Aurum Treeva
Kinabukasan ay pumasok akong lutang. Iniisip ko kasi kung pano nakapasok ang stalker ko at nakapagsulat sa diary ko kung nasa loob naman ng bahay si mommy. Muntikan nga rin akong sumemplang sa bike na sinasakyan ko kanina.
"Ayos ka lang ba Livi?" tanong ni Elery sa'kin. Wala ang teacher namin kaya nag-iingay lang ang buong klase. Kagaya ng tipikal na estudyante,may mga natutulog rin sa desk kagaya nalang ng nasa likod kong si Air.
"Okay lang ako." sabay ngiti ko. Tumango lang siya at bumalik sa upuan niya. Napatingin nalang ako sa field. Nanlaki ang mata ko kung sino ang nakita ko. Wala sa sariling napatayo ako.
Napatingin sa'kin yung katabi ko at ang mga nasa likod. Yung iba nagbubulungan at nagtatawanan.
"Ayos ka lang ba talaga,Livi? Namumutla ka." napatingin ako kay Elery nang ilagay niya ang kamay niya sa noo ko.
"A-ayos la-I just need to go to clinic." di ko na inantay na sumagot si Elery dahil tumakbo agad ako palabas ng room at dumiretso sa CR imbis na sa Clinic.
I know! It's my creepy stalker. Siya yun. Siya yung nagpakita sa'kin nong nasa duyan ako at nasa balcony. That fucking stalker! Kailangan ko na ba itong ireport? Pa'no kung may mangyari sakin na masama? Pano kung may gawin siya sakin? Tumingin ako sa salamin at kitang-kita ko sa mukha ko ang takot at pamumutla.
"BLAG!" gulat akong napatingin sa pinto ng CR. Hangin. Hangin lang yun,Vitha. Don't freak yourself,Vitha.
Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa salamin nang may makita akong light blue na papel sa baba ng pinto.Dahan-dahan akong lumapit doon. Baka mamaya ay patibong iyan. Binuksan ko ang pintuan at nagbabakasakaling may tao. Pero wala.
Agad kong pinulot ang papel at bumalik sa room. Nandon na ang teacher nang bumalik ako.
Nagdahilan akong pumunta ako sa clinic at humingi ng gamot. Kita ko sa mata ni Elery ang pag-alala sa'kin. Nginitian ko lang siya na sinasabi kong 'ayos lang ako'.
Itinago ko sa bulsa ang papel at hindi ko binasa. Natatakot ako. Natatakot ako at sa puntong ito ay hindi na ako makahinga.
Damn!
I hear them calling my name.
"Kumuha kayo ng plastic!"
"Hey Ms. Elleanor,do you hear me?"
"Livi..."
"Ma'am,ito na po yung plastik."
"Livi,breath. Calm down."
Malabo...walang hangin...di ako makahinga.
I need air...
--
"Your awake..." napabangon ako sa boses na yun. Napapikit din naman agad ako nang tumama ang sinag nang araw sa mata ko. Isinangga ko ang kamay ko para makamulat na ako.
I expected na sa isang kwarto na kulay puti ang makikita ko. Pero puro berde lamang na damuhan. Maganda ang langit ngayon. Kulay asul.
"S-sino ka?" takang tanong ko sa lalaking nakatalikod. Hindi ko siya mas'yadong makita dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanya.
Pero agad akong napaatras nang marealize ko kung sino siya.
"A-anong ginagawa ko dito? S-sino ka ba?" tumayo agad ako at naramdaman ko ang hilo sa ulo ko. Wala akong makapitan kaya agad rin akong natumba.
"Are you okay?"
"L-layuan mo ako!" sigaw ko at tinulak ang kamay niyang nakaalalay sakin.
Tiningnan ko siya nang masama. Ngayon,klaro ko nang nakikita ang lalaking ito. Nakafull mask siya na kulay puti na may design na fox. Abo ang kanyang buhok na sumasabay sa ihip nang hangin.

BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
ФентезіHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...