A/N: I will be busy this days guys. Hindi muna siguro ako makakaUD. :)
____
Field Trip: Torre De Promesas
"Kumpleto na ba tayo guys?" tanong ni Ma'am Cordova habang hawak nito ang attendance niya.
Ngayong araw ang field trip. Alas sais nang umaga ang alis namin.
Tatlong bus lang ang ginamit sa buong highschool. Yung iba kasi hindi nagbayad dahil may kamahalan at yung iba naman ay hindi pinayagan dahil overnight daw."Si Amihan, wala pa po rito." oo nga at wala pa rin ang diyos ng hangin na iyon dito. Panigurado ay late na naman iyon.
Sa loob ng isang buwan ay naging maayos naman ang lahat. Matapos nung pag-uusap namin ay balik na naman siya sa pagiging masungit pero atleast kinakausap na niya ako.Si Aurum naman ay balik na kami sa dati na bestfriend ko. Tinanong ko kung sino si Elexy at kung nag-aaral ba ito sa Los Mabalos High School. Malungkot siyang ngumiti sa akin at sinabi niyang yun yung tinutukoy niyang ex niya nagpakamatay. Hindi ko sure kung ano talaga ang ugali nitong si Elexy dahil yung nangyari sa akin noong nagpakitang girlfriend ni Aurum ay mataray. Pakiramdam ko ay mabait ito.
"Si Venus Arovera rin po." napatingin kami kay Ice. Nakapagtataka naman na ang nerdy namin sa klase ay mal-late. Siya nga palagi ang nauuna sa pagpasok sa klase kaya siya ang humahawak ng susi.
"Hintayin na lang natin sila sa loob ng 20 minutes. Pag hindi pa rin sila dumating rito ay wala tayong magagawa kundi iwan sila." paliwanag ni Ma'm.
"Pumasok na kayo sa bus." utos ni ma'am. Isa-isa kaming pumasok sa bus. Umupo ako sa malapit sa bintana sa gitna. May mga kasama kaming ibang section pero nasa unahan sila at kaming section ay nasa hulihan.
"Livi,dito na ako sa tabi mo ah." hindi pa ako pumapayag ay umupo na agad si Ice sa tabi ko.
"Sige lang." sabi ko at isinalpak ang headset sa tenga ko.
Ang tagal naman ni Air. Nalate ba talaga siya? Wala namang nangyari diba?Napabuntong-hininga ako dahil sa mga pinag-iisip ko.
15 minutes nang dumating ang dalawa na magkasabay.
Bakit sila magkasabay.
Si Venus na mukhang tumakbo pa at si Air na mukhang kakagising lang."Uyy! Yung dalawa."
"Anmeron sainyo ah?"
"Kayo ah."
"Amin-amin din."
Pang-aasar ng buong klase kaya napatingin sa amin ang ibang section.
Namumula si Venus habang si Air ay parang wala lang reaction.Tumingin siya sa akin sumunod kay Ice na...nakasandal sa balikat ko! Natutulog siya habang may headset na nakasalpak sa kanyang tenga.
Agad kong ginalaw ang balikat ko para magising siya."Natutulog lang naman ako, Livi eh." nakangusong sabi nito at isinandal ulit ang ulo nito sa balikat ko.
"Alis." malamig na utos ni Air kay Ice. Ngumisi lang siya kay Air at hindi siya mas lalong isiniksik ang sarili sa akin. Todo iwas naman ako.
"Maupo na kayo at aandar na ang bus." hindi parin umuupo si Air at masamang nakatingin siya kay Ice na nakangiti habang nakapikit.
"A-air,dito ka nalang sa tabi ko." mahinhin na sabi ni Venus. Nasa tabi lang namin ang upuan nila.
Walang nagawa ang diyos ng hangin na umupo sa tabi ni Venus. Bakit hindi nalang kasi siya tumabi sa grupo nila Elery. Nandun sila sa dulong-dulo.Hindi nagtagal ay umandar na ang bus. Ginigising ko si Ice dahil hindi ako komportable sa posisyon namin.
"Ice,umayos ka nang upo." umayos siya nang upo at nag-unat pa ang mokong.

BINABASA MO ANG
Air (COMPLETED)
FantastikHighest rank: #371 (Forbidden Love Series #1) Lumipat ng bahay ang pamilyang Elleanor dahil sa sakit ng anak nilang si Livitha. Mahina ang puso ni Vitha kaya't kailangan niya ang lugar kung saan malinis at walang pollution. Akala niya ay magiging t...