Kabanata 5

1.3K 71 1
                                    

Stalker

"Nandito na kami!" sigaw ni Arueza sa loob ng bahay pagkarating namin. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Masyadong masama ang araw ko ngayon.

"Musta school?" tanong ni mommy. Humalik kami sa pisngi niya.

"Perfectly fine. Umiyak si arueza kanina mom." sumbong ko.

"Why my baby cry? Did someone hurt you,honey?" ikinwento ni Areuza yung ginawa ng mga classmates niya. Akala ko mababait ang mga tao dito,di naman pala.

"Mom,anong oras umalis si dad?" tanong ko habang paakyat sa hagdan.

"Mga alas dose y media." sagot niya pero kay arueza parin nakatuon ang atensyon niya.

"Okay." pumasok ako sa kwarto ko at nilagay ang bag sa kama. Narinig ko pa ang sigaw ni mommy galing sa baba.

"Magmeryenda muna kayo dito vitha!"

"Opo! Magbibihis lang ako." sigaw ko pabalik. Nagbihis ako nang pambahay at bumaba rin nang sala para magmeryenda. Pagkapunta ng kusina ay may apat na saging na nasa stick na prinito. Ano bang luto 'to?
Kumuha ako nang isa at tinikman. Masarap.

"Mom,anong pagkain 'to?" tanong ko habang kumagat sa prinitong saging.

"Babana Cue yan vitha. May naglalako kasi kanina kaya bumili na ako." tumango ako ng ilang beses at inubos ang banana Cue. Lumabas ako ng bahay para magpahangin at magtext. Mahina kasi ang signal sa loob ng bahay.

Vitha: Hey,musta na?

Pipindutin ko sana ang send button nang biglang nagpop-up ang pangalan ni Raven. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya. Kailangan kong kausapin siya para sabihin na wag na siyang umasang babalik pa ako ng manila. I know naman na hindi permante kaming nandito. Maybe years.

"H-hello?" kagat labi kong sinagot ang tawag.

"What the hell Vitha!? 'Bat ngayong mo lang sinagot?" sigaw niya sa kabilang linya.

"U-uhm...k-kasi ano...ano kasi,w-walang kuryente dito noong nakaraan. Ngayon lang ako nakacharge." I lied. Damn! I'm freaking liar! Narinig ko ang buntong-hininga niya.

"I wanna hug you. I miss you so much. Bakit di mo sinabi? Nasan ka ba ngayon?" namula ako sa sinabi niya. I know we're just young to feel this.

"I'm sorry Raven kung di ko man nasabi nong umalis ako."

"It's okay. Just tell where are you right now,baby."

"I'm sorry raven,di ko muna masasabi sayo kung nasan ako." I bit my nail. I heard him sight. Hindi siya nagtanong nang 'bakit' dahil alam niya na pag ayaw kong sabihin ay ayaw ko talaga.

"Okay. I understand. Anyway,how are you? Maayos ba diyan sa inyo?" umupo muna ako sa duyan dahil nangangalay na ang paa ko kakatayo.

"Okay lang naman ako. Ikaw?" gusto ko man sabihin na hindi ako okay dito. May kaklase akong sobrang sungit at ayaw sakin. Pero alam kong mag-aalala siya sakin at baka pumunta siya dito.

"Okay lang din naman. Namimiss na kita eh. Kailan ka babalik?" ito na nga ang ayaw kong pag-usapan. Kung kailan ako babalik? It took years. Swerte ko nalang kung mabilis na gumaling ako.

"I-I don't know."

"I can wait-"

"Huwag mo na akong antayin. Hindi ko alam kung kailan ako babalik o...makakabalik pa ba ako?" mahina ang pagkakasabi ko sa huling linya ko.
Ngayon araw,tatapusin ko na ang namamagitan saming dalawa.

"Ano bang pinagsasabi mo,vitha?"

"Listen raven,bata pa tayo at makakahanap pa tayo ng iba-"

"Are you telling me na maghanap ako ng iba?" hindi ako sumagot. Tama naman siya. Isa pa,wala naman kaming relasyon.

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon