What happened to Aurum?
"AURUM!!" sigaw ko para mabaling ang atens'yon nang hayop sa akin.
"Mortal." nabigla ako nang magsalita ito. Kita ko sa mata nang hayop na sabik akong kainin nito. Pa'nong nakapagsasalita ang isang hayop?This can't be! This can't be! I'm just dreaming!
Patakbo itong pumunta sa'kin. Naglalaway ang pangil na nakalabas sa kanyang bibig.
Akala ko ay tuluyan na itong makakalapit sa'kin ngunit may pumulupot uli ditong ugat ng puno. Hindi ko parin alam kung saan nanggaling ang mga ugat na yan na pilit pumipigil sa hayop. Ngunit hindi nagpaawat ang hayop at nagwala ito. Napigtas ang mga ugat at malaya itong tumakbo papunta sakin.
Dumadagundong ang lupa dahil sa bigat niya."Don't touch her!" rinig kong sigaw ni Aurum pero nasa harapan ko na ang halimaw. Dahil sa masakit ang paa ko ay di ako makatayo. Di ako makapagsalita dahil sa kaba at lamig galing sa laway nang hayop na nasa harap ko.
Binuka nito ang bibig nito at handa na akong kainin. Hinarang ko ang dalawang braso ko bilang panangga. Pero anong laban nang braso ko sa mabangis na hayop na ito?
"AHHHHHHHH!!!!"
"Ate! Ate! Wake up!" napabangon ako sa boses ni Arueza. Habol ko ang hininga at hawak ang leeg ko dahil nararamdaman ko parin ang pangil nang mabangis na hayop.
"I-I-I can't b-b-reath..."
"Mommy! Mommy! Inaatake si Ate!"
I can't breath...
I can't breath...
Damn! Malabo...
Malamig...
I feel my chest burning.
"Come back."
boses na naman niya ang naririnig ko. Ang lalaking nasa panaginip ko noon.
Narinig ko ang boses ni mom. Bago ko ipikit ang mata ko,may nakita akong itim na anino na nakatayo sa balcony.
Buwan...
Bilog na buwan ang nakita ko.
Tumayo ako at kinapa ang sarili ko.Buhay pa ako.
Pero...nasan ako?
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. It was so dark. Humahampas ang hangin sa mukha ko.
Isang twin falls ang nakita ko. And then, I remembered this place. Dito ako dinala ni Air noon. Pero pa'no? Pa'nong napunta ako dito?
"Vitha..."
"Vitha..."
"Vitha..." different voices came into my ears. Hindi ko alam kung sino sila. Pero tinatawag nila ako.
Nagulat ako ng may isang lalaki ang nakatayo sa harap ko. Ang lalaking nasa panaginip ko noon.
He's wearing a light blue longsleeves and brown pants. Nakasuot parin siya ng maskara sa mukha but I can see his eyes looking at me.
"Leave this place,Vitha." marahas akong tumayo at naramdaman ko ang sakit nang binti ko. Siguro dahil sa panaginip ko kagabi.
"Sino ka ba?" tanong ko. Si Aurum ba siya? Pero bakit parang hindi? Sa loob ng ilang linggo na magkasama kami ni Aurum ay naramdaman ko na ang presensya niya. Ang amoy niya,ang kulay ng mata niya, at maging ang katauhan niya. Bakit pakiramdam ko ay hindi ito si aurum?
"You don't need to know me. Just leave this place before it's too late. You're attracting them."
"Who? Sino ang na-aatract ko? What the hell is your problem?!"
BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
FantasyHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...