Kabanata 28

1 0 0
                                    

Kabanata 28

Chance

Pagkauwi sa bahay ay hindi ko na nadatnan si Papa. Inaasahan kong kakausapin niya ako pero kung nasa isip niya ang pagpupumilit ko sa aking gusto, tama nga lang na hindi na niya ako nahintay. Sa pagod ay nakatulog na rin ako kaagad. Hindi ko na rin nakuha pang itext si Marcus. Kaya kinaumagahan ay doon ka lang naisipan gawin iyon.

'Sorry, nakatulog ako kaagad.'

Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba. Kahit na may nangyaring hindi maganda kagabi ay kailangan ko pa ring pumasok. Bahala na kung pag-usapan pa ako sa duty, atleast ay kaya ko na iyon tanggapin dahil hindi lang ako nag-iisa ngayon. Pagkababa ay gulat pa ako nang makita si Kristoff sa dining area. Sa tabi niya'y may dala pa itong bulaklak.

"Hi! Good morning!" bati niya, kinuha ang bulaklak at iniabot sa akin nang makalapit ako.

"Kakarating lang ni Kristoff at dumiretso agad dito. Talagang nagpapalakas ang isang ito sa akin, Kyla!" natatawang sabi ni Papa.

Sa itsura niya'y parang wala lang sa kanya lahat ang nangyari kagabi. Na para bang binalewala niya ang sinabi ko at ang sinabi ni Marcus. Gayunpaman ay ayaw kong maging bastos, walang alam si Kristoff kaya hindi ko dapat ipakita sa kanya ang pagkailang sa kanyang ginagawa. Kung siya man ang maghahatid sa akin, sasabihin ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Na kami na nga ni Marcus.

"May tinanggap po akong project sa Manila. Nandito lang po ako para kunin iyong ibang gamit ko." bumaling siya sa akin at napangiti. "Pero maglalaan po ako ng oras para dalawin si Kyla."

"Naku, hijo... Ilang buwan na lang naman din at susunod siya sa'yo sa Manila. Gusto kasi ng Tita Liezl mo na magpatayo rin ng restaurant sa Manila at si Kyla ang ipapa-manage ko." Ani Papa. Kumunot ang aking noo dahil sa narinig. Wala akong alam tungkol doon.

"Hindi po ba ay tutulungan niya si Tita Liezl sa restaurant na nandito?"

"Hindi ko kaya iyon, Pa. Mas mabuting dito na lang ako at si Mama ang nandoon. At ayaw ko sa Maynila..."

"Nag-usap na kami ng Mama mo tungkol rito... Kasama mo ang Tita mo na nandoon para tulungan ka..." pinal niyang sabi.

Hindi na ako nakapagsalita dahil itinuon na lang niya ang atensyon kay Kristoff, nagtanong tungkol sa tinanggap nitong project sa Manila. Ayaw ko rin namang pilitin siya na bawiin pa ang desisyon niya gayong may ibang tao kaming kasama. Siguro ay kakausapin ko si Mama tungkol sa sinabi niyang iyon, alam kong si Papa lang ang nagdesisyon no'n dahil sa nangyari kagabi.

"Dalawang araw lang ako rito at babalik na rin sa Manila. Day off mo bukas, 'di ba? Puwede ba tayong lumabas?" tanong ni Kristoff nang nasa biyahe na kami.

"Sige..." tipid akong ngumiti sa kanya.

Balak ko sanang sabihin ngayon sa kanya ang lahat kaso mas mabuti na lang siguro na ipagbukas ko iyon gayong nag-aya siya para lumabas kami. Hindi ko naman alam kung ano pa ang puwede naming pag-usapan para lang maputol ang awkwardness naming dalawa ngayon. Buti na lamang ay katulad pa rin ng dati, nagkukuwento siya ng mga nangyari sa kanya.

"Balita ko ay may project si Anreigh sa Manila..." bigla niyang sabi, nagkibit balikat siya. "Iyong isang team sa firm namin ay kinuha niya para doon. Nasa Manila pa ba siya?"

"Uhh, nandito na..." iyon lamang ang tangi kong sagot. Tumangu-tango siya.

"Nagkita kami, actually. Nag-usap lang tungkol doon. He even asked me about the project that he's doing. Well, I'm still not professional kaya nagsuggest lang ako ng iilang alam ko." natatawa niya pang sabi.

Gusto ko man pag-usapan na ngayon ang sa aming dalawa ngunit sakto naman na nakarating kami sa hotel. Nagpasalamat na lamang ako sa paghatid niya sa akin. Sa paglalakad ko sa hallway ay ramdam ko na ang mga titig ng empleyado sa akin, hindi pa nakuntento ay pinaringgan pa ako.

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon