Kabanata 10

1.2K 63 0
                                    

Things that happening...

Weeks past at naging ayos naman ang lahat. Magkaibigan kami ni Aurum na pinagtaka nang marami. 

Tinatanong nila kung di ba ako natatakot sakanya. Simpleng iling lang ang nasasagot ko sa tanong nila.
Si Air naman ay hindi na ako kinakausap,mukhang galit siya sa'kin dahil kinakausap ko ang kapatid.

"Tara,sabay na tayo." as usual ay palagi na kaming sabay kumain. Yung mga kaklase ko naman ay pasimpleng nagbubulungan.

"Hi sir!" bati sakanya nang mga barkada ni Elery. He smiled at them. 'Sir' parin ang tawag nila kay Aurum kahit hindi na ito nagtuturo sa'min. Bumalik na kasi ang teacher namin sa Science. Yung iba sa mga kaklase ko ay di na natakot kay sir at binalewala ang mga tsismis. Pero meron parin na hanggang ngayon ay takot parin sa kanya.

Pagpunta namin sa canteen ay siya na ang umorder.
Nag-antay lang ako na bumalik siya. Napatingin ako sa gawi nila Elery. Malakas ang boses nila habang nagtatawanan. Pinagkakatuwaan nila ang isang nerd na babae habang pinupulot nito ang nagkalat na pagkain niya.

Napabuntong-hininga ako. Sa loob ng ilang linggo ay nakita ko na rin ang ugali nang grupo ni Elery. They're bully. Noong una,hindi ako makapaniwala sa pinaggagawa nila pero nasanay na rin ako. Si Air naman ay walang pakialam ar tahimik na kumakain.

Akala ko mabait sila sa lahat pero mukhang ako lang ata ang hindi nakakaalam nang ugali nila.

"They're doing it again." untag ni Aurum nang makabalik. Ibinababa niya ang tray na may pagkain.

"Akala ko nga noon,mabait sila." mahinang sabi ko at pinaglaruan ang spaghetti using fork.

"I dunno. Matagal ko na rin silang nakikitang ganyan." sabi nito. Akala ko noon ay sa private school or sa manila lang nangyayari ang bully pero meron din pala sa probinsya.

"Vi,punta ka maya sa bahay,pakilala kita kay mom and dad." aniya. Vi na ang tawag niya sakin dahil masyado daw mahaba ang pangalan ko. Tumigil ako sa pagkain. Papakilala niya ako? "Kasi nasabi ko sa kanila na may kaibigan na ako sa school so naexcite sila sa'yo." aniya. Pero kung pupunta ako,makikita ko ang ulupong niyang kapatid.

"Sige." sagot ko.

Madaling natapos ang lunch at nagsibalikan na sa sari-sariling classroom.

Busy-ing busy ako sa pakikinig sa teacher nang biglang may malakas na sumipa sa upuan ko. Tiningnan ko at si Air yun. Tiningnan ko siya nang 'what' look.

May iniabot siya saking papel na maliit. Patago ko itong kinuha. Matagal na rin simula noong kausapin niya ako.

'Don't go' yun ang nakasulat sa papel. Mabilis akong sumagot doon.

'What?' hanggang sa nagpapalit-palit kami nang sagutan sa papel.

'I said don't go with him!'

'Ano bang problema mo?!'

'Just...don't go.'

Natigil ang pagsusulat namin nang magquiz ang teacher namin. Nararamdaman ko pa rin ang sama nang tingin sa'kin ni Air galing sa likod ko.

Mabilis na naglakad ang oras at uwian na nga. Usapan namin ni Aurum ay sa gate nalang kami magkita dahil may kukunin pa ako sa library.

Gaya nang ini-imagine ko. Walang tao sa library pag gantong oras. Kahit librarian ay wala rin. May hihiramin lang akong libro dito at uuwi na rin ako.

"I'd warned you,Livitha."

"AY BUTIKI KA!" nahulog ko pa ang hawak na libro ko. Inis na tumingin ako sa mahangin na ito bago pinulot ang libro.

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon