Kabanata 9

1.2K 64 2
                                    

We're friends

4:30 na pero nasa school parin ako. Nakakaasar kasi ang Algebra teacher namin. Dahil daw sa mga absentees ko kaya nandito ako sa library at halos malibot ko na ang mga buong bookshelve kakahanap sa librong pinapahanap ni ma'am. Hindi ko naman mahanap-hanap! Damn that book!
Gusto ko man magtanong pero walang tao ni isa. Kahit ang librarian ay wala rin. Yeah,it's kinda creepy lalo't na ang tahimik.

"Need help?"

"Ay butiking baboy!" nakahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Akala ko wala ng tao pero nandito pa pala si...Aurum?

"G-good a-afternoon au-err sir." ngumiti ulit siya nang malamodel ng toothpaste.
His complete and perfect teeth make me envy.

"Don't call me sir,Aurum is enough." pilit akong ngumiti. Hindi ako mapanatag dahil kasama ko ang stalker ko.

"Anyway,do ya need help? Maybe I can help."

"Hindi na a-aurum. K-kaya ko na 'to." humarap ako sa bookshelf at tinalikuran siya.
Sumandal siya sa bookshelf kaya nad-distract ako sa kanya.

"Algebra?" kunot-noo ko siyang tiningnan.

"P'ano mo nalaman?" he chuckled.

"Uh...You don't remember? I am your stalker." napaatras ako ng ilang beses sa sinabi niya. Creepy!

"Hahaha! Just kidding. I'm just here to help you. Pinakausapan kasi ako ni ma'am salvador na tulungan ka kaya let me help you." aniya at naghalungkat siya ng libro sa shelf. Nanatili lang akong nakatingin sakanya. Napaiwas agad ako ng tingin ng tumingin siya sa'kin.

"I'm not going to hurt you,don't worry." aniya na mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. "Here." he handed me the book I've been searching.

"Thanks." sabi ko. Wala ang librarian kaya iniwan ko na lang ang slip sa desk nito.

"Pwede bang sumabay ako sa'yo?" he asked. Nagd-dalawang isip pa ako kung anong isasagot ko.

"Nakabike ako eh." dahilan ko. Ngumiti na naman siya. Parang sinisigaw ng ngipin niya na, "Model ako ng toothpaste!"

"Sakto. Nakabike rin ako." sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako. Wala naman sigurong mangyayari na masama diba?

"Okay."

"Thanks." nakalabas kami ng gate. Agad kong hinanap yung bike ko. Dalawang bike nalang ang nandoon kaya alam kung kay Aurum yun.

"What the!?" di ko alam kung minamalas ba talaga ako today! Damn this tire!

"Why?" tanong niya.

"Flat yung gulong." naiinis na sabi ko. Nakakainis!

"Mauna ka na. Maglalakad nalang ako." sabi ko sakanya.

"Maglalakad nalang din ako." sabi niya.

"Bahala ka." kinuha ko na ang bike ko. Pwede naman siyang sumakay sa bike niya. Bat sasabay pa siya?

"So? Nabalitaan ko,close kayo ng kapatid ko." ang bilis naman ng balita. Pero seryoso? Hindi naman kami close ni Air ah.

"Not really. Nag-uusap lang kami ni Air pero hindi kami close." pag-amin ko.

"Well,ikaw kasi ang unang babaeng sa tingin ko ay di niya sinusungitan."

"Huh! Di daw. Ang sungit sungit nga ng mokong na 'yun." napanguso ako. Totoo naman diba? Parang laging nireregla ang lalaking iyon. Dinaig pa ang babae. Tss.

"I know...pero ikaw lang yung babaeng nagpatawa sa kanya nang ganun." kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Pinatawa ko siya? Talaga? Kailan?" gusto kong matawa sa sinabi niya. Ako? Mapapatawa ko ang lalaking iyon?!

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon