Simula

11 0 0
                                    

Simula

Tumatama sa aking balat ang sikat ng araw, sobrang hapdi na sa pakiramdam kaya napadilat na ako at napabangon sa hinihigahan kong sun lounger. Napatalon pa ako nang madatnan ko si Kristoff na nakatayo na sa aking gilid, naglahad siya ng tuwalya na agad ko ding tinanggap.

"Tara na, Kym!" sigaw ni Jai na nasa dagat na pala kasama ang mga pinsan ko.

"You look okay with your tanned skin now, Ky. Tama na 'yan at mamaya'y mag-island hopping na tayo." nakangiting sambit niya sa akin at nilingon ang mga pinsan ko na nasa dagat.

Sinama kami ni Kristoff para magbakasyon sa rest house nila sa Batangas. Pinayagan naman din ako nila Mama dahil malapit na din ang OJT ko. Pinilit ko na lang din na sumama ang iba kong pinsan dahil sa totoo lang ay ayaw ko magbakasyon at aabalahin na lang ang sarili sa pagpahinga.

Naging mabilis ang takbo ng mga nakalipas na araw sa akin. Mas iginugol ko ang aking sarili sa pag-aaral. Nag-take pa ako ng summer class para hindi isipin ang nangyari sa bahay na tinitirhan nila Marcus. Wala akong alam tungkol doon, inaasahan ko na sabihan niya ako sa nangyari ngunit naghintay lang pala ako sa wala.

"Talaga bang wala kang alam tungkol sa nangyari sa bahay nila, Den? Nag-aalala ako dahil baka may kinalaman na naman si Papa." tanong ko nang napadaan kami kila Marcus.

"Wala..."

Tumabi kami nang may truck na dumating, puno iyon ng buhangin at mga hallow blocks. Nang bumaba ang isang matandang lalaki ay hindi ko na napigilan ang sarili at nilapitan siya para magbaka sakaling alam niya ang dahilan ng paggigiba ng bahay nila Marcus.

"Manong, n-nasaan na po iyong nakatira d'yan? Bakit niyo po giniba ang bahay nila?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Ramdam ko ang paghawak ni Denver sa aking braso at pinipilit na itago ako sa kanyang likuran ngunit hinawi ko lang iyon at hinarap muli ang pinagtanungan kong lalaki.

"Kaibigan po kami ng nakatira d'yan, hindi po kasi iyon nakapagpaalam ng maayos." patuloy ko pa.

"Naku, hindi ko alam eh. Pinadala lang din kami dito para magtrabaho. Giniba namin iyan para mas ayusin pa, iyon kasi ang rinig kong bilin sa boss namin."

"Ang mga Almonte po ba ang nagpapagawa?"

Umiling siya. "Hindi ko talaga alam, hija. Maiwan ko na kayo at magtatrabaho pa kami."

Simula nang nalaman ko iyon ay walang araw na hindi ako napapadaan sa bahay nila Marcus. Baka maligaw siya isang araw at makita siya doon ngunit wala. Napapansin ko ang mga tingin sa akin ng pamilyar na tao ngunit nginingiwian lang nila ako kapag aakma akong lalapit sa kanila.

They hated me, and I deserved that treatment. Wala akong magagawa, maski sabihin ko na pinaglaban ko ang mga Almonte kay Papa ay hindi na mawawala ang pagdisgusto nila sa akin. Buti na lamang din kahit papaano ay kinakausap ako ni Ma'm Montes. Kapag nakikita niya ako'y pinapatuloy niya muna ako sa kanilang bahay.

"Wala din akong alam, hija. Nagulat na lang din ako nang makitang ginigiba ang bahay nila Nanay Lucing, tinanong ko naman ang mga nandoon kung nasaan sila ngunit pati ang ibang kapitbahay namin ay walang alam." sagot ni Ma'm sa akin nang tanungin ko siya.

"Baka ho kasi may kinalaman si Papa doon-"

"Bakit mo naman iisipin iyan, hija? Tingin mo ba'y magagawa iyon ng Papa mo?"

"Nagawa na niyang bawiin ang scholarship ni Marcus, Ma'm. Pati ang lupa nila ay may kinalaman doon si Papa, iisipin kong may alam din si Papa tungkol doon."

Umiling siya at tila may iniisip na malalim. "Siguro nga pero... may napapansin na ako noon pa sa totoo lang."

"Ano ho iyon?"

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon