Kabanata 25

997 48 0
                                    

"Paano?" napahilamos ako sa aking mukha. Bakit ngayon pa nasira?

"It was okay when I checked it yesterday." sabi ni mommy na mukhang nas-stress din.

Alas-dose ang alis ng barko. Ilang minuto nalang at mag-aalas dose na. Hindi ako pwedeng magtricycle dahil ang p-problemahin ko naman ay kung paano ako makakasakay ng bus papuntang manila.

"Hindi ba pwede na ipagpabukas nalang 'nak?" tanong ni mommy. Umiling ako bilang sagot.

And then, I remember na may last trip pa pala dito. Kaya lang alas-sais na nga lang. Siguro pwede namang maayos agad ito.

"I'll go with the last trip." tumango si mommy.

"Sige, tatawagan ko lang si tito Ramon mo para ayusin ang van." tumango nalang ako. Iniwan ko ang maleta sa sala at bumalik ako sa kwarto.

Napatigil ako sa pagbukas sana ng doorknob ng maalala ko na baka nasa loob pa si Air.

Umiling nalang ako at bumaba ulit ng sala.
Nag-iwan ako ng notes sa ref para sabihing aalis lang ako.

Tanghali nga pero hindi naman ganun kainit. I have 6 hours bago umalis ng lugar na ito.

Sa'n naman ako pupunta ngayon?

"Livi." napatingin ako sa boses na iyon. Kabisado ko na ang boses niya at isa yun sa hindi ko makakalimutan.

"Aurum." agad niya akong niyakap. Damn. I also miss my bestfriend.

"I know what you're thinking Livi. I know." kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"I'm just doing this for...myself."  mas pinili ko na lang na magsinungaling.
Mas gugustuhin ko na magalit sila sa akin kaysa malaman nila ang totoo.

"You forgot that I'm a god, Livi. I can read minds." wala rin palang kwenta ang pagsisinungaling ko.

"Ginagawa ko lang ito Aurum para sa ikabubuti ng lahat. You know our love is forbidden."

"Alam ko. And both of us know kung anong mangyayari kapag pinagpatuloy niyo ito..."

"One of you will die..." may namumuong luha na naman sa mata ko. Alam ko naman kasi yun eh. Pero masakit lang talaga eh.

"And if Air will die, many people will suffer."

"Walter is different from Air. 10 years ago, muntik ng mangyari ang kinatatakutan namin. Ang mawala siya. 10 years ago, nagsuffer din ang mga tao rito sa Los Mabalos. Tumigil ang pag-agos ng tubig. Kung may makukuha ka namang tubig ay asahan mo na may kaakibat itong lason na papatay sa katawan mo."

"And we don't want to repeat the history again, Livi."

"Naiintindihan ko ang desisyon mo. You're just doing this for everyone's sake. And that's why I'm proud of you." pilit akong ngumiti sa kanya.

Muli niya akong niyakap. Kahit naiiyak ako ay hindi ko ibinuhos. Di bale na lang na itago ko ito.

Ilang minuto pa at nagkwentuhan kami hanggang sa napunta ang usapan namin sa kanyang lovelife.

It's such a tragic though.

"I still remember, Elexy. She died also." nakangiti siya pero alam kong hindi iyon totoo.

"She died because of me. To tell you the truth. Elexy is the reincarnation of Elery." napaawang ang aking bibig sa narinig.

"Y-you mean..."

"Elexy is my lover when I'm still a human. It's way back 1990's."

"You're once a human?" tumango siya sa akin.

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon