Kabanata 1

2.3K 91 0
                                    

Probinsya...

Livitha P.O.V

"I wonder ate kung anong itsura ng probinsya. May wifi parin kaya doon?" tanong ng bunso kong kapatid habang hawak niya ang human size na teddy bear na tinatawag niyang trevor.

"Arueza,tigilan mo muna ang pagkausap sa ate mo. Mapapagod siya kakausap sa'yo." sabi ni mommy habang nakatingin kay Arueza. Hindi niya lang pinansin si mommy at kinausap niya lang si trevor.

Tumahimik ang loob ng van. Tumingin ako sa labas ng bintana at tumingin sa tanawin. Puro berde ang kapaligiran. Walang mga bahay na yari sa mga mwebles kundi puro ito kahoy. May mga tao rin na nagtatanim. Nagtataka ako sapagkat nung dumaan kami ay kumakaway ito kaya kinakawayan rin ito ni daddy na nakaopen ang bintana. Siguro gan'to lang sa probinsya.

"Malapit na tayo." sabi ni dad. Nakita ko ang isang bato na malaki na may nakapintura na 'Los Mabalos'. Marahil ito ang pangalan nang probinsya namin. Di nagtagal ay tumigil narin kami.
Akala ko ay bahay-kubo ang titir'han namin pero parang bahay lang namin sa manila,mas pinaliit nga lang.

Napatingin ako sa buong bahay. Dalawang palapag ito. Malayo rin sa mga kapitbahay.

Napatigil ako sa pagmumuni nang maramdaman ko ang hangin sa batok ko. Pakiramdam ko may dumaan dahilan para tumingin ako sa paligid. Wala naman bukod saming apat. Nagkibit-balikat na lamang ako at nilapitan si arueza.

"Ako na ang magbubuhat niyan." kinuha ko ang box na hirap na binubuhat ni arueza.

"Pero ate-" hindi ko na siya pinakinggan at pumasok sa loob ng bahay. Hindi tiles ang floor dito di kagaya ng bahay namin sa manila. Makaluma ang style ng bahay. May isang aparador na luma at mga paintings. Ibinagsak ko ang box sa isang sofa na maalikabok.

"Vitha,'wag ka nang tumulong sa'min. Umakyat ka nalang sa kwarto mo. Yung pangalawang kwarto sa taas,yun yung kwarto." sabi ni daddy. Tumango nalang ako at umakyat sa kwarto ko.

Hindi gaanong kalakihan ang kwarto ko. May single bed na kasya lang sa'kin. Isang study table,lumang cabinet at isang single sofa. May isa ring pinto na sa tingin ko ay CR. May kulay light blue na kurtina. Agad akong lumapit doon at hinawi iyon. Binuksan ko ang malaking bintana at lumabas sa balcony.

Napapikit ako nang dumampi ang hangin sa mukha ko. Hindi kagaya sa manila,walang polution dito.

Naalala ko ang mga pangyayari sakin ngayong nakaraan. Masaya pa ako habang nasa syudad. Masayang nag-aaral,may kaibigan at gumigimik. Until one day,nasugod ako sa hospital nang hindi ako makahinga. Doon ko nalaman na may sakit ako sa puso. Rinekomenda ng doctor na kung maari ay kailangan kong makalanghap nang sariwang hangin. Wala kaming nagawa. Lumipat kami dito sa probinsya. Si daddy ay twice a week lang uuwi dito dahil nasa manila ang company namin. Si mommy naman ay luluwas sa manila once or twice a week dahil pinapasa niya ang mga manuscript sa isang publisher.

Bumalik ako sa loob nang magbeep ang phone ko. Alam kong galing 'to sa mga former classmates ko na nagtatanong kung nasan ako. Pero hindi classmate or friend ko ang nagtext sakin ngayon. It was Raven. Raven is not only my friend. We're not in a relationship too. Mutual Understanding.

From: Raven

The heck! Where are you?

From:Raven

Pumunta ako sa bahay niyo kanina,umalis na daw kayo. Bat di mo sinabi sa'kin? :(

From: Raven

Please come back. I miss you. :(

Marami pa siyang messages pero di ko na binasa. May 53 miss calls din na galing sakanya. Walang nakakaalam noong nagospital ako kaya wala ring nakaalam nong umalis kami.

Inalis ko ang battery nang phone ko at inihagis iyon sa kama. Umupo ako sa kama. Hindi gaanong malambot. Sabi ni mommy,pinalinis na daw itong kwarto at ni arueza. Tanging sala at kusina lang ang hindi.

Nagising ako dahil sa katok sa pintuan. Kinusot-kusot ko ang mata ko. Nakatulog pala ako.

"Ate,kain na daw po." tumayo ako at inayos ang buhok bago lumabas. Suot ko parin yung suot ko kanina.

Wala na si Arueza nang lumabas ako. Siguro ay nasa baba na.

Pagkababa ko ay pumunta agad ako sa kusina. Nandoon parin ang ibang mg box at di pa naayos. May pagkain nang nakahain sa kusina. Umupo ako sa tapat ni arueza. Tahimik lang kami habang kumakain.

"Vitha,diyan ka na sa Mabalos High School mag-aaral. Hindi naman siya gaanong kalayuan pero binilhan ko pa rin kayo nang tig-isang bike. Makakabuti rin iyon sayo,Vitha." tipid akong ngumiti at patuloy na kumain.

"Eh daddy,ako po? Mags-school na po ba ako?" magiliw na tanong ni arueza kay daddy. 7 years old na si arueza at kasalukuyang grade one.

"Oo naman. Malapit lang ang school niyo ng ate mo kaya sabay nalang kayo,okay?" humagikhik naman si arueza at may ibinulong kay trevor.

"Bukas na lang namin kayo ipapasyal at pupunta rin tayo sa lola niyo para ipaalam na dito na tayo mag-aaral." sabi naman ni mommy. Balita ko sa lola ko ay 70 plus na ang edad niya.

Matapos kong kumain ay nagpaalam akong lalabas ako para magpahangin.

Pagkalabas ko ay umupo ako sa isang duyan na malapit lang sa bahay. Tanaw dito ang mga damong kulay berde.
Hindi ako sanay dahil laking syudad ako. Puro buildings at usok ang madalas kong makita pero dito? Blue-ng langit,green na paligid at sariwang hangin.

Wala man lang katao-tao. Sabagay,ala una kasi at baka natutulog ang mga tao dito.

Humampas ang malakas na hangin sa mukha ko kaya napuwing ako. Dapat di nalang pala ako lumabas.

Matapos kong makusot ang mata ko ay dahan-dahan ko itong binuksan.

Nagulat ako na may isang lalaki ang nakatayo doon sa damuhan. Di ko makita ang mukha niya dahil medyo malayo siya. Lumingon ako sa paligid kung saan siya nakatingin pero sinasabi ng utak ko na ako ang tinitingnan niya. Tumingin ako sa lalaki. Nakalight blue polo siya at isang black pants.

Nagulat ako nang kumaway siya sa'kin at wala sa sariling ginantihan ko ang pagkaway niya sa akin.

--

Yakanemori

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon