Paalala: Medyo magulo ang kabanata na ito. Kailangan nang malawak na pag-iisip. Salamat.
___
Anong nangyayari?
Simula nong lumipat ako sa bayan na ito ay nagbago na ang buhay ko.
Pakiramdam ko ay mas maaga pa akong mamatay kung nandito ako.
Pakiramdam ko ay sinundan na ako ng disaster.
Gusto ko lang naman ng simpleng buhay. Ayoko na na maguidance ako kagaya noong last year. Ayoko na rin uminom ng alak at manigarilyo.
But damn! I just want to live! Bakit pakiramdam ko hindi ako nararapat sa lugar na ito at may taong pinapaalis ako.
"This is your fault!"
"I did'nt know na mangyayari ito!"
"Damned this plan Aire! If someone might happen to her, hindi na ako mananahimik sa tabi. Papatayin ko na 'siya'!"
Voices....
Voices....
Voices....
Differrent voices....
I feel my chest burning....
Mukhang hanggang dito nalang ata ako...hindi ko man lang nalaman ang totoo.
"Vi,bumalik ka sa'min."
"Vitha,don't die...Don't die....Stay."
The next thing I know ay nasa ospital ako. Hindi ko alam kung anong nangyari at kung bakit ako nandito. I heard my mother calling a doctor.
"Ayos ka na ba Vitha?" it was my dad's voice. Kahit pakiramdam ko ay inaalon ako ay iminulat ko parin ang aking mga mata. Nakita ko ang mukha ng mga nag-aalalang magulang ko.
Naramdaman ko na chinecheck ako ng doctor at mga nurse. Pagod na pagod ang katawan ko. Akala ko mamatay na ako...
"M-m-my? Bakit nandito ako?" taning ko nang maramdaman ko na wala na ang doctor at nurse.
"Pinag-alala mo kami anak." niyakap ako ni mommy at inawat naman siya ni daddy dahil baka hindi daw ako makahinga.
"Nahulog ka sa hagdan ng school niyo." oo nga,nahulog ako sa hagdan dahil ang alam ko ay nahihilo ako.
Ngayon ko lang naramdaman na may benda ang noo ko.
Masakit rin ang tuhod at siko ko."Magpahinga ka na muna anak." marahang kong ipinikit ang aking mga mata at nilamon ako ng kadiliman.
___
Malamig...nasa tubig ba ako? Binuksan ko ang mga talukap ko at agad rin naman na napapikit ako dahil sa sinag ng araw.
Isinangga ko ang braso ko bago muling ibukas ang mata ko.
Napaawang ang bibig ko nang makitang nasa isang paraiso ako. Isang twin falls ang nakikita ko. Napakalinaw rin ng tubig!
Ang ganda! Wala pa akong nakitang ganitong tanawin.
Agad na napaluhod ako sa tubig dahil nakaramdam ako nang pagkahilo.
May mga imahe ang lumalabas sa utak ko at pilit nitong pinapaalala sakin.Isang babae't lalaki ang tumatawid sa ilog habang buhat ng lalaki ang isang babae. Nagtatawanan ito at mukhang masaya.
Mas napahawak ako sa ulo ko at halos masabunutan ko na ang sarili ko dahil ang babaeng buhat nang lalaki ay ako. Wala akong maalala! Wala akong maalala!
Nagsimula nang magbago ang scenario...may mga nakikita ako nakacloak na lalaki habang nakangisi ito na nakatingin sa babae--hindi! Ako ang babaeng iyon!
May inilabas ang lalaki sa kamay nito. Isang anino na pumulupot sa katawan ng babae (ako iyon). Hindi ko maalala ang scenario na ito! Paanong nangyari ito?!
"Stop! Stop it!" sigaw ko nang makita kong nahihirapan na ang sarili ko. Hindi man lang niya ako pinansin at hindi niya ako nakikita.
Nagbago ulit ang scenario.
"T-teka,a-a-anong nangyari sa sarili ko? A-anong nangyayari?"
naguguluhang tanong ko sa sarili ko. Napapaluha na lang ako sa nangyayari.Napatingin ako sa buong paligid. Library naman ngayon.
"Problema mo?" nakikita ko na naman ang sarili ko habang may kausap na lalaki. Hindi ko makita ang buong mukha nang kausap ko sapagkat nakatalikod ito sakin.
"Aurum is dangerous." Aurum? S-sino yun? Sinong Aurum? Nakita ko ang galit sa mata ko nung sinabi iyon nang kausap ko. Mukhang kilalang-kilala ko nga ang Aurum na tinutukoy nito.
"Alam mo,sarili mong kambal hindi mo pinaniniwalaan. What brother you are?" W-what?
"He's not my twin." matabang na sabi nang kausap ko.
"Kung masama nga siya at mamatay tao,edi sana wala na ako ngayon sa harapan mo." aktong tatalikod na ang sarili ko dito pero mabilis na hinigit ng lalaki ang kamay ko at isinandal sa bookshelf. Ikinulong niya ang sarili ko (yA/N: pinapanood dito ni Livitha ang sarili niya guys.)
"You don't know anything." himig ko ang seryosong tinig ng lalaki. Nasapo ko ang bibig ko nang makitang hinalikan ng lalaki ang aking labi! Oh my god!? Wala akong maalalang may humalik sa akin?! Wala! H-how?
"A-ano bang problema mo? B-bat mo ako h-hinalikan?" sabi ng sarili ko sa lalaki. Hindi ko na alam ang gagawin ko?! Bakit ko napapanuod ang mga hindi pamilyar na scenario na nangyari sa'kin.
"At ginantihan mo ang halik ko sayo." nahilo ako at nagbago na naman ang scenario. Para akong sinakay sa Extreme na ride at halos masuka-suka na ako.
Madilim. Wala akong makita. Nasa'n ako? Ayoko sa dilim. Bangungot ba ito? Ano ba talagang nangyayari sa akin?!
"E-elery,please...buksan mo ito." boses ko na naman ang narinig ko. Mukhang nahihirapan ang sarili ko dito. Parehas kaming nahihirapan dahil ayoko sa dilim! Wala ni isang bintana ang nakabukas? Am I dreaming? Please wake me up from this nightmare.
"P-parang awa niyo na...Nagmamakaawa ako... buksan niyo ito." rinig kong pagmamakaawa ng sarili ko habang mahinang kinakalampag ang pinto. Sino ang nagkulong sakin dito? Bat wala akong maalala?
"S-sino ka?" kumabog ang puso ko dahil akala ko ako ang kausap ng sarili ko pero hindi. Nakakita ako na namumulang mata ngunit hindi ito nakatingin sa akin. Tanging kumikislap lang na mata niya ang ang nakikita ko.
Nanghina ang tuhod ko at napahiga sa sahig. May naririnig ako na boses ng babae. Ibang lenguwahe ang sinasabi niya.
Napasigaw ako sa sakit ng ulo ko. Parang pinipiga ito. Hindi pa ako nakaranas na ganitong sakit ng ulo.
"AAAHHH!! TAMA NA! MASAKIT!!" lahat nang nakita ko kanina ay pilit ipinapasok sa utak ko. Ang sakit....sobrang sakit!
"Memoria! Stop it! Nasasaktan na siya!"
"Shut up! Gusto mo bang tuluyang mamatay ang babaeng ito?" wala akong balak tingnan kung sino ang dalawang nagtatalo dahil masakit ang ulo ko! Para itong binibiyak! Mas masakit pa ito pag inaatake ako.
Narinig ko na naman na bumubulong ang babae sa hangin na dumidiretso sa tenga ko na mas lalong nagpasakit dito.
Napahikbi nalang ako sa sakit.
"T-tama na..." nauubusan narin ako ng boses.
"Damn! Stop doing this to her,Memoria!"
"Memoria,it's too much."
"Stop it."
Natahimik ang lahat. Wala akong marinig. Bingi na ba ako? Damn!
Pero isa lang ang alam ko...
....
Naaalala ko na ang lahat.
__
Yakanemori

BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
FantasíaHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...