Kabanata 16

1K 56 0
                                    

Truth...

Nagising ako sa isang pamilyar na bahay. Agad akong napaupo at napansin ko na nakahiga pala ako sa isang malambot na sofa. Dahil sa aking pag-upo ay siyang pagkahulog ng bimpo na nakalagay sa noo ko kanina.

Bakit ako nandito?

"Hija,dahan-dahan lang." napatingin ako sa babaeng dinampot ang bimpo na nahulog. Hija? Eh mukhang magkasing-edad lang kami.

Humarap sa akin ang isang babaeng mukhang kaedaran ko lang. Nakatali na pigtail ang pula nitong buhok na hindi ko alam kung nagc-cosplay ba siya or everyday niya lang na suot iyang wig.

Nakasuot rin itong gloves na hanggang siko at pamilyar ang gloves na iyon.

"B-bakit ako nandito sa bahay nila Aurum?" you heard it right. Nandito ako sa bahay nila. Naalala ko na ang lahat. Simula nong pagpunta ko dito sa bahay nila hanggang sa may nakita kaming isang malaking hayop o hayop ba talagang malalaman yun.

Sasagot palang siya nang lumabas ang tatlong lalaki. Si Air na walang expression,si Aurum na nakatingin sa akin at ang isang lalaki na pamilyar na may suot na salamin sa mata.

"Isama mo siya sa labas,Fuego. Kailangan na niyang malaman." sabi nung lalaking na may salamin sa mata. Umalis ito at sumunod naman ang dalawang kambal. Nagtataka akong tumingin sa babae na nangangalang 'Fuego'. She just smiled at me at inalalayan akong tumayo.

Sumunod kami sa kanila hanggang sa makarating kami sa garden nila. May fountain dito na wala namang lumalabas na tubig.

Nagtaka ako nang umalis ang babae sa tabi ko at pumunta sa isang gilid kung saan may umilaw na simbolo sa pader na isang star na may nakapaloob na tatlong pulang nagliliwanag--parang apoy?

Sumunod na tiningnan ko ang lalaking may suot na salamin. Nakatayo rin ito at umilaw rin ang pader na nasa likod nito. Kung sa babaeng pula ang buhok ang red ang nakapaloob sa star,sa kanya naman ang blue.

Hindi ko na mapigilang mapatingin sa dalawa pang natitira. Parehas lang ang dalawa pero kay Aurum ay green na dahon samantalang kay Air ay gray na hindi ko maexplain.
What the heck is happening?!

"Ipinapangako mo ba Livitha Elleanor na ang iyong makikita sa araw na ito ay ise-sekreto mo hanggang sa kamatayan mo?" tanong nung lalaking may salamin. Sa tingin ko siya ang leader sa kanila.

"W-wait? What do you mean?" takhang tanong ko sa kanya.

"Hindi niya ba maalala?" tanong ni Fuego sa tatlo. Teka,anong di ko maalala? Naalala ko na ang lahat pero wala akong maalalang may gan'to?

"She doesn't know about us. Pero kailangan na nating sabihin sa kanya." paliwanag ni Aurum sa kanila. Anong sasabihin nila sa akin? May kinalaman ba ito sa di nila pagpansin sa'kin?

"Aurum,are you sure na hindi ipagkakalat ng babaeng iyan ang ating katauhan?" anong katauhan pinagsasabi nila?

"Kung kailangan pa nating tawagin ang diyos ng katotohanan ay gagawin ko para  mapatunayan ang totoo." seryosong sagot ni Aurum. Diyos ng katotohanan?! This make me feel uncomfortable. Hindi magtatagal ay iisipin ko nang grupo sila ng mga kulto.

Tumango lang ang lalaki at nagsitinginan sila sa mga mata nila. Nagsimula silang bumulong sa hangin nang kung ano-ano. What the heck?! Iba ang leng'wahe nila at hindi ko maintindihan. Ilang minuto  akong nakatayo at hindi ko alam ang gagawin. Tatakbo ba dahil baka mamaya ay ialay nila ako o aantayin ko na magsabi sa kanila ng 'Joke Time'.

Matapos nilang bumulong sa hangin ay humakbang papalapit sa akin ang babaeng pula ang buhok at nagulantang nalang ako sa ginawa niya. Hinubad nito ang gloves nito sa kamay at may lumabas na apoy sa mga kamay nito. No no no,that can't be possible. Magic tricks lang yan. Sorry pero hindi na ako bata para maniwala sa mga gan'to.

"Ako si Fuego, ang diyosa ng Apoy." mas nagulat ako sa ginawa nito. Naging apoy ang buong katawan niya pero hindi siya nasusunog. Oh my god?! What the heck is happening?!

"N-no no...y-you're kidding me."
parang hindi nila ako narinig at sumunod na humakbang ang lalaking nakasalamin.

"Agua. Diyos ng tubig." himig ko sa boses niya na hindi ako nito gusto. Pero teka! Nalilito na ako. May mga tubig na bola sa kanyang kamay at nakokontrol niya ito. Sumunod na tumingin ako kay Aurum. Tingin na nagtatanong kung 'joke ba 'to?'.

"You actually know me as Aurum. Let me introduce my true name. Tierra,god of earth." bahagya akong napaatras nang biglang may mga ugat ng puno ang lumabas sa kanyang paa. Nababaliw na sila. Anong klaseng magic tricks 'to?

"A-alam niyo. N-nakadrugs lang kayo o k-kaya kulang kayo sa t-tulog." lahat sila ay umiling. Napalunok ako. Am I dreaming? Ako ata ang nakadrugs kaya gan'to ang nakikita ko.

Huli kong tiningnan si Air. B-bakit. What the hell is this? Bakit ba nila 'to ginagawa sa akin?! Why?

"A-a-alis na ako." tumalikod ako at mabilis na pumasok sa loob ng bahay nila para makalabas.

Narinig ko pa ang pagtawag nung lalaking nangangalang Agua. Damn it!

Nakalabas ako ng bahay nila pero ang prinoproblema ko ay hindi ko gaanong alam ang lugar na ito. Alam ko na maliit lang ang lupaing Aire pero sadyang hindi ko talaga tanda ang lugar na ito.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa nakita ko ang batis. Hindi kami dumaan dito ni Aurum noong pagpunta namin sa kanila pero isa lang ang alam ko, malapit na ako sa bahay. Hindi muna ako umuwi ng bahay. Nanatili akong nakaupo sa isang malaking bato habang ang paa kong inalisan ng sapatos at medyas ay nilagay ko sa tubig. Ngayon ko lang napansin na nakauniform pa ako at maga-alas kuwatro na.

Napabuntong-hininga ako. Anong nangyayari sa akin? Imaginations ko lang ba yung kanina? May nainom ba ako at kung ano-ano pa ang nangyayari?

Naalala ko,ikinulong pala ako nila Elery sa isang classroom dahilan para mahirapan akong huminga. I'm sure na naramdaman ko na naman yung pakiramdam na pinupulot ang katawan ko kagaya noong pag punta ko sa Los Mabalos Forest. Damn! Naalala ko ang lalaking iyon. Imagination ko rin ba yun?

Naalarma ako nang may marinig akong yabag na papalapit sa akin. Napatayo ako at dahil don ay hindi ko sadyang natapakan ang isang madulas na bato.

Napapikit nalang ako nang maramdaman ko na basang-basa ako. Oh my god! Mabuti nalang yung bag ko ay hindi ko bitbit kundi sama-sama ang mga notebooks ko na mababasa.

Tiningnan ko ang taong lumapit sa akin ngunit wala akong nakita. Imagination ko na naman ba yun?!

Napatili ako nang may bumuhat sa akin. Naghestirical ako at pinaghahampas siya pero hindi niya pa rin ako binibitawan.

"Bitawan mo ako!"

"Oras na bitawan kita,alam mo ang mangyayari sa'yo." that voice...

"Air?"

___

Yakanemori

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon