Kabanata 13

1K 64 0
                                    

Curiousity Kills...

Alas-otso ng gabi ay lumabas pa rin ako ng bahay para magpahangin. Hindi na maprocess ng utak ko ang nangyayari ngayon. I don't know what the hell is happening to Aurum and Air?
They're acting like they didn't know me. Isa pa,may girlfriend na sila sa saglit na panahon na nawala ako? Ilang oras lang yun? Maybe 5 or 6 hours?

Mahina kong dinuduyan ang sarili ko. Umangat ang paningin ko sa taas at pinagmasdan ang kumikinang na mga bituin. Bakit feeling ko may mali? Bakit feeling ko parang may nawala sa mga ala-ala ko. Parang may kulang sa buhay ko?

Ilang minuto rin ang tumagal at naramdaman ko na lumamig ang paligid. Tumayo ako at balak ko na sanang pumasok sa loob pero napatigil ako at nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Levitha."

"Levitha."

"Levitha."

"Tulungan mo kami."

"Sumama ka sa'min."

"Sumama ka sa'min."

"Mamatay ka na."

Nakaramdam ako nang hilo at ramdam ko ang pagbigat nang paghinga ko. Hindi ko alam kung ano ang mga naririnig ko at nakikita kong mga anino na nagpapaikot-ikot sa paligid ko.

"S-stop..." bulong ko pero binigyan lang nila ako nang tawa.

"Tagu-taguan kabilugan ng buwan..."

"Pagkabilang namin ng sampu nakatago ka na."

"Magtago ka na..."

"Takbo..."

"Alam mo ang mangyayari..."

"Isa."

Hindi ko alam ang ginawa ko at tumakbo ako palayo. They're still laughing at me like a demon.

"Dalawa..."

Malayo na ako sa bahay at nakikita ko pa rin na hinahabol nila ako. Wala silang mukha at anino lang ang nakikita ko.

"Tatlo."

Nasa damuhan na ako at naririnig ko na ang mga kuliglig sa paligid. Hindi ko mapigilan ang hindi tumakbo dahil sa takot. Gusto kong sumigaw at humingi nang tulong ngunit parang nanigas ang mga labi ko. My heart keep beating so fast that make me hard to breath.

"Apat."

They're playing hide and seek with me. I feel tired and dizzy.

"Walo..."

"Vitha,nand'yan na kami."

"Siyam."

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makapasok ako sa isang hindi pamilyar na gubat. Ito ang gubat ng Los Mabalos(Los Mabalos Forest). Ang madilim na gubat na kung ang bali-balita ay may mga masasamang elemento raw dito.

Wala na akong pake sa mga sabi-sabi. Ang gusto ko lang ay matigil na sila sa kakahabol sa'kin. Nasa gitna ako ng gubat at wala na akong naririnig na mga tawa at mga nagbibilang. Mga huni na lang ng hayop at hampas ng hangin sa mga dahon ang naririnig ko.

Ramdam ko ang lamig na nanunuot sa aking balat.
Hinang-hina ang mga tuhod ko kaya't wala sa oras na napaluhod ako.

Bumagal na rin ang paghinga ko at mabuti nalang ay nasa bulsa ko pala ang enhailer. Sinubukan kong tumayo at kumapit sa puno.

Madilim at tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa paligid.

Iniisip ko kung pa'no ako makakabalik sa bahay? Pa'no kung nandoon pa rin ang mga anino?

Nakaramdam ako na may tao sa paligid kaya agad kong kinuha ang stick na na natapakan ko.

Nangangatog ang tuhod ko sa takot. Mga kaluskos ang naririnig ko sa paligid.

Itinutok ko ang stick sa isang direksiyon kung saan ko narinig ang mga yabag.

Paatras ako nang paatras dahil nakikita kong lumalapit ito sa'kin. I can't see what are creature it was because it was standing on a dark place.

"S-sino ka? W-what do you want from me?" I said while holding back my tears. Kinapa ko ang inhailer sa bulsa ko and to be surprise ay wala ito dun. Nasa'n na iyon? Nandito lang yun kanina ah!

"Are you looking for this?" nabaling ang atensyon ko sa baritong boses na nasa harapan ko. Nakita ko na hawak niya ang inhailer ko dahil sa liwanag ng buwan na tumama sa mga braso niya.

Bakit nasa kanya ang inhailer ko? Paano?

"I-Ibigay mo yan sa'kin. H-hindi yan sa'yo." malakas siyang tumawa sa sinabi ko. Nakakatakot ang tawa ng lalaking ito. Parang hindi siya tao kung tumawa.

"Ibigay ko na yan sakin kung hindi..." mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa stick na hawak ko ngayon. Alam kong hindi siya normal na masasaktan lang nang hawak ko na stick.

"Kung hindi ano?" palapit siya nang palapit sa'kin kaya nakita ko na ang buong anyo niya. Nakacloak siya na itim at natatabunan ng cloak niya ang mukha niya.

"P-papatayin kita!" nakapikit na sigaw ko habang nakatutok sa kanya ang stick na hawak ko. Hindi ko alam kung saan ko pa nakukuha ang lakas ng loob na sagutin ang halimaw na ito kahit takot na takot na ako at nahihirapan huminga.

Napamulat ako nang makaramdam ako na may humahawak sa mga binti ko. Nang tingnan ko ang binti ko ay wala namang mga kamay.
Pataas nang pataas na gumagapang ang hindi ko ko nakikitang nilalang sa katawan ko. Hindi ako makagalaw dahil pinipigilan ako nito. Nabitawan ko ang stick na hawak ko.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng taong nasa harap ko. Siya ang may gawa nito sa akin.

"P-paka--p-pakawalan m-m-mo ako..." ramdam ko na naman na nahihirapan akong huminga. Mas malala ito ngayon dahil parang pinipilipit ang katawan ko.

Hindi ko na napigilan na mapaiyak. Nakatingin lang ako sa lalaki habang nagmamakaawa.

Ito na ba ang katapusan ko?

Paano ang pamilya ko?

Siguro nga dito na magtatapos ang buhay ko.

Malabo...

Masakit...

Nararamdaman ko na para akong hinehele at gusto ko nang matulog.

Bago ko maipikit ang mga mata ko ay nakita ko na may lumiwanag sa harapan ko at nawala na ang bigat na nasa katawan ko.

Bago ko maramdaman ang lupa ay may brasong sumalo sa akin.

___

Sorry,ngayon lang nakaUD. ^_^

__

Yakanemori

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon