Kabanata 23

1K 52 0
                                    

10 years ago...

Ilang minuto siyang hindi nagsalita pero hindi rin siya umalis ng kwarto.

"Are you willing to tell me or not?" tanong ko.
Humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. His blue eyes is almost like a deep sea.

Isa nga talaga siyang diyos ng tubig.

Hindi siya nagsasalita at lumapit sa akin.

"Paano kung hindi mo gawin ang pangako mo?" natameme ako sa sinabi niya. Kaya ko ba talagang umalis? Kaya ko bang iwan ang lalaking...ang lalaking minahal ko?

"T-then...kill me."

"What?"

"I said kill me. Patayin mo ako pag hindi ako tumupad sa pangako ko." kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Umupo siya sa tabi ng kama at malamig niya akong tinitigan.

"At ano naman ang mapapala mo pag sinabi ko ang nangyari noong nakaraang sampung tao? Wala naman diba?" 
wala nga ba talaga akong mapapala pag nalaman ko ang totoo?

Bakit nga ba gusto kong malaman ang totoo? Bakit ba gusto kong malaman kung anong connection ni Amora sa kay Air?

Dahil ba gusto kong pagkumparahin kung gaano ba niya kamahal si Amora at kung ano ako para sa kanya.

Dahil sa pag-iisip ko ay bigla nalang sumakit ang ulo ko.

Nanlabo ang aking paningin hanggang sa marinig ko na may ibinibigkas si Walter na salita.

Biglang may humila sa akin papahiga pero imbis na malambot na kama ang mahihigaan ko ay tubig.

Doon ko lang naramdaman na hindi rin ako makahinga.

Hanggang sa may makita akong mga imahe...mga imahe noong nakaraang sampung taon.

"Air!"

"Amora, why are you here?"  nakasuot ng kulay asul ang isang babae na bestida. Maputi ang dalaga. Mamula-mula ang pisngi at labi. Sumasayaw ang  kanyang mahabang kulay itim na buhok dahil sa hangin.

"How many times do I have to tell you that you should call me 'ate Amora'." ani ng dalaga at kinurot sa pisngi si Air na agad naman nitong ikinamula. Umiwas ito ng tingin.

"I don't want to. Saka, mas matanda kaya ako sa'yo. You're just 20 years old." tumawa si Amora sa sinabi nito.

"20 years old na ako at ikaw naman ay 17...forever 17." mapang-asar itong tumawa. Imbis na mainis si Air ay pasimple siyang napapangiti dahil atleast ay napapasaya nito si Amora.

"K-kahit na. Mas matanda ka lang ng apat na taon sa akin sa mundo niyo."  magsasalita pa sana si Amora ng biglang may humalik sa pisngi nito.

Agad na nawala ang tuwa ni Air sa kanyang puso at napatingin nalang sa dalawa.

"At nandito na pala ang pinakamamahal ko." malambing na sabi ni Amora at lumingkis sa braso ng binata.

Imbis na tingnan ni Air ang dalawa ay mabilis siyang umalis. Hindi na iyon ng dalawa dahil sumabay siya sa hangin.

He love Amora so much. He love her than his life. Pero sa kamalas-malasan ay may mahal na itong iba.

"May sugat ka?" lumapit si Air sa dalaga at tiningnan ang sugat nito sa braso. Malaki ito at rumaragasa ang dugo.
Kitang-kita ang pag-alala sa mukha ni Air.

Ngumiti ang dalaga.

"Oh. Nadapa lang ako kanina." hindi kumbinsido si Air. Alam niyang nagsisinungaling ang dalaga. Hindi na niya ito kinulit pa na sabihin ang totoo dahil dumating ang kasintahan nito.

Palaging mag-isa si Air sa Torre De Promesa pag masama ang loob niya. Konti lang ang tao rito dahil hapon narin.

Pinagmamasdan niya lang ang kulay ng papalubog na araw.

Hanggang sa bigla nalang siyang kinutuban ng masama.

Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito.
Parang may panganib na may mangyayari.

"Amora..." wala sa sariling sambit nito at mabilis na sumabay sa hangin ang kaniyang katawan.

Agad siyang dinala ng katawan nito sa bahay ni Amora.

Ramdam niya ang madilim na enerhiya sa bahay.

Agad niyang pinasok ang bahay at mas lalo siyang kinabahan ng hindi ito nakalock at gulo-gulo ang mga gamit.

"Amora! Amora!"  sigaw siya ng sigaw habang binubuksan lahat ng dinadaanan niyang  pintuan.

Hanggang sa may narinig siyang iyak sa isang kwarto.

Mabigat ang hakbang ni Air habang papalapit ito sa nakaawang na pinto. Palakas ng palakas ang iyak ng boses na iyon.

Sa pagpasok nito sa kwarto ay nakabulagtang katawan ni Amora ang nakita niya. Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo niya.

Naliligo ito sa sariling dugo ngunit nagagawa pa nitong gumalaw.

"A-air..." tumingala ito sa kanya na punong-puno ang luha sa mata.
Agad siyang lumapit rito. Binuhat niya ito sa kanyang bisig.

Alam niya kung sino ang gumawa nito sa kanyang pinakamamahal na babae.

"P-p-p-pakisabi...p-p-p-pakisabi sa kanya..." malapit nang kumawala ang luha sa mata ni Air ngunit mas pinili nitong huwag umiyak.

"Ssshh. Wag ka munang magsalita. Dadalhin kita sa bahay. Gagamutin ka ni Aurum." he was about to stand pero pinigilan siya ni Aurum.

"I-i-it's too l-l-late."

"Don't say that. Gagaling ka pa. I'm going to risk my lif para lang mabuhay ka pa."

"N-no. No. M-magagalit ako sa'yo pag ginawa mo yan," hindi nakaimik si Air.

"S-sabihin mo ito sa kanya...m-mahal na m-mahal k-ko s-s-siya. M-mahal na mahal ko si W-w-walter. P-please tell h-him A-air. B-bantayan m-mo lagi siya." unti-unting nagsipatakan ang luha sa mata ni Air.
Kahit hanggang kamatayan ay pangalan parin nito ang kanyang sinasabi.

"A-air...b-before I close my e-eyes,can you do me a f-favor?"
hinawakan nito ang pisngi ni Air. Nanginginig ang kamay nito at punong-puno ng dugo.

"Anything...anything just for you. Gagawin ko ang lahat para sa babaeng mahal ko." ngumiti si Amora rito. Kahit kailan ay hindi sinabi ni Air ang nararamdaman niya kay Amora dahil alam naman nitong kapatid lang ang turing nito sa kanya.

"S-say my n-name..."

"Amora," mabilis pa sa kidlat na sagot nito. "Amora mi amore." hinalikan nito ang kanyang kamay.

"N-no...a-ate Amora." umiling si Air sa sinabi nito. Hindi niya kayang tawagin itong ate dahil  hindi lang kapatid ang nararamdaman niya rito.

"P-please." napalunok si Air.

"A-ate Amora...ate amora. Please don't leave us. Please." hindi na niya naiwasan ang malakas na iyak nito lalo na nang unti-unti na nitong pinikit ang kanyang mata.

"I love you..."

Agad akong napabalikwas ng bangon. Habol ko ang aking hininga. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang nasa tabi ko si Walter. Nakayuko ito at hindi nagsasalita.

Nakita ko. Nakita ko na ang ang nangyari noon pero bakit? Bakit ang sakit? Bakit pakiramdam ko mahal na mahal ni Air si Amora. He's willing to risk his life just for her.

"Leave this town immediately, Vitha." aniya at tumayo. Lalabas na sana siya pero napatigil siya dahil sa tanong ko.

"Bakit siya namatay? Bakit hindi mo ipinakita sa akin ang dahilan kung bakit siya namatay?"

"Because it's forbidden!"

__

Yakanemori

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon