Batis...
Ibinaba ko kaagad ang kamay ko at tumingin sa iba nang marealize kong baka hindi ako ang kinakawayan non. Mapahiya pa 'ko noh!
Ibinalik ko ang paningin ko sa lalaki pero wala na siya. Nasan na yun? Ang bilis naman niyang mawala.
Pumasok na rin ako sa bahay lalo na't nakaramdam ako nang pagka'creepy' sa lalaki.
Naabutan ko na nag-aayos sila mommy at daddy ng gamit. Si Arueza naman ay nakaupo sa sofa at nanunuod sa Ipad niya.Gaya kanina,di nila ako pinatulong dahil baka makaapekto daw ito sa sakit ko. I feel so weak.
Umakyat ako sa kwarto para ayusin na ang mga gamit ko. I wonder kung anong klase ang paaralam dito? Maayos ba? Ilang building?
Napakibit-balikat nalang ako at nag-ayos ulit ng gamit.
Napalingon ako sa cellphone ko na nasa study table. Napakunot noo ako. Nasa kama ko 'to kanina ah. Kinuha ko yung phone ko at binaklas. Nandun yung battery. Argh! Baka pinakailaman lang ni arueza.
Pinabayaan ko na lang iyon at ibinalik ulit sa dati.
Nakaramdam ako nang pagkalagkit kaya kinuha ko ang towel para maligo.
Pag pasok ko sa CR ay nanibago ako. Sanay akong may bath tub saka shower pero dito,de-tabo.
Napabuntong hininga nalang ako bago binuksan ang gripo. Walang tumulo kahit isang patak na tubig. Argh! Di ko na talaga mapigilang maasar.
Dali-dali akong bumaba nang sala.
"Mom,ba't walang tubig?" tanong ko. Napatigil si mommy na naghahalungkat ng box.
"Oo nga pala,bukas ng hapon pa namin mapapakabitan nang tubig itong bahay kaya sa batis muna kayo maligo ni arueza."
"Batis?"
"Oo,diyan lang sa likod na'tin yun. Don't worry,malinis doon at konti lang ang tao. Tsaka makakatulong iyon sa paggaling mo." tumango nalang ako nang wala sa sarili. Sa loob ng 15 years na nabuhay ako,never pa akong naligo sa batis.
"Nasan po si arueza,mom?"
"Nasa taas. Ayain mo na siya." nagtungo na ako sa kwarto niya malapit sa kwarto ko. As expected,narinig ko na naman na kinakausap niya ang teddy bear niya.
"Trevor,you know,natatakot ako sa mga bata dito. Pano kung hate nila ako?" rinig ko sa loob. Kumatok ako nang tatlong beses at pinagbuksan naman niya ako.
"Ano yun ate?"
"Maghanda ka nang damit mo at maliligo tayo sa batis." nagshine naman ang mata niya sa sinabi ko.
"Narinig mo yun trevor,maliligo daw tay-"
"Di mo pwedeng isama yang teddy bear mo. Mababasa lang siya." ngumuso siya.
"Eh ate,gusto sumama ni trevor." di ko na siya sinagot at pumasok na ako sa kwarto ko. Naghanda ako nang isang towel. Hindi ako nagdala dahil balak kong dito ako magpalit nang damit. Baka maraming tao dun noh.
"Ate,ready na ako!" pagkalampag ni arueza sa pintuan ko. Agad ko itong binuksan. Hindi nga ako nagkamali na isasama niya yung 'trevor' niya.
Bumaba kami ng sala at nag-aayos parin sila nang bahay.
"Mom,dad,alis na kami."
"Sige,mag-ingat kayo ah. Vitha,hawakan mo ang kamay ni Arueza at baka madulas yan." tumango nalang ako.
Lumabas kami nang bahay. Alas dos y media na pero ang liwanag parin dito sa probinsya. Umikot kami sa likod ng bahay at nakita ko na ang batis na tinutukoy ni mommy. Kailangan pa naming bumaba doon para makaligo. Dahan-dahan kaming bumaba.
Pagkababa namin ay napanganga ako sa ganda nang tanawin. Ang linis nang tubig. May naririnig din kaming tili nang mga babae na naliligo din. Natigil sila sa pagwiwisik nang tubig nang makita nila kami. Ang isa sakanila ay lumapit sa'kin. Isang maputing babae na kulot ang buhok. Maganda siya at singkit. Nakasuot siya na white na bestida na bumabakat sa hubog nang maganda niyang katawan.

BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
FantasiHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...