Kabanata 4

1.3K 74 0
                                    

Smile

Umayos ako nang upo nang maramdaman ko ang titig niya at ng mga classmates ko. What? May ginawa ba akong mali? Kanina nga tumawa rin sila.

Narinig ko ang pagtikhim ni ma'am dahilan para mabaling ang atensyon ng classmates ko sakanya.

"Lend me you hand Mr. Hernandez." pikit matang inilahad ang ni Aaron ang dalawang palad niya. Ikinuha ni ma'am ang ruler niya. Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa room dahil sa ruler na pinampalo niya sa kamay ni aaron.

"Ouch!" daing ni aaron at hinimas and dalawang kamay.

"Next,Vilanueva." lumapit si Elery kay ma'am habang kagat ang labi at halatang kabado.

"Naturingan na class president pero palaging late." sabi ni ma'am at pinalo ang kamay ni elery. Ganun na rin ang ginawa sa apat. Ang sumunod na ay si Air na diretsong inilahad ang kamay. Blangko lang ang expression niya. Psh. Yabang. Nang pinalo siya ay parang wala lang sakanya at parang di siya nasaktan.

"Sit." utos ni ma'am na agad na sinunod nila. Magkakatabi silang lahat sa likod ko which is last row. Napagtanto ko na sa likod ko nakaupo si air at nararamdaman ko ang masama niyang titig.

"Okay. Ganyan ang mangyayari sainyo pag late kayo." tumalikod si ma'am at may isinulat sa board.

"Pst." nilingon ko si Elery na katabi ni Air.

"Bakit?"

"Classmate pala tayo. Sabay ka samin mamaya magrecess." ngumiti ako at tinanguan siya. Umayos kaming dalawa nang upo nang humarap si ma'am.

***

Bandang alas nuebe ang recess at dali-daling lumabas ng room ang mga classmates ko habang ako ay inilalagay ang notebook na ginamit ko kanina sa subject na 'MAPEH' sa bag. Lumapit sakin si Elery na may ngiti sa labi.

"Tara." tumango ako at sinundan siya. Naramdaman ko ang titig ng mga tao habang naglalakad sila papuntang canteen.

"Transferee?"

"I guess so?"

"Maganda siya."

"Pero kasama na siya sa grupo nila Elery?"

"Siguro."

"Huwag mo nalang silang initindihin. Malaki ang topak nila. Hahaha!" ngumiti nalang ako kay aaron ng maramdaman niyang nagtataka ako sa pinagbubulong-bulungan ng mga tao.

Umupo kami sa table kung saan sa gitna ng canteen nakapwesto. Pati dito ay ramdam na ramdam ko ang titig nila. Umorder agad kami nang pagkain. Isang burger at palamig ang inorder ko. Konti lang kasi ang tinda at puro junkfoods pa yung iba.

"Galing kang manila diba? Bakit ka nagtransfere dito?" tanong ni shakila habang kumakain nang clover.

"Ano kasi...family problem." I lied. Ayokong sabihin sa kanila ang tungkol sa sakit ko kasi alam ko naman na kakaawaan lang nila ako.

"San ka ba nakatira at di kita makita kahapon? Imposibleng di ko makita ang isang magandang binibini na kagaya mo." agad naman silang nagtawanan at nakisabay narin ako.

"S-sa lupaing Aire." sagot ko. Mas'yadong weird ang mga pangalan ng lugar dito sa probinsya. Lupaing Aire, Agua, Tierra, at Lupaing Fuego. Sabi ng lola ko ay ang mga pangalan daw ng mga bayan dito ay tumutukoy sa apat na elemento na kwento pa nang mga ninu-ninuno.

"Kaya pala. Akala ko nakatira ka sa bayan eh." umiling ako at ngumiti. Ang bayan na tinutukoy nila ay Lupaing Agua.

"Sa bayan ba lahat kayo nakatira?" tanong ko. Sabay silang tumango maliban lang kay air na malayo ang tingin.

Air (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon