"Are you sure about this, Vitha?" mom asked habang nag-iimpake ako.
"Yes. I'm going. Mukhang hindi naman ako gagaling rito." sabi ko at pumunta ng CR ng kwarto para kunin ang mga gamit ko doon.
"What about your school?"
"Lilipat nalang siguro ako 'My, or maybe, I'll stop." rinig ko ang buntong hininga ni Mommy.
"Hindi ka ba magpapaalam sa mga kaschool mates or classmates mo?" umiling ako at ngumiti.
"Nasabi ko na sa kanila." I lied. Wala naman talagang nakakaalam na aalis na ako sa bayang ito, hindi lang sa bayan, kundi sa pilipinas.
"Next week pa kami susunod sa states kasi aasikasuhin ko pa yung papers ni Arueza saka alam mo na, nilalagnat rin ang kapatid mo ngayon." mahina akong tumango. Narinig ko ang yabag ni mommy papaalis. Agad akong napaupo sa kama at hindi ko maiwasang mapaiyak.
3 days na simula nung hindi ako pumasok at hindi lumabas ng bahay. 3 araw nung huling araw kaming nag-usap ni Walter.
Tatlong araw ko na din siyang di nakikita.
Ngayon na ako aalis sa bayan na ito at next day na ang flight ko. Mags-stay muna ako sa bahay namin sa manila kahit isang araw lang.
Tinuyo ko ang pisngi gamit ang aking palad. Umunat nang konti at tumayo. Naglakad-lakad sa kwarto.
Kahit maliit lang ang kwarto na ito ay hinding-hindi ko ito makakalimutan.
Pumunta ako ng balcony. Napangiti nalang ako bigla.
Siya ba talaga yung stalker ko?Napailing nalang ako at niyakap ang aking sarili dulot ng hangin na yumakap sa akin.
Bumalik ako sa kama na nakaiwang bukas ang balcony.
Habang abala sa paglalagay ng ibang damit ko sa isang maleta ay agad akong napaigtad dahil sa malakas na kalabog galing sa balcony."And where do you think you're going?" nanigas ako sa boses niya. Hindi ako makatingin sa kanya.
"Tatakas ka?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Tumalikod ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Iparamdam ko nalang sa kanya na hindi ko siya nakikita.
"Vitha," tumulo ang luha ko sa mata dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"I-I need to go Air. K-kailangan kong magpa-opera." I lied. It's not a lie actually. Pupunta naman talaga ako sa states para magpaopera diba?
"I can read your mind, Vitha. Don't lie to me." matapang akong humarap sa kanya.
"I'm not lying. Kailangan kong magpagamot, Air!" sigaw ko. Hindi siya umimik pero nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Parang yung nangyari lang kay Amora...
"Fvck you, Walter." pagmumura niya sa kay Walter dahil sa tingin ko ay nabasa niya ang isip ko.
"Stop blaming Walter here. Wala siyang kasalanan kung bakit ako aalis." binalik ko ang atensyon ko sa aking maleta at isinarado na ito.
"D-don't leave."
"I'll make you heal, I promise. Just don't leave."
"I-I don't need you. Umalis ka na." humakbang ako papaalis ng kwarto perp agad akong napatigil dahil sa isang braso na yumakap sa akin.
"D-don't leave. Don't." mahigpit ang yakap niya sa aking bewang habang ulo naman niya ay nakasandal sa aking balikat.
"A-ano ba, Air? Bitawan mo nga ako. Makita ka ni mama." sabi ko habang inaalis ang kamay niya sa aking bewang.
"I don't care. Just don't leave." hindi ako umimik at pilit ko nalang na inaalis ang kaniyang braso sa aking bewang.
"Vitha, I love you. Please don't leave." natigil ako sa sinabi niya at napangiti ng mapakla.
"Y-you don't love me. It was not love and it will never be." hindi siya umimik pero hindi parin niya ako binibitawan.
"Akala mo ba hindi ko napapansin? Nakikita mo lang ako bilang siya. Minamahal mo lang dahil pakiramdam mo ako siya. I'm not her, Air. I'm not her!" tumulo ang luha sa mata ko.
"J-just let go your past. Maybe Amora is happy now." sabi ko at naramdam ko ang pagkalas niya sa aking bewang.
"N-no...I don't." aniya. Hinarap ko siya.
"Then I'll leave." nasa mata niya ang pagdadalawang isip. Binuhat ko muli ang aking maleta at walang pasabi na lumabas ng kwarto.
"May kausap ka sa loob?" takhang tanong ni mommy. Mukhang paakyat pa lang siya.
Thanks god.
"Nothing." sabi ko.
"But I heard you screaming."
"Baka kapit bahay lang natin 'My." nagkibit balikat nalang si mommy at kinuha ang maleta sa aking kamay.
Siya ang nagbaba noon palabas ng bahay.
Bago ako tuluyang umalis ay pinuntahan ko muna si Arueza na nilalagnat. Ayoko sanang umalis nang ganto pero kailangan.
"I-ingat ka ate." sabi niya habang nakapikit ang mata. Balot na balot rin siya ng kumot.
"Magpagaling ka na para makasunod ka na." hindi na sumagot si Arueza.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si mommy na mukhang problemado.
"Bakit 'my?"
"Yung van, sira."
__
Yakanemori

BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
FantasyHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...