Kabanata 17

1.1K 54 1
                                    

Field Trip

"Air?" nakatingin lang ako sa mga abo niyang mata. Bakit siya nandito at paano niya nalaman na nandito ako?

Iniupo niya ulit ako sa bato. Ngayon ko naramdaman ang lamig ng tubig dahil sa pagkakabasa ko.

"Why so clumsy?" hindi ako nakapagsalita or sumagot man lang. Hindi pa ako nakakamove-on sa mga nalaman ko. I don't know if it's true.

Nagulat ako nang ipatong ni Air ang cardigan niya sa balikat ko at umupo sa tabi ko. Malaki ang batong kinauupuan namin at kasya ang dalawa o tatlong tao.

Ilang minutong katahimikan. Walamg nagsasalita at daloy lang ng tubig amg maririnig.

"Are you afraid of me Vitha?" basag niya sa katahimikan. Takot nga ba ako? Kaya ko pa ba siyang lapitan? Kagaya ba nila yung nanakit sa akin? Papatayin din ba nila ako.

Napahigpit ang hawak ko sa basa kong skirt dahil sa pinag-iisip ko.

"I guess you're afraid of us." mahina na sabi nito. Nakaramdam ako nang lungkot dahil sa boses niya.
Bubuksan ko na sana ang bibig ko pero agad ko itong naisara dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Do you remember everything right?" wala sa sariling tumango ako. Simula noong paglipat namin. Yung paghalik niya sa labi ko sa library,yung halimaw na hayop na sa pagkakaalam ko ay muntik na akong kainin at ang lalaking may maskara sa panaginip ko...Nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang lalaking nasa likod ng maskara.

"I-it's you..." nauutal na tanong ko sa kanya. Mahina siyang tumawa.

"Yeah. Ako nga. You thought it was Aurum."

"I-ikaw din ba yung stalker ko?" tumango siya kaya hindi ko mapigilang hindi matuptop ang bibig ko. After all, I thought it was Aurum.

"Bakit nagpanggap si Aurum na siya yun?" I asked. Paramg slow motion na hinawi nito ang buhok niya.

"My request. Nakaplano ang lahat. Actually,we're not really twins."

"Pero magkamukha kayo..."

"I don't really know why we're look the same. Pero sinabi sa akin na hindi ko siya kambal. We gods don't have a parents." eh sino yung magulang na pinakilala ni Aurum sa akin? "Yung pinakilala sa'yo ni Aurum na parents namin? Si Fuego at si Agua iyon." tinutukoy niya ba yung kasama nila kanina? The guy wearing eyeglasses and a girl who has red hair?

Pinakinggan ko lang siyang magkwento.

"Sumang-ayon naman ang plano sa una. Pinagpanggap ko si Aurum na siya ang stalker mo para bantayan ka. Hanggang sa napapalapit na ang loob sa'yo ni Aurum at hindi niya na naiisip na isa kang mortal. Remember the day na sinabihan kitang h'wag kang sasama sa kanya papuntang bahay? I have a feeling na may mangyayari talagang masama." and that day,you've kissed me.

"I already warned Aurum to stay away on you but he didn't listen. He always saying that he will protect you. Until the Aghatar came,yung malaking hayop na nakita niyo. Nagising na siya sa katotohanang kailangan naming lumayo sa amin. Tinanggal namin ang ibang memorya mo at nagpanggap na hindi ka namin kilala. Dinamay pa namin ang mga tao sa school para sumang-ayon sa plano. We thought na hindi mo na kami papansinin but no, ikaw ang naghanap nang mga ebidensya para mapatunayang hindi mo lang kami imagination. You did everything hanggang sa mapagdesisyunan na namin na sabihin na sayo ang totoo."
tumayo siya kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. Unti-unting naging abo ang buhok nito at nawala na ang pagiging itim. Humarap siya sa akin at kita ko ang nagliliwanag ang abo nitong mga mata.

"We're not humans, Vitha. We're gods." humangin nang malakas. Tinatangay ang mga tuyong dahon at pumapalibot ito sa amin na animo'y isang ipo-ipo.
Mas lalo akong nilamig dahil sa hangin.

"Vitha...tell me. Are you afraid of me?" mas lalong lumakas ang hangin at hindi ko na makita ang paligid dahil sa tuyong dahon na pumapaikot sa amin.

Tumulo ang luha ko sa pisngi. Napansin ko ang pagyuko niya at dahang-dahang nawala ang malakas na hangin.

Tumayo ako at tumakbo papalapit sa kanya. Hindi ko na napigilan na yakapin siya.
Nagulat siya sa pagbiglang yakap ko sa kanya.
Hindi ako takot. Hindi ako natatakot. I'm sorry. I'm willing to accept them whether they're not human.

Walang lumabas sa mga bibig ko at tanging nakayakap lang ako sa kanya. Niyakap niya ako pabalik at hinaplos ang aking buhok.

"Basa na rin tuloy ako." natatawang bulong nito. Agad akong kumalas sa pagkakayakap. Nakalimutan kong basa pala ako. Pagtingin ko sa uniform niya ay basa na rin.

"S-sorry." sabay peace sign ko. Hinigit niya lang ako at ibinalik sa mga bisig niya.

__

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa skwelahan. Si Ice at si Venus lang ulit ang nandoon. Tumingin sa akin si Venus pero iniwas din naman.

Nasabi sa akin ni Air na okay na ang lahat. Lahat daw nang nakita ko ay isang mist. Nagpatulong daw sila sa diyos ng mist na si Achlyso kung saan iba ang makikita ng mortal sa kanila.

"Good morning Livi!" masiglang bati sa akin ni Ice. Napansin ko na palaging maaga ang pagpasok ng dalawang ito. May relasyon ba sila? That's none of my business anyway.

"Good morning  din." sabay ngiti ko sa kanya. Dumeretso na ako sa upuan ko. Alas-singko palang ng umaga kaya konti ang tao. Nasanay na ata ako sa oras dito sa probinsya. 

Ilang minuto ang lumipas at marami na rin ang pumapasok sa room.

"Livi!" napalingon ako sa tumawag sa akin. It was Elery waving at me. Nakangiti siya sa akin. Naalala ko yung nangyari kahapon pero umiling nalang ako sa naisip ko dahil alam ko na napasailalim lang sila sa mist.

Lumapit sila sa akin.

"Ayos ka na ba Livi? Ilang araw ka rin sa hospital." ibig sabihin ay pagkakaalam nila ay nasa hospital ako?
Ngumiti na lang ako sa kanila.

"Oo. Ayos na ako."

"Sure ka? Baka may masakit pa sayo?" umiling ako sa tanong ni Aaron.

"Hindi. Ayos na ako."  sagot ko. Magsasalita pa sana ang tahimik na si Harold nang dumating ang teacher.

Nasaan si Air? Late na naman siya?

"Everybody sit down." nanahimik ang buong klase. Mukhang may important announcement si Ma'am Cordova.

"Ia-announce ko lang na may field trip kayo sa susunod na buwan pagkatapos ng third grading test." isinulat niya ang salitang 'Field Trip sa board'.

"Ma'am,saan po yung lugar?" tanong ni Shakilah na mukhang excited. Hindi ako masyadong nakikinig dahil iniisip ko kung nasaan si Air.

"Sa Vela Corta City." umingay ang klase. Ngayon ko lang narinig ang city na iyon.

"Wooaahh! Gusto ko dun!"

"Sa kabila pa yun diba?"

"Tatawid pa tayo ng dagat."

"Diba nandoon yung sikat na Carnival."

"Sasama ako. Minsanan lang 'to."

Hindi ko alam kung sasama ba ako o hindi. I know na walang problema pagdating sa bayad pero masama ang kutob ko sa mangyayari.

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon