At sa pagbukas ng aking mata ay hindi na ako umasang panaginip lang ang lahat. I know na hindi iyon panaginip. As far as I want, sana panaginip yun pero hindi. Ayoko nang umasa pa na hindi totoo iyon. Mas masasaktan ako. I promised to him...I promised to him na mabubuhay ako.
"Vitha?" I heard my mom calling my name. Sumunod ang mga iba't-ibang boses ng tao at sabay nito ang pag-inspeksiyon nito sa aking katawan.
Hanggang sa lumipas ang araw, buwan at taon.
Ilang taon na ang nakalipas at muli akong nakabalik ngayon sa pilipinas. Ang init ng araw mula rito ang nagpaisip sa akin kung gaano ko namiss ang bansang kinagisnan ko.
Sampung taon na ang nakalipas at sariwa parin sa akin ang lahat. Parang kahapon lang ay kasama ko siya.
Napangiti ako habang nakaupo ako sa swing dito malapit sa bahay namin.Bumalik ako sa Los Mabalos at nakita kong maraming nagbago sa lugar na'to sa loob ng sampung taon. Hindi gaanong mainit dahil buwan narin ng desyembre. Napag-isipan naming dito sa probinsya magpasko dahil yun ang gusto ng aking lola.
"Ate, sama ka?" napatingin ako kay Arueza. She grown too fast. She's already 17. Lumalaking maganda ang kapatid at maraming nanliligaw rito pero wala pa akong nabalitaan na may sinagot siya ni-isa. Hindi ko siya kasama sa ibang bansa dahil mas pinili niya ang mag-stay rito.
I'm 25 right now. Nagtapos ako sa isang university sa states dahil na rin tinulungan ako ng tita ko. Ngayon, isa na akong isang fashion designer ng mga ibang mga sikat na celebrities ngayon.
"Saan ba punta?" tanong ko at umalis sa pagkakaupo sa swing. Nilapitan ko si Arueza na may hawak na camera.
"Sa flower plantation. Sama ka ba?"
"Sure." sabi ko at isinukbit ang aking kamay sa kanyang braso at sabay na naglakad. Kahit medyo may pagkamalayo ay nilakad nalang namin ito para makita namin ang view. Isa pa, mas gusto kong makabonding ang aking kapatid dahil minsan lang naman kami magkasama dahil nga sa trabaho ko.
Hanggang sa makarating kami sa flower plantation. Hindi gaanong maraming tanim ngayon di kagaya pag summer. Konti rin ang tao.
"Ate, I just go there." paalam sa akin ni Arueza na agad ko namang pinayagan. Ako naman ay naglibot-libot hanggang sa may makita akong pamilyar. Napaawang ang aking bibig sa nakita ko.
"Livitha?" hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya at hindi ko rin maiwasan na may mamuong buti ng luha sa aking mata.
"Aurum. Shit. Namiss kita." sabi ko sa aking pagkalas sa yakap namin. Pinagmasdan ko siya. Wala man lang nagbago sa itsura niya kahit kaonti. He's still Aurum na kilala ko 10 years ago.
"N-namiss rin kita." aniya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa at balik ulit sa ulo para kausapin ako.
"You look..."
"Yeah, I know. Hindi na ako mukhang highschool. Samantalang ikaw oh, bat parang wala kang pinagbago?"
"Alam mo naman Livi, nasa lahi ko na talaga ang pagiging magandang lalaki." biro niya na agad kong tinawanan.
"Ba't ka pala nandito?" tanong ko sa kanya.
"Oh. This is my place."
"Ha?"
"I mean, part ito ng nasasakupan ko. I'm just checking kung nagagawa ng mga kaibigan ko yung trabaho nila." aniya at nilibot ang paningin sa lugar gayon din ako. Nagtaka ako kasi wala namang tao rito bukod sa mga turista.
"You know esclavo mean?" umiling ako. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko.
"It means alipin. I don't want to call them alipin. They're my friends. Lahat ng diyos ay kailangan may alipin. Dati silang tao na naliligaw ang kaluluwa kaya namin sila kinuha. At first, we erased their memory pero hindi magtatagal ay babalik rin ito. I have 15 esclavo. Mortals can't see them except kung nakatakda nang mawala sila nang tuluyan. Also, madali rin silang kalimutan ng mga tao." bigla akong nalungkot sa sinabi niya. May naalala ako, naisip ko na kung may esclavo rin ba siya?
"Meron." napatingin ako kay Aurum na mukhang nabasa ulit ang iniisip ko.
"They died also." di ako nakapagsalita. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko na dinadala ko sa loob ng sampung taon. Hindi lang isa ang nawala, marami pala at dahil yun sa akin.
"Hey Livi, check this out." aniya at hinawakan ang kamay ko. Napangiti nalang ako sa ginawa niya. I know na pinapagaan niya lang ang loob ko. May biglang tumubong sunflower sa kamay ko.
Bigla akong napaiyak. Sa loob ng sampung taon, ngayon ulit ako umiyak. Sa tinagal-tagal kong sinasabi sa sarili ko na okay lang ang lahat at tanggapin ko na ang lahat pero hindi ko pa rin pala kaya. Di ko parin tanggap ang nangyari 10 years ago. I still keep blaming myself for everything.
Naramdaman ko ang yakap ni Aurum sa akin.
"It's not your fault. Walang may kasalan sa lahat ng nangyari. You just need to accept everything, Livi." aniya. Hindi ako nagsalita at mas lalong lumakas ang iyak ko dahil sa sinabi niya.
"Thank you, bestfriend." sabi ko bago umalis ng flower plantation.
__
Napayakap ako sa sarili ko dahil sa hangin na yumayakap sa akin. Nasa labas ako ng bahay ng aking lola habang nakatingin sa langit. Nag-aantay ako na may lumabas na makulay na ilaw sa kalangitan.
"Ate, countdown na!" excited na sabi ni Areuza sa akin habang may kinakain na barbeque.
"10"
It's already new year.
"9"
Sa bagong taon na ito, umaasa na naman ako.
"8"
Sana...sana...makita kitang muli.
"7"
Pero sa pag-uwi ko rito, may narealize ako.
"8"
I don't need to see you dahil nararamdam kita.
"5"
Not because of the air.
"4"
Because my life is your life. You sacrifice everything, Air.
"3"
Thank you.
"2"
I'm accepting everything what happened 10 years ago. I need to let go. Pero hindi kita kakalimutan.
"1"
I love you.
And then I saw the beautiful lights beneath the dark sky.
__
A/N: May wakas pa ang storyang ito.
__
Yakanemori

BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
FantasyHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...