Kabanata 12

1K 59 0
                                    

Weird...

"I'm sorry. I don't know you."

"H'wag ka ngang magbiro nang ganyan. Nasa'n ba yung eyeglasses mo? Isuot mo kaya para makilala mo na ako." mapakla akong tumawa. Gumagawa siya nang joke na hindi naman nakakatawa.

"I'm not joking miss." hindi ko na mapigilan na mainis. Iiwan niya na lang ako sa ere? Niloloko lang ba ako ng gagong 'to?

"Ano ba? Hindi na ako natutuwa sa jokes mo ah. Anong nangyari pagkatapos kong bumisita sa bahay niyo?" narinig ko ang singhap nang mga tao sa paligid. Mga bulungan ang pumuno sa library.

"Anong ibig niyang sabihin?"

"Baka nagi-imagine lang yan 'no. Imposibleng pumatol diyan si Aurum."

"Sa tingin ko mag-aaway si Aurum saka si Elexy dahil sa babaeng yan."

"Tama."

Hindi ko na pinansin ang bulong-bulongan nila. Humarap yung babae kay Aurum at madaling sinampal ito atsaka nagwalk-out.

Hindi ko na talaga alam ang nangyayari.

"Nagalit tuloy yung girlfriend ko." bulong nito habang hinahaplos ang pisngi kung saan siya sinampal.

Hindi niya ako pinansin at nilagpasan ako. Parang di niya ako nakikita.

Hinabol ko siya hanggang sa labas nang library. Mas maraming tao at sumunod yung iba sa amin.

Hinablot ko ang wrist ni Aurum at hinarap sa'kin.

"A-ano bang nangyayari?" umiinit na ang sulok nang mata ko. Feeling ko kasi hindi na 'to joke. Feeling ko tinototoo na niya. Feeling ko kinalimutan na niya ako.

"Okay ka lang ba miss? May sakit ka ba? Baka hindi ako yung sina--"

"Bakit kung umasta ka parang di mo ako kilala?!" malakas na sigaw ko. Tumulo ang luha ko sa pisngi.

"Ba't kung umasta ka parang hindi mo ako naging kaibigan?"

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?"

"Sorry,hindi talaga."

"Liar!" tumalikod na ako at naglakad papalayo. Gago ba siya? Ano ba kasing nangyari?! Bakit parang  nagkaamnesia siya? Nagbago na rin siya. At yung tingin nang mga tao sa kanya?

Anong...

Pinunasan ko ang luha ko at agad akong tumakbo paakyat nang room. Si Air nalang ang tatanungin ko.

Pagpasok ko sa room ay napatingin lahat sila sa'kin. Wala pa ang teacher kaya kung ano-ano ang ginagawa nila. Sanay na ako sa ganun pero iba ngayon. Nakamamatay ang titig nila sa'kin. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ginawang masama sa kanila.

Bahala na. Pumunta ako sa direksiyon ni Air. Nakatingin pa rin siya sa labas ng bintana at may nakasalpak na headset sa tainga nito.

"Air?" tawag ko dito pero hindi niya man lang ako pinansin.

"Air." may bahid na nang inis ang tono ko. Ano bang problema nitong magkapatid na 'to? Inalis niya ang headset niya at tamad na tumingin sa'kin.

"What?"

"Let's talk."

"We're talking." napairap na ako. Ano pa ba ang maasahan ko dito kay Air?

"Privatel--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may pumalakpak. Lahat kami napalingon kay... Elery? Kasama nito ang barkada niya. Lumapit siya sa'kin na nakapameywang. Nakataas ang kilay at anytime ay pwede niya akong sabunutan.

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon