Kabanata 22

1K 43 0
                                    

Leaving...

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Pagkatapos kong sumigaw sa walang kadahilanang dahilan ay parang may malakas na hangin na humampas sa katawan ko. Naramdaman ko nalang ang sarili ko na hindi na ako hawak ni Air at ni Venus.

Hindi rin ako makatayo dahil sa sakit ng katawan ko dulot nang malakas na pagkakahagis sa akin.

Pinilit ko parin imulat ang mga mata ko kahit medyo nahihilo ako. Tiningnan ko kung anong nangyayari at napaawang ang bibig ko dahil hindi lang isang Air ang nakikita ko. Dalawa sila! Hindi ko alam kung sino sa kanila ang totoo.

"You're here again." rinig kong sabi ng nasa kaliwang si Air.

"Ang bilis talaga nang pandinig mo, hangal na diyos ng hangin." doon napagtanto ko na ang lalaking ito ay hindi si Air.
Ngayon ko lang din napansin na tumigil pala sa pag-andar ang barko.

"Solum relinquatis eam"
matigas na sabi ni Air sa ibang lenguwahe. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. Humalakhak ang impostor na parang nasisiraan ng bait.

"You forgot that I am the god of shadow. Hindi mo ba naalala ang nangyari sampung taong ang nakalipas?" umigting ang panga ni Air sa sinabi nito. Sa isang iglap ay may malakas na pwersa na inilabas  si Air at naihagis nito ang impostor. Anong nangyari noong sampung taon mula ngayon?

"Hangal! Alam mong bawal umibig ang mga diyos sa mortal!" tila nanigas ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung anong ir-react ko.

Posible bang mahal ako ni Air?

Napailing nalang ako at isinintabi ang iniisip ko. Nasa panganib kami ngayon kaya ayokong mag-isip ng kung ano-ano.

Nagulat nalang ako nang magpalit anyo ang impostor. Ito na ba ang totoo niyang anyo? Nakasuot siya ng black cape na halos wala kang makikitang mukha niya.

"You killed her." galit na sabi ni Air habang papalapit ito sa lalaki.

Sino? Sino ang pinatay nito?

"Hahaha! Hindi mo talaga alam ang dahilan, Aire? Kaya nabubuhay ako para ipaghiwalay ang mundo ng tao at mundo natin."
naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Halos mapatili ako nang may humawak sa braso ko pero agad niyang tinakpan ang bibig ko ng palad niya.

Si venus.

Kasabwat rin ba siya?

"Let's go. Kailangan na nating umalis."  parang nahihipnotismo ako sa mga salita niya at sa kanyang mga mata.
Hindi ko na naman nakokontrol ang aking katawan.

"Livi!" lilingon na sana ako sa sigaw ni Air nang hawakan ako ni Venus.

"Don't!" sigaw nito sa akin.

"You'll die here, Livi. Lahat tayo mamatay pag di pa tayo umalis!" aniya. Tumango ako.

"Oo. Umalis na tayo." sabi ko at tila nablangko na lamang ang isip ko.

"Vitha, no!" I want to stop. Pero hindi ko magawa.

"Alisin mo ang kamay mo sakanya," agad na napabitaw si venus sa braso ko at naramdaman ko na nakakagalaw na ako.
"Goddess of beauty." agad akong umalis sa tabi ni Venus na ngayon ay may nakapulupot na ugat ng puno sa buong katawan nito.

"Let go of me! You dumbass!" galit na sigaw nito kay Aurum. Nagbago ang anyo niya. Naging kulay dilaw ang buhok nito at naging violet ang kanyang mata.

"Don't look at her eyes, Tiera!" sigaw ng isang babae. Ngayon na napansin ko na hindi lang pala si Aurum ang nandito. Maging si Flaire at si Walter.

"At nandito na pala ang diyos ng apat na elemento." natuon ang atensiyon ko sa lalaking nakacape.

"Este no es el fin." sabi nito at sa isang iglap ay bigla itong nawala gayun din si Venus. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

Naramdaman ko nalang na bumibigat ang aking paghinga. Nanghina ang aking tuhod at natumba ako.

Nanlalabo ang paningin ko at parang may humihila sa akin para matulog.

Tanging sigaw lang ni Aurum at Air ang narinig ko bago ako lamunin ng dilim.

___

"You need to forget her."

"What the fuck are you saying?"

"Aire, you know what I mean. Kailangan mo siyang kalimutan habang maaga kung hindi...kung hindi--"

"I love her."

"Alam mong hindi ka pwedeng umibig sa tao!"

"Amora..."

"W-what?"

"Minahal mo rin naman siya diba?"

"W-what are talking about?"

"Kung hindi ka lang sana naging duwag noon, kung ipinaglaban mo lang sana siya edi sana hindi siya namatay!"

"Hindi sana namatay ang unang babaeng minahal ko!"

___

Agad akong napabalikwas ng bangon. Tagatak ang pawis ko sa noo.

Tiningnan ko ang paligid kung nandito ba sila pero wala. Ako lang mag-isa dito sa kwarto.

Nasaan ako at nasaan ang mga tao kanina na nag-uusap. Am I hallucinating?

Tiningnan ko ang wristwatch ko pero hindi ito gumagana.

Napahilamos ako ng mukha at inalala ang lahat ng nangyari kagabi.

Damn! Totoo ba talaga yun? Hindi kaya panaginip lang?

Isang katok ang pumukaw ng atensiyon ko.

Pumasok ang isang lalaki na noong una ay hindi ko napansin na si Walter iyon dahil sa wala siyang suot na salamin.

"Are you feeling well?" tanong nito sa malamig na tono. Dahan-dahan akong tumango.

Nilagay niya ang dala niyang tray na may laman na baso sa table.

"Have a tea." aniya at inabot ang baso sa akin. Nanlalamig ko itong tinanggap.

Buong akala ko ay aalis na siya pero hindi. Nakatayo lamg siya roon at nakatitig lang sa ginagawa ko.

"A-ahm..."

"Forget everything." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"H-ha?"

"Kalimunatan mo na ang lugar na ito. Kalimutan mo na kami. Kalimutan mo na si Air." aniya sa malamig na boses. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang tea.

"P-pero..."

"Mamili ka, lisanin ang lugar na ito o aalisin ko ang memorya mo." hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"B-bakit mo ako pinapapili?" pilit kong pinapatigas ang boses kahit ang totoo ay nangingilid na ang luha ko.

"Inaalala ko lang ang kalagayan ng mga mortal pag nagkataon..." hindi na niya sinundan ang sasabihin niya. Tumalikod na ito sa akin.

"Nagkataon na ano?" hindi siya sumagot. Lumakad ito papalapit sa pinto.

"Na magaya ako kay Amora?" nanigas siya sa kanyang kinatatayuan.

"P-pa'no mo nalam-?"

"Narinig ko! Narinig ko na namatay siya sa hindi ko alam na dahilan!" hindi siya sumagot pero lumapit siya sa akin.

"Si a-amora, si amora na minamahal mo...at minahal rin ng lalaking mahal ko." tuluyan nang kumawala ang luha sa mata ko.
Nilapag ko ang baso sa table at tinuyo ang aking pisngi gamit ang aking palad.

"Sabihin mo sa akin ang lahat nang nangyari noong nakaraaang taon,"

"At aalis ako sa bayang ito..."

__

Yakanemori

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon