingin sa mga mata ko.

May parte sa mga mata niya na parang nagsasabi siya nang totoo.

Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba siya o hindi.

"Sorry, nabigla ba kita?" mahina akong tumango at muling tumingin sa dagat. Kung yung ibang mga babae ay tuwang-tuwa pag may nagc-confess sa kanila, ako hindi. Lalo na kung hindi mo naman ito gusto.

Ito ba yung masamang pakiramdam ko na mangyayari ngayong field trip?

"Kalimutan mo nalang lahat ng sinabi ko, Livi. We can still be friends,right?"
nilingon ko siya at ngumiti.

"S-sure." that's all I can say.

___

Lumipas ang ilang oras at nakarating na kami sa Vela Corte City.

Hindi kami nag-usap ni Air kanina pa. No'ng nagtama ang mata namin ni Venus ay agad siyang umiwas nang tingin. Marahil nahihiya siya sa akin kanina sa ginawa niya.

Si Ice naman ay iniwan na ako mag-isa. Hindi ko nga alam kung nasaan si Air.

"Dahan-dahan sa pagbaba, class." suway sa amin ni Ma'am Cordova nang makitang nagtutulakan yung iba dahil sa excitement.

"Ms. Villanueva!" tawag ni ma'am kay Elery.

"Yes po?"

"Make sure na kumpleto ang classmate mo sa bus. Okay?"

"Yes ma'am." sagot nito.
Di nagtagal ay nakababa na rin kami. Tahimik lang akong sumakay nang bus.

Umupo sa tabi ko si Ice na namumula ang mukha.
Tiningnan ko kung nasaan si Air pero hindi ko siya nakita.
Hindi ko nalang ito pinansin at isinalpak ang headset ko sa tenga. Io-on ko na sana ang music nang magsalita si Elery. May announcement lang daw.

"Guys,mamayang gabi pa daw tayo makakapunta ng carnival." maraming umangal sa sinabi ni Elery.
Siguro kasi akala nila ay sasakay sila ng mga rides buong araw dahil rides all you can naman. Para sa akin, mas maganda pag gabi kami pupunta ng carnival.

"Bibisita muna daw tayo sa mga museums rito." pagpatuloy niya pa.

"Ano bayan!"

"Kaasar!"

"Sabagay, mainit kasi ngayon eh."

"Yeah."

"Wala tayong magagawa. Nandito na ba lahat?" tanong ni Elery at inilibot ang paningin.

"Nasaan si Air?" napasulyap siya sa akin kaya umiwas agad ako nang tingin. Hindi ko alam kung nasaan siya kaya huwag niyo akong tanungin.

"I'm here." rinig ko ang boses niya pero hindi pa rin ako tumingin sa kaniya. Ni-on ko ang music at nilakasan ang music.

Kita ko sa side vission ko ang bahagyang pagtingin niya sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin.

Naramdaman ko ang pag-andar nang bus. Nakatingin lang ako sa labas.

Ilang oras din kaming pumunta kung saan-saan. Museums at kung ano-ano pa.
Hanggang sa mag-alas-sais na at in-announce na papunta na kami sa carnival kung saan 10 minutes na lang mula rito. Kakatapos lang namin kumain ng kanya-kanya naming baon. Kitang-kita na nga rito ang ferris wheel.

Inalis ko ang ang pagkakasalpak ng headset sa akong tenga.

"OMO! I'm so excited na!"

"Ignorante ka ba?"

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon