Nagising ako sa sobrang dilim na lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako. Dahan-dahan akong gumalaw at nagtaka ako ng hindi ako makagalaw. Napagtanto ko na nakatali pala ako. Pero bakit ako nakatali.
Then I stop for a moment at hindi ako makapaniwala. It's Ice. Hindi ko mapigilan na hindi mapaiyak. I trusted a wrong person. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin. After all this time siya pala ang diyos na gustong pumatay sa akin, siya ang diyos na pumatay sa kay Amorra. Akala ko ay kaibigan ko siya. Pero hindi, matagal na pala niya akong pinagmamatyagan.
Ilang minuto ang lumipas at nakarinig ako nang mga yabag na papalapit sa akin.
"Hindi pa ba natin siya papatayin?" ang boses na iyon. Boses iyon ni Venus. Magkasabwat pala silang dalawa. How stupid I am. Bakit hindi ko agad napansin?
"You know the rules Belleza."
"Argh! Nevermind. Mamatay rin naman siya kagaya noong babaeng...sino nga ulit yun?"
"Amorra." hindi ko mapigilan na hindi manggitgit sa galit.
"They know na bawal umibig ang tao sa isang kagaya natin, pero anong ginawa nila? They're still keep going loving and that is so suck." napapikit ako nang biglang bumukas ang ilaw. Sobrang liwanag nito.
"Oh. She's awake." nang maramdaman ko na makakapag-adjust na ang mata ko ay dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Then I see them standing in front of me. Venus iss having her wild grin while Ice is just staring at me with no emotion.
"Y-you are a liar!" galit na sigaw ko sa kanya. He kneel down at ngayong nakita ko na siya nang malapitan ay nakita ko na may pagbabago sa kanya. Hindi na siya yung Ice na mukhang mabait, kulay itim na itim ang mata nito. Nakita ko rin angpaglabas ng pangil niya.
"Am I? Livitha?" his voice also changed.
"You're pathetic, Livitha. i gave you clue pero tanga ka parin talaga." he said at tumayo.
"Remember the day na hindi ka nila nakilala while me? Walang nagbago diba? Hindi mo ba napansin na hindi tumalab sakin yung ginawa nila? Kasi kauri nila ako. I'm also a god, Livitha, and also Belleza slash Venus." naalala ko na yung araw na iyon. Kaya pala siya at si Venus lang ang pumapansin sa akin nong araw na iyon. Ba't hindi ko agad nahalata? I'm so stupid."You're going to die...right now, right here." aniya dahilan para kumabog ang aking dibdib.
"Kill me, then." wala sa sariling sabi ko.
"Brave. Naalala kita kay Amorra. That girl. Sayang din ang babaeng iyon. He fall for a man na hindi siya kayang ipaglaban. Do you know that your man is also inlo-" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita.
"I know." sabi ko rito. Wala na akong lakas para sumigaw at umiyak pa. Kung maari lang sana ay bilisan niya na ang pagtapos sa akin "Kill me now, please."
"Not too fast, babe." sabi niya at lumakad papalayo sa akin. Tumigil muna siya at humarap sa akin, "You need to undergo on a ritual." aniya at naramdaman ko nalang ang sarili ko na lumulutang at sumusunod sa kanila.
Bigla akong bumagsak sa lupa at napadaing ako sa sakit. Tiningnan ko ang paligid at napansin ko na nasa gubat kami. Napansin ko na full moon ngayon at kulay pula ito. Nagulat ako ng biglang may pumalibot sa akin na apoy. Biglang humangin nang malakas at narinig ko na lamng si Ice na may ibinubulong sa hangin.
"Domne desuper,
Ego iudicio contendam adversum vos hic homo peccator est
Deus autem, sicut umbra, Ego princeps in mortem.
Im 'hic est religio coepit,
A peccatum est peccatum.
Mors poena sit,
Ex hac femina pro de me."
bawat pagbigkas niya sa mga salitang hindi ko maintindihan ay ang pagsakit ng buong katawan ko. Feeling ko ay sinusunog ang buong balat ko at kalooban ko. Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw.
"Stop! Stop!" I scream in pain.
Naramdaman ko ang hawak sa akin ni Venus at pilit na kinuha ang aking palapulsuhan. At napasigaw ako ng bigla niyang itong hiniwa gamit ang kutsilyo. Inilagay niya iyon sa isang bote at muli akong binitawan.
Hindi ko na kaya. Patayin niyo nalang ako. Kailangan ko ba munang magdusa bago ako tuluyang mamatay? Napaiyak na lamang ako dahil sa sobrang sakit. Paki
Nanlalabo na ang aking paningin pero nakita ko parin ang pag-inom ng lalaking iyon sa basong hawak ni Venus kanina. Alam kong dugo ko ang laman non.
"Livitha Ellea--" hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari basta ang alam ko ay biglang nawala ang apoy na nasa paligid ko. Narinig ko rin ang tili ni Venus. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay alam ko na may maling nangyayari.
Naramdaman ko na may lumapit sa akin at hinawakan ang aking palapulsuhan dahilan para mapasigaw ako.
"She's damn poisoned!" hindi ako magkakamaling boses iyon ni Flaire. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Hindi na rin ako makahinga nang maayos.
"Vitha, Vitha, do you hear us?"
"Vitha, come back."
"Vitha,"
"Vitha,"
Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari basta ang alam ko nalang ay bigla akong napabangon na iba na ang lugar.
Kulay puti ang lahat at hindi ko mapigilang hindi isipin na nasa isang lugar ako. Ang heaven.
"Livitha." napalingon agad ako sa may tumawag sa akin. Isang babae na hindi ko kilala. Nakangiti ito sa akin. Napakaganda niya lalo na nang makitang kumikinang pa ito at ang suot nitong puting bestida.
"Livitha, masaya akong makausap na kita sa personal." aniya at niyakap ako.
"Amorra." hindi ko alam kung saan nanggaling ang sinabi kong iyon. Kumalas sya sa pagkakayap.
"Ako nga." aniya. Napaawang nalang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala na nakikita ko ngayon si Amorra.
"Maupo muna tayo, marami akong ik-kwento saiyo." aniya at itinuro ang isang bench. Nag-iisa lang iyon at parang nilaan talaga iyon para sa amin.
"Alam mo ba, palagi kitang nakikita at natutuwa ako dahil nandiyan ka para kay Air." aniya nang makaupo kami. Hindi parin ako nagsasalita.
"Mabait si AIr, Livitha." alam ko, alam ko na mabait ang lalaking minamahal ko. Alam ko iyon at alam kong hindi kami para sa isa't-isa. "Naalala ko yung araw na siya ang nagligtas sa akin sa isang halimaw na iyon, hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya. I know he's cold and also arrogant sometimes pero sa loob niya, napakabuti niya. At hindi ako nagsising nakilala ko siya, sila." aniya habang nakangiti na nakatingin sa malayo.
"I want to know, Amorra. Wala ba talagang pag-asa na magmahalan ang isang tao at isang diyos?" tanong ko rito.
"Oo. Isa iyon sa mga batas nila. Ginawa sila para magsilbi sa tao. Oras na mawala ang isa sa kanila ay isang malubhang kaguluhan iyon." aniya. Hindi na muli pa akong umimik. What am I thinking para itanong ang bagay na yun na alam ko na rin naman ang magiging sagot
"Nasa langit na ba talaga tayo ngayon?" pagbabago ko sa topic.
"Maybe yes." tumingin ako sa kanya.
"You're not dead yet, Livitha." naguluhan ako sa sinabi niya. HIndi pa ako patay? Paano?
"No. I'm already dead. Nagtagumpay siya. Namatay na ako." she smiled at nakita ko ang butil ng luha sa kanyang mata.
"No, you're not dead. He sacrificed his life."
__
Yakanemori

BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
FantasyHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...