Kabanata 7

1.3K 70 2
                                    

Heartbeat

Bandang tanghali nang makauwi kami sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto para magpahinga. Bukas pa ako makakapasok at mabuti nalang ay naiintindihan nang mga teachers ang kalagayan ko ngayon.

Nasa skwelahan si Arueza habang si mommy at daddy ay naghahanda para lumuwas ng manila. Babalik na ulit si daddy para magtrabaho dahil kailangan na siya sa manila. Ipapasa naman ni mommy yung bago niyang gawang story sa publisher. Bibili na rin daw siya ng mga gamot para sa sakin.

"Vitha,aalis na kami. Basta mag-ingat ka dito. Tawagan mo ako pag may nangyari,okay?" tumango ako bilang sagot. Mom and dad kissed me on my cheeks before leaving. Umupo lang ako sa couch habang nanunuod ng T.V.

Ala-una na at walang mas'yadong magandang palabas kaya pinatay ko ang T.V at lumabas ng bahay. Umupo ako sa swing habang nakatanaw sa mga berdeng damo. Napapikit ako at nilanghap ang hangin.

"Tss. Magaling ka na pala." untag ng isang pamilyar na boses sa akin. Napairap nalang ako bago siya harapin. He's wearing a uniform at agaw pansin ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Ano yan?" sabay turo ko sa gilid ng labi niya.

"Blood. Stupid." pinunasan niya iyon gamit ang kamay na parang wala lang.

"Eh 'bat meron ka niyan?" hindi ko napansin na nakapameywang na pala ako. Para tuloy akong isang nanay na pinapagalitan ang isang anak.

"Argh. Just a...none of your business." aniya.

"Eh bat di mo na gamutin? Atsaka may klase ka pa ah. Anong ginagawa mo dito?"

"We're just the same."

"Atleast may valid reason ako while you,wala." masungit na sabi ko. Kung kala niya siya lang pwedeng magtaray,aba't nagkakamali siya.

"Nagcutting ako. Happy?"

"Eh 'bat di ka umuwi at gamutin yang sugat mo?"

"Mom will be mad at me again."

"Ows. Kaya pala. Tara nga." hinila ko siya papasok nang bahay.

"T-teka lang!" pagprotesta niya. Tiningnan ko siya nang 'ano?' look. Namumula ang buong mukha niya at mukhang di mapakali.

"We're still kid,don't ya know that? I'm just 17 and your 16. I know no one can resist my charm. I respect you,not as a women. I respect you because we're not into a relationship to do that thing." mahabang litanya niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Sa ilang araw na nakilala ko siya,ngayon ko lang narinig na mahaba ang mga salitang sinabi niya.

"W-what? Gagamutin lang naman kita. Ano bang problema at ang dami mong sinabi?"

"H-ha? G-gagamutin mo ako?" wala sa sariling tanong niya.

"Oo. Ano ba sa tingin mo?" masungit na tanong ko. Nagkamot siya sa tenga at mukhang nahiya.

"Wala. Gamutin mo na ako." kahit di ko pa siya in-invite na umupo ay prenteng umupo ito sa couch.

"Tss. Diyan ka lang." sabi ko at dumiretso sa kusina. Kinuha ko ang first aid kit at binalikan siya na nakaupo pa rin. Umupo ako sa tabi niya.

"Harap." utos ko nang hindi nakatingin sakanya. Busy ako sa mga gamit na gagamitin ko sa kanya. Pagtingin ko sakanya ay nakatingin na ito sa'kin. Hindi ko alam,pero bigla akong nailang. Nanginginig ang kamay ko na nilagay ang bulak na may alcohol sa sugat niya.

"Ubos na yung betadine kaya alcohol nalang. Tiisin mo yung sakit ah." sa pagdampi ng bulak ay napadaing siya sa sakit.

"Tiisin mo. 'Yan kasi!" sabi ko.

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon