"Aire! Bumalik ka rito." hindi ko pinansin ang sigaw niya bagkus ay minadali ko nalang ang pagtakbo ko.
I really hate her, not only her, but also him. Why do I need to be there? Bakit ba kailangan turuan pa nila ako? Damn.
"Air,come on. Show yourself!" sigaw nila sa akin. Imbis na lumabas ako sa pinagtataguan ko ay nanatili lang ako sa taas ng puno habang pinagmamasdan sila sa baba.
Dahil sa na-enjoy ko na panuorin ay hindi ko napansin na may baging na pumulupot sa katawan ko.
"Found him!" sinimangutan ko siya ngunit tumawa lamang siya sa akin. Pinilit kong magpumiglas pero hindi ko magawa hanggang sa makalapit na sila sa akin ng tuluyan. Isang pingot agad ang natanggap ko sa kanya.
"Hindi ka parin nagbabago sa pagiging matigas ang ulo mo."
"How many times do I have to tell that stop treating me like a kid. I'm not a kid." tumawa lamang siya at pinakawalan ang aking tenga.
"You're still a kid Air. You're just 7 years old. Hindi ka namin basta mapapabayaan hanggang hindi ka pa tumuntong sa tamang edad." pangaral naman ng lalaking kinaiinisan ko.
"Why don't you just tell me why I died?" natahimik silang tatlo. Nagkatinginan. Nawala narin ang nakapulupot na baging sa akin dahilan para makaalis ako. Sumabay ako sa hangin para hindi nila ako makita.
I hate it. Bakit ayaw nilang sabihin sa akin ang nangyari? I was reincarnated. I died 100 years ago and then I came back. I just woke up na kasama ang tatlong iyon. Ang diyos ng apoy, ng lupa at ng tubig. They treat me as if I'm their younger brother and I hate it. Bata ako sa panlabas na anyo pero alam ko na sa edad kong ito, hindi ako bata mag-isip.
Pumunta ako sa lugar kung saan konti lang ang tao. Ang batis. Sa paglipas ng panahon, ganun din ang paglupit nito. Sabi nila, maganda ang batis na ito noon, but now, I don't know. I hate humans. They're all the same. They didn't know that because of them, we're suffering.
Nakatingin ako sa batis kung saan may mga basurang lumulutang dahil narin sa mga tao. Wala na akong makitang ni-isang tao na naliligo rito dahil sa dumi.
Sa lalim ng iniisip ko ay nabigla ako nang bigla akong may marinig na iyak ng bata. At first, it was just sobbing until later on, malakas na ang pag-iyak nito. Hindi ko na mapigilan ang lumapit sa pinanggalingan ng tunog. I found her hugging a small creature. It is a rabbit at sa tingin ko ay may sugat ito.
Nabigla ako nang humarap sa akin ang umiiyak na bata. Nabahiran ng luha ang kanyang maliit na mukha. Biglang kumilos ang katawan ko at nilapitan siya.
"I think I hurt this tiny creature." aniya at pinunasan ang luha sa kanyang mata. Binigay niya ang rabbit sa akin at malubha nga ang kalagayan nito. Gusto ko siyang patahanin at sabihing magiging ayos lang ang lahat.
"H-hindi ko naman sinasadya eh."
"No ones blaming you." hindi ko napigilan ang tono ng aking boses. Tiningnan ko siya at nakita ko na mas lalo siya nasaktan.
"H-h-hindi ko naman talaga sinasadya eh! Hindi ko alam na masasaktan ko ang rabbit na yan! But I can't stop blaming myself parin!" I tried my best na pagalingin ang rabbit na hindi niya napapansin. Hindi naman ako nagkamali, lumukso ang rabbit papalayo at nakita ko ang gulat sa mukha ng batang nasa harapan ko.
"Y-you save that rabbit?" hindi ako sumagot at tumingin lang ako sa malayo.
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. She hugged me tight.
"You're a hero!" masayang sabi niya. Agad akong lumayo sa kanya ngunit hindi parin maalis ang ngiti sa kanyang labi.
"I'm Livitha. Ikaw? Anong pangalan mo?" matagal akong nakasagot dahil nakatingin lang ako sa maamo niyang mukha. Sa hindi ko alam na dahilan, parang kilala ko siya.
"Air."
--WAKAS--
__
Yakanemori
BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
FantasyHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...