Kabanata 19

1K 55 4
                                    

A/N : Malapit na mag-pasukan kaya sa tingin ko ay magiging mabagal ang UD sa mga story ko. Don't worry. I will update everyweek. ^^ Hindi ko lang alam kung ilang chapters.

Field trip : Gusto kita....

Bumaba kami sa torre de promesas at pagbalik namin ay nakita namin si Ma'am Cordova. Nandun parin yung bus pero wala na yung mga classmates namin.

"Bakit nandito pa kayo? Bilisan niyo na at sumakay na kayo sa barko." tinuro ni ma'am kung nasaan ang barko at agad rin naman namin itong nakita. Hindi naman gaanong kalakihan ang barko at kasya lang ang mga isang daang katao. Mukhang inarkila pa talaga ito para sa field trip.

"Nalate tuloy tayo." bulong ko habang papaakyat na kami sa barko. Hindi sumagot si Air at nagulat ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at ipinagsaklop ang aming mga daliri. Tiningnan ko siya na nagtataka at pilit kong inaalis ang kaniyang kamay pero sadyang malakas siya.

"Anong ginagawa mo Air?" sabi ko. Hindi niya ako pinansin at hinila nang tuluyan. Nakita namin ang mga classmate namin kung saan sila nagkukumpulan at mukhang naglalaro.

"Woy! Si Air saka Livi! Magka-holding hands."

"Uyyy. Sila na."

"Kaya pala Air ah."

"Ayieee."

Puro hiyawan ng classmate ko ang maririnig kaya yung ibang section ay napapatingin sa amin. Feeling ko lahat ng dugo sa katawan ko ay napunta na sa aking mukha. Hindi pa rin ako pinapakawalan ni Air.

"Anong ginagawa niyo?" iniba ko ang usapan para matigil na sila.

"Spin the bottle lang kami tutal may tatlong oras tayo rito." sagot ni Elery habang winawagayway ang plastic bottle. "Sali kayo?" hindi pa kami sumasagot ay pina-upo na nila kaming dalawa. 11 lang kami rito. Si Elery, si Aaron, si Shakilah, si harold, Reina saka si shena, si Venus,si Ice,ako,si Air at si Chimney. Nasa kaliwa ko si Ice.

Nagsimula nang paikutin ni Elery ang bote. Unang tumapat ang bote kay Aaron na tatawaz-tawa lang. Mas pinili niya ang dare. Elery dared him to say I love you sa babaeng taga ibang section. Mabilis naman niya itong nagawa at kinindatan niya pa si Elery bago umupo ulit.

Si Aaron naman ang nag-paikot at kay Chimney ito natutok. Hanggang sa lumipas ang oras. Apat nalang kaming hindi natu-tutukan. Ako, si Air, si Venus saka si Ice.

"Ang daya! Letcheng hangin yan!" reklamo ni Reina nang nakatutok na sana ito kay Air pero biglang lumakas ang hangin para umikot ulit ito nang mabilis.

Tiningnan ko si Air dahil alam kong siya ang may kagagawan nun. Kinontrol niya siguro ang hangin dahil alam niyang sakanya ito maitututok. Muling pinaikot ni Reina ang bote at kay Ice na ito tumama. Nakasimangot siya nang pinili niya ang truth.

"Ahmm...Hmm...Sino crush mo sa classroom? Sa classroom lang ah." malisyosong tanong ni Reina. Napanguso nalang si Ice dahil mukhang ayaw niyang saguting ang tanong na binigay sa kanya.

"Pwede ibang tanong?" sabay-sabay silang umiling.

"Hindi pwede. Sabihin mo na. Satin-satin lang naman eh." sabi ni Shakilah na sinang-ayunan ni chimney at shena.

"Si Livi." naghiyawan ang mga kaklase ko kaya sinabihan kami ng isang guard na hinaan namin ang boses namin.
Tumingin ako kay Ice na nakatingin rin pala siya sa akin. Ngumiti lang ako. To be honest, hindi ko sineryoso yung sinabi niya.

"Woy. Si Livi,haba ng hair. Ayiee."

"Ay may Air na siya,may Ice pa. Iba den."

Namula ako sa mga pinag-sasabi nila. Magsasalita na sana ako nang pisilin ni Air ang kamay ko na hawak niya parin hanggang ngayon. Tiningnan ko siya pero hindi siya sa akin nakatingin.

"Okay, next na tayo." ngayon si Ice na ang nag-paikot at kay Venus ito napunta. She smiled shyly.

"Truth or dare?" tanong ni Ice.

"D-dare." nahihiyang sabi niya. Maganda si Venus kaya lang kulang siya sa confidence at nakasalamin lang talaga siya at manang manamit.

"Hmmm?" nag-iisip si Ice kung anong papagawa niya.

"H'wag mo namang hirapan yung dare sa kanya Ice ah. Naku baka mamaya, di niya kayanin." sabi ni Harold na nakatingin sa phone niya.
Mukhang kanina pa ata siya nakatitig sa cellphone niya.

"Sige na nga,madali lang ito, Venus." sabay kindat niya rito. "Kung nandito man yung crush mo,hawakan mo siya sa kamay." namula si Venus at mukhang nagdadalawang isip sa pinapautos ni Ice.

"Ang hirap naman nun Ice." si Chimney.

"Lah sila. Kanina nga tinanong niyo sino crush ko tapos sinagot ko naman ah." nakasimangot na sabi ni Ice.

"Lalaki ka kasi, babae si Venus--" naputol ang sasabihin ni Elery nang magsalita si Venus na nakangiti sa amin. Ang ganda niya ngumiti at mukhang hindi lang ako ang natulala sa ganda niya. Maging ang mga kasama ko rin.

"G-g-gagawin ko." tumayo siya at napatingin kaming lahat sakanya. Tinitingnan ang bawat kilos niya hanggang tumigil siya sa harap ko. Ako yung crush niya? Tomboy ba siya?

Pero lumihis ang tingin niya sa akin kundi sa kamay namin ni Air dahilan para kabahan ako. Yumuko siya sa harap ni Air na malayo ang tingin kaya hindi niya napansin na papalapit si Venus sa kanya.

Nanlaki ang mga mata namin sa sumunod na ginawa ni Venus. Hindi niya hinawakan ang kamay nito bagkus ay hinalikan niya ito sa labi.

Walang nakaimik maging si Air na mukhang nagulat sa ginawa ni Venus. Nakaramdam ako nang pagkislot ng aking dibdib.

Hindi mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Air kaya agad akong kumalas at tumayo.

"L-livi?" tawag sa akin ni Elery. Nasaktan ako lalo na nang makitang mukhang hindi napansin ni Air na tumayo ako. Nakatingin lang sila sa isa't-isa na parang walang pakealam sa paligid. Tumalikod ako lalo na nang maramdaman ko na mukhang may tutulo sa aking mata. Nag-iinit at sumasabay pa ang hindi ko maramdaman na sakit sa dibdib ko.

Narinig ko ang pagtawag sa akin nila Elery pero hindi ko na iyon pinansin at tuluyan ko silang iniwan dun.

Pumunta ako sa pwesto kung saan konti lang ang tao. Humawak ako sa railings at kita ko ang asul na dagat.

Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko sa hindi ko alam na dahilan. Nakita ko pa ang pagpatak nito sa dagat.

Pero agad akong natigil nang maramdaman na may paparating. Agad kong pinunasan ang pisngi ko at matapang na nilingon kung sino ang papalapit sa akin.
Si Ice na mukhang nag-aalala sa akin.

"Hey." bati ko sa kanya at ngumiti. Sumandal rin siya sa railings.

"I'm sorry."

"Hala siya. Bakit ka nags-sorry?"

"Hindi ko kasi alam na gusto pala ni Venus si Air at magagawa niya yun. Kung alam ko lang edi sana di ko yun pinagawa sa kanya." tinapik ko siya balikat na sinasabing 'okay lang'

"Ano ka ba? Okay lang yun. Saka hindi ko naman boyfriend si Air kaya okay lang." Okay lang nga ba talaga?

"Ha? Pero magkahawak kayo ng kamay kanina?"

"Ah. Yun ba? Trip niya lang yun." sabi ko at tumawa nang pagak. Oo nga, Vitha. Trip ka lang niya. Si Venus talaga gusto niya.

"I see. Oo nga pala, yung sinabi ko kanina..."

"Yung?" tanong ko.

"Na gusto kita...totoo yun."

___

Yakanemori

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon