Meet Aurum
Pagpasok ko kinaumagahan ay binati agad ako ng mga classmates ko. Tinanong nila kung ayos na ba ang pakiramdam ko and of course,I would say 'I'm okay'. Hindi ko alam kung sino ang totoo sa kanila at sino ang nagpapakitang tao lang.
Natigil sila sa pagtanong nang dumating na ang teacher namin na si miss Cordova. She greeted me and ask me if I'm feeling well. Sinagot ko naman siya ng magalang.
Napansin ko si Air na nasa likod ko na tahimik na nakikinig sa lecture ni ma'am. Akala ko nga ay matutulog lang siya kagaya nang ginagawa niya sa mga ibang subjects.
Break time na at nagpahuli akong bumaba sa canteen. Nakita ko ang blouse na nasa paper bag ko. Nilabhan ko na iyon at plinantsa. Isosoli ko na ito sa may ari na si Aurum. The problem is,hindi ko alam ang section niya or anong itsura niya. Wala rin naman akong mapagtanungan kundi si...Air lang? Napairap nalang ako. Tutal kilala naman niya si Aurum,ba't di na lang siya ang tanungin ko.
"Hey." untag ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin na nakunot ang noo. Wala ba siyang balak bumaba? Di siya kakain? Di parin nawawala yung sugat niya dahil may band-aid.
"What?" iritadong tanong niya. Kahit kailan ang sungit niya! Tss.
"Sungit. Tatanong ko lang kung alam mo ba ang room ni Aurum. Isosoli ko na 'to sa kanya." sabay pakita ng paper bag na may lamang blouse na pinahiram sa'kin ni Aurum.
"Right now? I guess he's now in the library." sa sinabi niyang yun,I wonder if nerdy ba itong si Aurum? I'm not saying na library is only for nerds.
"Okay? Thanks." tumalikod na ako at handang umalis nang bigla niyang hawakan ang siko ko.
"Don't..." pigil niya. Humarap ako sa kanya.
"What?"
"Don't try to talk to him." banta niya sa'kin.
"What? Why?" inalis na niya ang kamay niya sa siko ko at tumingin sa field. Wala naman ata siyang balak sagutin ang tanong ko kaya pumunta na ako ng library.
Maliit lang ang library at konti lang ang estudyante. Maybe 20 below. Nilibot ko ang paningin ko at tiningnan kung sino ang nakasalamin na lalaki.
Malay natin,nakasalamin siya. Baka kasi nerdy si Aurum. Marami ang nakasalamin kaya medyo nahirapan ako. Tinanong ko nalang ang isang babaeng medyo payat na may salamin."Hi. Pwedeng magtanong?" tumango siya. Maliit na boses lang ang ipinalabas ko at baka sitahin kami ng librarian.
"Kilala mo ba si Aurum? Aurum Treeva?" nanlaki ang mata niya sa tanong ko. I wonder kung may nasabi ba akong mali para maging gan'yan ang reaction niya.
"A-aurum?" nanginginig ang kamay niyang tinuro ang isang bookshelf. Di ko na lang iyon pinansin at nag'thank you'.
"Miss," tawag nong babae sa'kin. "B-be careful." aniya at tuliro na umalis ng library. What? Ang weird. They act like this Aurum is kinda dangerous. Isa ba siyang nerd or gangster na kinatatakutan ng students dito? Pinuntahan ko na lang ang bookshelf na tinuro n'ong babae. May nakaupo doon na lalaki at may nakatakip na libro sa mukha niya. Natutulog pa ata. Bumalik nalang kaya ako bukas? Umatras ako ng isang beses pero nagsalita na siya.
"What do you want?" napalunok ako ng ilang beses sa boses na iyon. Maskulado kasi at parang siya yung mga namb-bully na napapanood ko sa korean nobela.
"Uhmm... Ano... P-pumunta ako k-kasi may gusto sana akong itanong s-sayo. I-ikaw ba si A-aurum?" utal-utal na sabi ko. Inalis niya ang libro sa mukha niya at napamura ako ng mahina.
"A-air?" bigla siyang natawa sa sinabi ko. Imposible! Magkaiba ang boses nila! At isa pa,nasa room si Air. Pero magkamukha sila. Pinagkaiba ay may salamin itong lalaking ito at brown ang buhok niya na may pagkamessy samantalang kay Air ay brush up ang buhok na black.
BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
FantasiHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...