Kabanata 14

1K 58 0
                                    

Dark....

Minulat ko ang mga mata ko at naramdaman ko na maliwanag. Agad rin naman akong napapikit at tinakpan ng mga kamay ko ang mga mata ko.

Bumangon ako sa kama--panaginip lang ba yun? Seryoso?
Pero parang totoo. Mabuti nalang at panaginip lang iyon at pasalamat na rin ako dahil hindi ako inatake.

"Vitha, kumain ka na ng breakfast mo." aniya at may inaayos sa maleta. Siguro ay luluwas na naman si mommy sa manila para may ipasang  manuscript.

Anong araw ba ngayon?

"My,anong araw ngayon?" tanong ko at dumiretso sa kusina.

"Sabado 'nak." rinig kong sigaw niya mula sa sala.

Tininingnan ko kung anong pagkain. Hotdog,egg at fried rice ang nasa lamesa.

"Nasa'n si Arueza,my?" tanong ko ulit sa kay mommy. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng tubig sa fridge.

"Nasa labas,nakikipaglaro kay Troy." aniya. Bati na sila ni troy? That's good.

Kumain na ako nang mabilisan at lumabas ng bahay para tingnan kung nasaan si Arueza. Nakita ko nga sila sa labas ng bahay at hindi lang si troy ang kasama niya kundi marami sila. Kasama niya na rin yung Quel. Kahapon,magkakaaway pa sila pero ngayon magkabati na. Bata nga naman.

"Arueza!" tawag ko sa kanya. Tiningnan niya ako at lumapit sakin.  Pawisan ito at dahil sa pakikipaglaro niya ng mata- mataya.

"Yes ate?"

"Aalis na daw si mommy." sabi ko sa kanya. Agad naman siyang pumasok sa bahay para magpaalam kay mommy.

Hinatid ko si mom hanggang sa terminal ng tricycle. Naiwann naman si Arueza na nakikipaglaro sa bahay.

"Alagaan mo ang sarili mo Vitha,pati na rin ang kapatid mo." humalik ako sa pisngi ni mommy bago siya umalis. Pagkaalis niya ay siyang pagbalik ko sa bahay. Wala na sa labas sina Arueza at ang iba niyang kaibigan marahil ay nasa loob sila.

Pagbukas ko ng pinto ay rinig na rinig ko ang mga tawanan ng bata. Nasa sala sila at naglalaro ng mga laruan. Hindi na katabi ni Arueza si Trevor dahil yakap-yakap ito ni Quel.

Umakyat ako ng kwarto ko at mabilisang nilock iyon. Hinagilap ng mata ko ang aking bag sa loob ng kwarto.
Kinuha ko ito at inalis lahat ng gamit sa loob. Notebooks,notes,pencil case,eraser,glue and a rectangular box? Oh wait! Ito yung binigay sa'min ni Aurum noong nanalo kami ni Ice?

In-open ko ang box at yung ballpen ang tumambad sa'kin. May nakaengrave doon na 'Livitha'
Tama nga ang hinala ko.
Totoong kilala ko sila.

Pero bakit ganoon iba ang pakikitungo nila sa'kin? Bakit kung umasta sila ay di nila ako kilala?
Kailan ba ito nagsimula? Noong pagpunta ko sa bahay ni Aurum pero wala akong maalala ni isa pagkatapos noon! God! What is happening?!

May itinatago ba sila sa akin? Kung ayaw nila akong pakialaman ay ako ang tutuklas nito.

Dumating ang lunes at maaga kaming pumasok ni Arueza. Siguro mga alas singko ay nasa school na kami.

Wala pang gaanong tao sa room. Sina Ice at Venus lang ang nandoon. Si Ice ay naglalaro sa cellphone niya habang si Venus ay nagbabasa ng libro.

"Good Morning, livi!" bati sakin ni Ice na may pakaway-kaway pang nalalaman.

"Good morning." nginitian ko siya at gayun din si Venus na inilihis ang tingin sakin.
Umupo ako sa upuan ko at tiningnan ang field. Walang naglalaro ni isa sa field. Ang aga pa kasi.

May nahagip ang mga mata ko sa isang puno sa  field. There was a two man standing there. Mukhang nag-uusap sila at talaga namang hindi ko makakalimutan ang pigura ng dalawa. It is Aurum and Air. Nakatalikod sa'kin direksiyon si Air at nakaharap naman si Aurum.

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon