Kabanata 29

1K 51 3
                                    

Bigla akong napabangon habang habol ang aking hininga. Tagatak ang aking pawis na parang kakatakbo ko lamang. Panaginip lang ba ang lahat? 

Inilibot ko ang aking paningin at nakita wala ako sa aking kundi nakikita ang buwan. Habang tumatagal ay may nalalasahan akong kakaiba sa aking bibig. Malansa iyon at hindi ko naiwasang punasan ito at nang tingnan ko kung anong likido ang nasa kamay ko, dugo ito. 

Doon ko napagtanto na hindi panaginip ang lahat. Totoo ang lahat na nangyari.  Si Ice na siyang hari ng kadiliman, ang pagkamatay ko at ang  pagkakita ko kay Amorra na hindi ko maintindihan. I should be dead, pero bakit ako nandito? Why I am still here? 

I tried to pinch my cheeks so that I  can know if this is real. Masakit at alam ko sa sarili kong totoo. 

But still I don't get it.

"Vitha..." hindi ko na kailangan lumingon pa para malaman ko kung kanino ang boses na iyon. Biglang may namuong butil ng luha sa aking mga mata. Masaya ako, masaya akong buhay ako. Masaya akong buhay siya. Hindi nagtagumpay si Ice sa plano niya. 

"Vitha." he called me once. Hindi ko na maiwasang hanapin ang mukha niya. Sabik akong makita ang mahal ko. Akala ko ay nasa likod ko lamang siya pero hindi. Wala akong nakita sa likod ko at kahit sa buong paligid ko lamang.

"A-Air?" hindi pa ganun kabuo ang boses ko at nakaramdam ako ng uhaw. Binalewala ko ito at hinanap ng mata ko na makita si Air. 

"Vitha." mabilis akong lumingon kung saan nanggagaling ang boses pero wala rin siya doon.

"Vitha..."


"Air!" hindi ko na napigilang isigaw ang pangalan niya sa pagitan ng aking pag-iyak.  "Magpakita ka na sa akin. Nasaan ka ba?" hinintay ko na may sumagot pero wala. "Air! This is not funny!" muli kong sigaw pero wala parin. This is making me insane. Bakit hindi maganda ang kutob ko? Pero hindi...hindi niya magagawa yun. Hindi niya ako iiwan. Hindi niya magagawang iwan nalang akong mag-isa.

Kahit masakit ang ibang parte ng katawan ko ay pinilit ko parin na makatayo at umalis sa batong kinauupuan ko. Naramdaman ko ang lamig at kakaibang hangin. Para itong naghihinagpis base sa pag-ihip nito. Kahit nanghihina ay pumasok ako sa loob ng gubat. Sa tingin koay naging sensitibo ang aking pandinig. Halos lahat naririnig ko, ang tunog ng tuyong dahon, ang huni ng mga uwak  at kung ano-ano pa. 

Habang naglalakad ay pabigat ng pabigat ang dibdib ko dahil sa kaba. Napuno na nang kung ano-ano ang isip ko.

Pano kung may nangyari sa kanya? Then all of a sudden, bigla akong may naalala. What Amorra said on my dream. Kung panaginip ba talaga yun o totoo.

  "No, you're not dead. He sacrificed his life."   

Bigla akong nanghina at napaluhod. Sana hindi iyon totoo pero alam ko sa sarili ko na nagsisinungaling ako. Who am I kidding? I know to myself that it was real. I should be dead. I should be. But he saved my life and it cost his own life. He sacrificed himself kaya wala siya sa tabi ko ngayon.  That's the truth. He's gone. 

Pero hindi ko kayang tanggapin. I just can't  easily accept that he's gone. Ayokong tanggapin na iniwan na niya ako. He didn't even said goodbye to me. I want to see him. I want to see him badly. 

Hindi ko na mapigilan ang mapaiyak nang malakas habang tinatawag ang kaniyang pangalan. Sumasabay sa pag-iyak ko ang lakas ng hangin. How I wish na siya yan. Na siya ngayon ang nararamdaman kong hangin.

"Vitha." kung sana lang ay totoo ang mga naririnig ko. Kung sana lang ay nandito siya.

"Vitha." I really miss him. Kung pwede ko lang siyang mayakap ngayon.

"Vitha, please look at me." naramdaman ko ang malamig na bagay na lumapat sa aking pisngi. Para lamang itong hangin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. I saw him...si Air.

Pero hindi siya si Air--I mean, si Air siya pero hindi siya tao. Para lamang siyang hangin. Hindi ako makapagsalita. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. He's also staring at me. Ilang minuto na walang nagsalita sa amin. Hanggang sa di ko na mapigilan na yakapin siya. Pero imbis na si Air ang mayakap ko ay ang lupa ang yumakap sa akin. Napaluha ako.

"A-Air." tawag ko sa kanya. Pagkatingin ko sa kanya ay may lungkot sa mga kanyang mga mata. Ngumiti ako sakanya at tumayo ako para salubungin siya. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng aking palad at ngumiti ng malapad sa kanya.

"I-I knew it. You're alive." alam ko sa sarili ko ang totoo pero pilit ko parin pinapaniwala ang sarili ko. He's still alive. Nasa harap ko siya ngayon.He's still here infront of me. 

Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"You're really beautiful." hindi ko maiwasang hindi mapatawa nang mahina. Kumunot ang kanyang noo sa akin. "What's funny?'

"Sa tagal nating magkasama, ngayon ko lang narinig sa'yo ang ganyan."  nakisabay na rin siya sa pagtawa ko at hindi ko na napigilan, hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Agad kong tinakpan ang bibig ko para hindi niya mahalata. Bigla siyang tumigil sa pagtawa at tanging hikbi ko nalang ang maririnig sa paligid.

"I'm sorry." aniya na mas lalo kong kinaiyak.

"A-ang daya mo." pinunanasan ko ang luha ko pero wala ring silbi dahil may nagsilabasan na naman na ilang butil sa mata ko. Damn this tears.

"Ang daya-daya mo. Ano? Iiwan mo nalang ako m-mag-isa? Air naman eh." I tried to touch him or punch him pero hindi ko parin siya mahawakan. "Hindi ka naman mawawala diba? Hindi mo naman ako iiwan? Siguro nga hindi kita mahahawakan pero nandyan ka parin diba?" he didn't answer at nakatingin lang ito sa akin. "Diba? Dito ka lang sa tabi ko?" 

"Vitha,my time is limited. I should be gone after the ritual.  Pero nakiusap ako na makausap ka." mapakla akong tumawa.

"You're kidding me." again, I tried to touch him pero wala ring kwenta.

"You're kidding me. Ano pang saysay ng buhay ko kung wala ka? Ano pa?" I almost whisper. Hindi ko na kaya. Ang sakit na masiyado. Physical and emotinally.

"Vitha, I know, it's hard. Ayoko rin na iwan ka. Kung sana lang...kung sana lang ay nailigtas kita sa kanya-"

"It's not your fault Air. It was my fault. I trusted a wrong man."  Hinawakan niya ang pisngi ko pero lamig lang ang naramdaman ko. Nakikita ko rin na parang naglalaho na siya at yun ang kinatatakot ko, ang bigla nalang siyang mawala sa harap ko ngayon. 

"Don't blame yourself, always remember that." I try to nod and smiled.

"Ayoko." napayuko ako dahil ayokong makita niya akong umiiyak even though alam kong nakita niya ang malakas na pag-iyak ko kanina.

"Ayokong umalis ka." I said between my sob. "Ayoko. Ayoko. H-hindi ko kayang tanggapin 'tong pangalawang buhay na 'to kung...kung iiwan mo rin ako."

"Vitha, look at me." I didn't. Ayokong tingnan siya. "Look at me." pero hindi ko kinaya. Tumingin ako sa kanya. Ang lapit na niya sa akin. Nakatingin lang kami sa isa't-isa at alam ko na hindi na siya magtatagal.

"Vitha, live. Live for me. I beg you. I want you to be happy-"

"Pa'no ako magiging masaya kung wala ka? Sabihin mo sa akin kung paano?" 

"Vitha, for me. Please. Promise me." umiling ako.

"I-I can't. I should be dead. I should be the one who's dead instead you." pagmamatigas ko.

"I love you. Promise me. Promise me, Vitha, promise me." and then I saw his tears falling from his cheeks. "You need to promise me. Live." naramdaman ko nalang ang paghalik niya sa akin. Napapikit ako at dinamdam ang kanyang labi. 

And then I made my decision.

Nang muli kong imulat ang aking mata ay wala na siya. Ako na ang ang mag-isa sa gubat. Nakaramdam ako ng panlalamig at bigla akong nanghina. Napaluhod na lang ako.

"I-I promise."

__

Yakanemori

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon