"Air! Bumalik ka rito!" I heard him screaming my name but the hell I care. Wala naman akong pake sa kanya.
Kaya kong magtraining mag-isa.
Lumabas ako ng bahay at pumunta sa pinagbabawal na lugar sa probinsyang ito.
Ang gubat.Umakyat ako sa paborito kong puno kung saan nakikita ko ang buong lugar. Hindi ganun kahirap ang umakyat sa puno dahil kaya kong lumipad.
It was so peaceful here at the top. Ipinikit ko ang aking mga mata para makapagpahinga.
"Hello?!" noong una hindi ko pinansin ang boses na iyon. Baka isa lang iyon sa mga naliligaw na kaluluwa sa gubat.
"Hello?! May tao ba diyan?" she still keep screaming as if someone will hear her.
Iminulat ang isa kong mata ngunit ang isa ay nakapikit parin.
"H-hellooo~" ilang segundo pa siyang sumisigaw hanggang sa napagod na ito.
Pinapakiramdaman ko lamang siya pero hindi ko siya tinitingnan.
"Hays! Ano ba naman kasing probinsya ito. Wala man lang signal." atungal nito. Mukhang tao ito na naligaw sa gubat.
Ayoko siyang tulungan pero kailangan.
Bumaba ako sa puno at gayun nalang ang gulat niya nang makitang nasa harap na niya ako."Ehh?!" tili nito dahil sa gulat.
"Paano...paanong nakatalon ka pababa galing diyan sa puno?" gulat na tanong nito sa akin. Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa bag niya.
Pinagkamalan pa ata akong magnanakaw.
"Are you lost?" mukhang nabigla siya sa pag-english ko. Iniisip niya siguro na porke't taga probinsya eh hindi marunong mag-english.
Tumango siya sa akin.
"P-paano ba ako makakabalik sa bayan ng F-fuego?" she asked.
"It's lupain, not bayan." pagtatama ko sa kanya.
"Iisa lang naman yun mister. Ituro mo nalang sa akin dahil baka mapagalitan ako ni mama." aniya. Lihim akong napaismid sa ugali na ipinakita ng babaeng ito. Sisihin ba naman ako kung papagalitan siya ng mama niya. Mahaba ang kanyang buhok, makinis at maputi. Kung titingnan sa aming physical na katawan, mukhang mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Mukhang magkasing-edad lang sila ni Walter.
"Hindi kita masasamahan, dumeretso ka lang tapos makikita mo ang labasan." masungit na sabi ko.
"H-hindi ko naintindihan...sorry." hindi ko alam kung anong ir-ireact ko.
"De-ret-so." para mas maintindihan niya.
"Ahh. Okay? Sige. Salamat." tumalikod na ito sa akin. Gayun din sana ang gagawin ko nang biglang may narinig akong mabangis na ungol.
Kita ko ang gulat sa mata ng babae.
"Did you hear that?" palingon-lingon siya kung saan-saan.
Wala sa sariling lumapit ako sa kanya at pinadausdos ang aking braso sa kanyang bewang. Agad na namula ang mukha niya sa ginawa ko.
"A-anong ginagawa mo bata?" hindi ako makapaniwalang tinawag niya akong bata. Kung alam niya lang...
Mas lalong lumakas ang ungol at mukhang papalapit iyon sa amin.
Nakaamoy na naman...
Hindi ko na pinansin ang sinabi ng babae bagkus ay ginawa ko ang dapat kong gawin.
Ang umakyat sa puno.
Gulat na napatingin sa akin ang babae. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
Tumingin siya sa baba at muntik na siyang sumigaw pero natakpan ko na agad ang bibig niya gamit ang aking palad.
Sinenyasan ko siya na manahimik.
Ilang minuto ang lumipas naramdaman ko na na umalis na ang nilalang na iyon.
Binitawan ko ang babae na hindi makapagsalita.
"H-how can you do that? I-I mean...paanong nakaakyat ka nang ganun kabilis? Isa pa, ano ang nilalang na iyon?" umiwas ako nang tingin. Hindi kailangan ng mortal na ito na malaman ang katotohanan.
"Air!" napatingin ako sa tumawag sa akin galing sa baba.
"Isang tao!" mukhang nagkagulo sila sa nakita nila.
Matalim akong tiningnan ni Walter at sumunod sa babae.
Yumakap sa aking braso ang babae dahil sa takot."You know this is forbidden, Aire." matinis na sigaw niya sa akin habang namumula ang kanyang mata.
"She's lost." sabi ko at bumaba sa puno. Napalumpasay ang babae sa lupa at sumuka.
Ahhh. May kasama pala ako.
"Tatawagan na ba natin si memoria?" tanong ng lalaking kamukha ko at may nilabas na kung ano galing sa lupa.
"A-anong klaseng nilalang kayo?" tanong nung babae habang napapaatras.
"We're gods." sabi ko sa walang kwentang tono.
"Air!" sigaw ng tatlo sa akin.
"Ako na ang bahala sa kanya." napatingin kami kay Walter na palalapit sa babae.
"T-teka, anong pangalan mo?" tanong ng kasama ko. Nagdalawang-isip ang babae kung sasabihin ba ang pangalan niya sa amin.
"A-amora...Amora Sandelion."
Amora. Kung noong araw ba na iyon ay ako ang naghatid sa'yo, maaring buhay ka parin kaya?
___
Yakanemori

BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
FantasiHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...