Kabanata 26

1K 44 2
                                    

Halos ihip lang ng hangin ang naririnig ko. Nasa lilim kami ng puno ng mangga habang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

"What do you want to talk about?" panimula ko dahil mukhang wala naman siyang magsalita.

"About what you said earlier. I want to clarify to you that it's not true." aniya. Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siya na magsalita.

"You don't have the right to say that to Walter because in the first place, wala ka pa dito 10 years ago."  base sa boses niya, nahihimigan ko ang pag-aalala niya kay Walter.

"He tried. He tried so much. He tried to save her lover but it's too late. Do you think we wanted to be a god and serving selfish people like you?" napalunok ako sa sinabi niya. Narealize ko na tama siya. Hindi nga siguro biro ang maging isang diyos.

"Agua really loves Amora." mapait na sabi niya. Nang tingnan ko ang kanyang mata ay may papalabas na itong luha.

"And I know he still blaming himself why Amora died."

"You love him..." hindi ko napigilan ang aking sarili na sabihin iyon. Nagulat siya sa sinabi ko pero agad din siyang ngumiti.

"I love him. But I know...I know I can't replace her." aniya at tumalikod na sa akin.

"I'm sorry. Hindi ako nag-iisip kanina. Hindi ko iniisip ang mararamdam niya. I'm sorry kasi dumating pa ako rito." hindi siya sumagot. Hindi rin siya lumingon sa akin.

"Hindi ka dapat magsorry sa akin... Sa kanya mo yan sabihin." aniya at may itinuro. Pag tingin ko sa kanyang itinuro ay nakita ko ang nagyeyelong mga mata ni Walter. Behindi his eyeglasses, behind those cold eyes, alam ko na...alam ko na nasasaktan siya.

"You know what Vitha, hindi ako nagsising nakilala kita. You're here for a reason for sure." aniya at biglang naglaho sa hangin.

Tahimik...hindi ako makatingin kay Walter dahil sa nahihiya ako sa sinabi ko kanina.

"I-Im sorry..." nauutal na sabi ko.

"I guess you're right." aniya sa malamig na tono. "I'm the reason why my beloved died." pagpapatuloy niya pa. Hindi ako makatingin sa kanya.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi ko kanina. It's not your fault."

"Yeah, it is." sagot niya sa akin. Ilang metro ang layo ko sa kanya.

"If I was just brave enough that time, maybe...maybe she's still alive. I'm so coward, didn't I Livi?"

"Y-you just did the right thing." sagot ko sa kanya.

"Serving humanity is my curse." hindi ko na mapigilang tingnan siya.
"I just wanna live like just a normal man. Having a happy family and a kid. But it's all forbidden."

"Nabuhay kami para sa tao..." dugtong niya pa.

"I guess Amora is happy right now. Maybe she's proud of you." kita ko ang paglambot ng expression ng kanyang mukha.
"Nakikita niyang ginagawa mo ang trabaho mo." I added.

"And yes, you're right... I should leave immediately before it's too late." tumalikod na ako at humakbang papalayo.
Hindi ko na  mapigil lumuha. Kusang nagbalik sa isipan ko yung mga nangyari ngayon.

"All you have to do is do the right thing." bulong ko sa aking sarili.

Nakarating ako sa bahay. I have only 2 hours bago ako umalis. Pumasok ako ng kwarto at hindi ko nakita ang inaasahan ko.

Humiga ako sa aking di kalambutang kama. Hinayaan ko lang na lumandas ang aking luha sa aking pisngi.

Natigil ako sa pag-iyak ng may biglang kumatok sa aking pinto.

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon