Field trip: Help!
Walang nakapagsalita sa amin nong bumaba kami ng ferris wheel.
Paulit-ulit yung sinabi niya kanina sa ulo ko dahilan para mamula ako ng husto.Hindi ko maintindihan kung anong pinagsasabi ng hangin na yun kanina. Bakit siya nag-I love you sa akin? Why the hell did he kissed me?!
Matapos niya akong halikan kanina ay wala akong nasabi ni isa.
"Okay ka lang?" natuon ang atensiyon ko kay Ice. Isa pa itong si Ice, hindi ko alam kung pinagt-tripan niya rin ba ako.
"Okay lang ako, inaantok lang ako." I lied. Alas-diyes na rin ng gabi at yung iba ay natutulog dahil narin siguro sa pagod kakasakay kanina.
Ito ako ngayon ay mulat na mulat dahil sa nangyari kanina.
"Okay. Tulog ka muna." tinapik niya ang kanang balikat niya. "Sandal ka para di ka mahirapan." lihim nalang akong napairap dahil sa style niya. Sumandal narin naman ako sa balikat niya para hindi siya ma-offend.
Nakapikit lang ako pero hindi ako natutulog. Iniisip ko parin kung anong sinabi ni Air kanina.
"I love you."
"I love you."
"I love you." umayos ako ng upo. Mabuti nalang at tulog si Ice kaya di niya nahalata na umalis ako sa pagkakasandal sa kanya.
I checked my phone kung may mga texts ba. Galing lang ito kay mommy at daddy na mag-ingat ako.
Kita ko na ang dagat mula rito. 3 oras pa kaming mag b-barko. Ala-una kami makakauwi. I know this kinda weird. I don't know pero iba talaga ang pakiramdam ko sa field trip na ito.
Bumukas ang ilaw ng bus dahilan para mapapikit ako. Rinig ko ang mga ungol ng classmates ko na mukhang nagising rin sila. Tumigil na ang bus at nasa terminal na kami ng barko.
"Class, wake up. We're here." pinasigla ni ma'am Cordova ang boses niya kahit halata namang inaantok rin siya.
"Inaantok pa ako." rinig kong atungal ni Ice habang inaayos ang strap ng bag niya.
Konti nalang ang tao sa bus dahil sa nagsibabaan na yung iba. Halos lahat ng cellphone ng classmates ko ay naka-on ang flashlight dahil madilim.
Kinda creepy.
Tumayo na rin ako sa pagkakaupo at doon ko lang nalaman na hindi parin pala bumaba si Venus at Air.
Mas nauna kami ni Ice bumaba at nasa likod ko lang si Air.
Ramdam ko ang titig niya sa akin pero binalewala ko lang ito.
Dahan-dahan kaming sumakay ng barko. Hindi ito yung gamit namin kanina. Mas malaki ito at may mga kwarto.
Maganda ang design sa loob ng barko kaya napapanganga talaga kami. Maliwanag rin ang loob.
Nagtaka ako dahil sa ganda ng sasakyan namin.
Masiyadong gumastos ang school kung ganun? Pero konti lang naman kaming sumali diba? How?That's Weird.
"Okay guys, kung matutulog kayo, maari na kayong pumasok sa kwarto. May mga nakalagay na pangalan niyo roon. Dalawa kayong tao sa isang room." maraming napa'wow' dahil sa sinabi ni ma'am.
"Ma'am." natuon ang atensiyon namin sa kay Ice na nagtaas ng kamay. He look so confused.
"It's kinda weird po. Napansin ko lang kasi na parang may mali. This boat. It's too luxurious. Konti lang kaming sumali kaya imposibleng makaarkila po ang school ng gantong kagarang barko." hindi lang pala ako ang nakapansin, maging si Ice din.
Sumang-ayon ang iba sa sinabi ni Ice."I don't know also Mr.chua but we must be thankful kasi dito tayo pinasakay." nakangiting wika ni ma'am.
"Pumunta na kayo sa room niyo. May tatlong oras pa kayo para matulog." sumunod ang lahat sa sinabi ni ma'am maging ako rin.
Nakita ko na ang room ko at si Venus pa talaga ang kasama ko sa room.
Bumuntong-hininga muna ako bago ko hawakan ang doorknob.
I was about to open the door when someone grab my wrist.
Si Air na seryosong nakatingin sa akin.
"B-b-bakit?" nagkandautal-utal na sabi ko.
"We must get out of here." kunot-noo ko siyang tiningnan.
"W-what?"
"Damn it." pagmumura niya. Dumilim ang expression ng kanyang mukha.
"Ano bang problem--" hindi na niya ako pinatapos magsalita ng hilahin niya ako hanggang sa tumigil kami sa top deck ng barko. Maraming stars sa bituin at malamig na hangin ang humahampas sa aking balat.
"Air." tawag ko sa kanya nang makitang mukha siyang balisa.
"Livi, umalis na tayo." kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Kami? Aalis?
"At paano tayo makakaalis sa barkong ito, Air?" tanong ko. "Isa pa, ano ba talagang nangyayari?"
"Hindi mo ba nahahalata?" tanong niya sa akin. Nahahalata ang ano?
"This field trip is set up." nanlamig ako sa sinabi niya. Lahat nang nangyari kanina ay bumalik sa utak ko.
Ang barkong ito at weird ang oras ng uwi namin sa Los Mabalos.
I never experience field trip like this in my whole life."We must go." aniya at inilahad ang kamay niya sa akin. Tiningnan ko iyon pero may parte sa puso ko na ayaw ko itong tanggapin.
"H-hindi..." sabi ko at humakbang ng konti papalayo. Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.
"Livi..." tawag nito sa akin.
"Air!" napalingon kami sa babaeng sapo ang kanyang hininga. It was Venus.
"H-help me..." sabi nito. Kinabahan ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at inalalayan na makalapit kay Air.
Wala ang suot niyang eyeglasses sa mata kaya kita ko ang kulay brown na mata. Kakaiba ang mata niya at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
"Livitha, umalis na tayo. Sumama ka sa amin ni Air." hindi ko alam pero parang nahihipnotismo ako sa boses ni Venus. Pakiramdam ko ay nawawalan ng kontrol ang katawan ko.
"Livitha..." tawag ni Air sa akin na nakalahad parin ang kamay sa akin.
At naramdaman ko nalang na sumusunod ang katawan ko sa bawat sinasabi ni Venus."Livitha, sabay tayong tatalon para makaalis na tayo rito." sabi sa akin ni Venus. Napatingin ako sa dagat kung saan mukhang napakalalim nito. Pag tumalon ako dito ay paniguradong mamatay ako lalo na't hindi ako marunong lumangoy.
Pero bakit ganun? Bakit ayaw sumunod ng katawan ko? Bakit may sariling buhay ito?
"One," si Air ang nagbibilang. Mahigpit siyang nakahawak sa kamay ko na parang ayaw niya itong bitawan.
Ayoko, ayokong tumalon."Two," ayoko pang mamatay.
"Three!" napapikit ako at...
"God of air! Please help me!"
__
Yakanemori
BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
FantasyHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...