Kabanata 21
True
Nakatulog na rin ako sa biyahe. Pagkagising ko ay binababa na ni Marcus ang mga gamit namin. Bago lumabas ay lihim akong napatingin sa cellphone ko para mag-ayos ng mukha. Thankfully, wala naman akong dumi. Pagbaba ay nagkatinginan kami, nag-iwas agad ako ng tingin at agad na napalingon sa mga pinsan ko na nagbababa na rin ng gamit.
"Sumunod ka na sa mga pinsan mo, saka ko dadalhin ang mga gamit mo sa room ninyo."
Imbes na sa mukha niya'y sa dibdib niya ako nakatitig. Hindi ko namalayan na nagpalit na siya ng damit, he's now wearing a black sando. Litaw na litaw na sa aking paningin ang tattoo niya sa dibdib. Nakakunot noo akong nagmartsa papunta sa mga pinsan ko. Paano naging pangalan ko iyon? Well, it's alibata. I don't understand it. Bahala siya kung iyon ang sabi niya, as if naman na maniniwala ako.
"May nakahanda na raw na breakfast for us, Anreigh." sigaw ni Denver sa kaibigan.
Nakakahiya. Dala niya ang gamit ko habang papalapit sa amin. While my cousins, dala-dala nila ang sarili nilang mga bag. Kaya nang tuluyan siyang makalapit ay kinuha ko iyon sa kanya, ngunit hindi niya iyon binigay. Baka mag-away pa kami sa ganitong bagay kaya hinayaan ko na lang.
"Hiwalay ang girls sa boys-"
"I will book a seperate room for us, Anreigh." putol agad ni Kuya Bruce kay Marcus.
"Tss..." si Devon. Dumiretso na siya papasok ng hotel, sinundan na rin siya ni Denver.
Ganoon nga ang nangyari. Si Jai, Lou, Devon, Tiana at ako ay sa isang room. Si Denver, Anreigh, Lance, Jed at Borris naman ay sa kanila. Magkatabi lang din ang kinuhang room nila Kuya Bruce, dalawa iyon. Napalingon ako nang marinig ko ang munting bulong na nanggagaling kay Devon, kinakausao siya ni Kuya Bruce ngunit hindi naman niya ito pinapansin.
"You don't have to explain, Sir. I don't even care..." iyon lang ang narinig ko dahil bigla nang humarang sa akin si Marcus.
"Will you swim?" tanong niya sabay bigay ng brochure sa akin.
'Stella Mariz Resort'. Ngayon ko lang napansin ang pangalan ng resort na kung nasaan kami. Hindi pa naman siya well-developed pero kung ang hanap nga naman ng iba ay matahimik at napapalibutan ng magandang tanawin ay talagang ito ang mas pipiliin na puntahan. I don't know much of beaches here, sa sobrang pagkataong bahay ko ay wala akong ideya kung anu-anong pasyalan ang mayroon sa amin.
"Nakaplano na ang gagawin natin ah. Pagod-pagod ako nito bukas..." halakhak ni Jai habang nakahiga sa kama.
Nasabi nga niya na saglit lang rin kami rito. Hindi ko nga alam kung bakit hiwalay pa ang rooms namin kung puwede namang hindi na magbook dahil nga saglit lang kami. Nagsayang pa sila ng pera. Binayaran rin ba niya ang room na isa? Kaya naman niya iyon, walang-wala ang gastos na kapiranggot na ito sa kanya.
"Matagal na rin noong huli kong punta sa Las Casas. Nakakaexcite!"
"Nga lang ay saglit lang rin tayo, wala naman din masyadong mapupuntahan." segunda pa ni Lou.
"Kung puwede nga lang mag-absent bukas!" saad ni Devon.
Nagkuwentuhan silang apat habang nagpapalit ng damit. Pinatungan lang nila ng damit ang suot na bikina, ang pang-ibaba naman ay maikling shorts lang. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila hanggang sa makababa.
"Mabuti na ito na hindi pa mainit, at mas matagal pa ang pagbababad natin dahil maaga pa." rinig kong sabi ni Tiana, bestfriend ni Devon.
Nagtama agad ang tingin namin ni Marcus nang makarating nga sa isang hindi masyadong kalakihan na kainan. Kasama na ang libreng almusal sa pagbook namin ng room. Well, maganda nga ang ginawa nila, mas maaappreciate ng mga tao ang ganitong service. Kung dito ko na lang isuggest iyong plano ni Jeoff para sa outing ng grupo? Para hindi na rin makalayo.